Kabanata 4

1.5K 85 0
                                    

Maggy's POV

"You are a Queen, Margarita. Sinasamba tayo ng mahihirap." I looked at my Mom. A regal, classy and elegant woman. Miriana Dela Fuente. A former beauty queen and now, a famous businesswoman.

"But, that's not what Dad told me. Sabi nya lahat tayo pantay pantay." giit ko. Umirap ang itim na itim nitong mga mata at hinaplos ang buhok kong kulay tsokolate katulad ng kanya.

"Of course, ayan ang sasabihin ng Dad mo. He's a down to earth politician, you see. But then, ibahin mo ako. I will mold you to be like me."

I sighed while remembering my Mom. Naghiwalay sila ni Dad five years ago. It was hard for me at first, pero tinanggap ko na rin. Bihira ko na rin syang ma contact dahil may bago na rin itong pamilya.

"Seige...Seige...Seige." umirap ako. Palagi nya na lang akong binabara. Me, Margarita Dela Fuente? Ginaganon ganon nya lang ako? Aishh!

"Miss Dela Fuente." may kumatok ng tatlong beses. Agad ko itong binuksan at tinaasan ng kilay si Seige.

"What now?" nag iwas ito ng tingin. Mukhang nahihiya ito.

"Pwede ko bang... makuha ang sahod ko kahapon?" nagpigil ako ng tawa pero di ko kinaya.

"Akala ko ba di mo tatanggapin? Grabe, Seige. Marunong ka rin palang lumunok ng pride!" tumatawang saad ko.

"Kinakapalan ko na po ang mukha ko ngayon, Miss Dela Fuente. Kailangan na kailangan ko lang po talaga ng pera—"

"Kneel while begging, then." natigilan ito at di makapaniwalang tinitigan ako.

Ginaya ko ang ginawa ni Mom noong 8 years old pa lang ako. May katulong na nanghihingi sa kanya ng pera at iyon ang mga katagang sinabi nya.

"I'm just kidding—" pinutol nito agad ang sasabihin ko.

"Mukhang nagkamali ako ng pagpunta dito." nawalan ng emosyon ang mukha nito. For the first time, nakaramdam ako ng takot.

"Salamat sa oras mo, Miss Dela Fuente. Gusto ko lang din sabihin sayo na di na ko kailanmay babalik dito para magtrabaho." tumalikod ito at umalis na.

"You— Hey, wait! Hindi pupwedeng umalis ka na lang basta basta trabaho mo! Hoy!" kinuha ko ang sandals ko at sinundan sya. Hinawakan ko sya sa braso at tinanggal nya lang ito.

"Stop it, woman!" galit nitong saad.

"How dare you call me that—"

"Napakamatapobre mo! Hindi porke't mayaman ka ay may karapatan ka nang maliitin ang mga tao sa paligid mo." napalunok ako at titinitigan ang mata nya.

"So, what? I am born this way. Kayong mga mahihirap, dumi lang ang tingin ko sa inyo." di makapaniwalang tinignan nya ako.

"Ibang iba ka kay Mayor Martini. Napakabait ng ama mo—

"Too bad, then. Nagmana kasi ako sa Mommy ko. But, don't worry cause I'm trying to live a different way now." inirapan ko sya. Napailing iling ito.

"Bakit ba kailangan mo ng pera? Wala ka na bang makain?"

Tila nag aalangan itong sabihin ang rason.

"Si Tatay Rodolf, kailangan nya ng gamot." mahina nitong sagot.

"Who is he?"

"My father." tumango tango ako.

"Let me see him. Sasamahan na rin kitang bumili ng gamot."

Kinandado ko ang bahay at inilagay ang susi sa bulsa ko. Binalingan ko ng tingin si Seige. Nakayuko lang ito at mukhang malungkot. Tumingala ito at pumikit ng mariin. As I studied his face, may na realized ako.

"Is he Spanish?" natanong ko na lang sa sarili. Kinuha ko ang cellphone ko at palihim syang pinicturan. Nakaisip ako ng ideya kanina.

Agad agad ko itong sinend kay Qristain.

'A new boyfriend?'

Napangisi ako sa reply nya.

'He's Spanish, right?'

Mas maraming naging boyfriend si Qristain kesa sakin, at iba't ibang lahi iyon. She's an expert on this.

'I think so. Hbu?'

'He is.' reply ko rito.

Spanish kaya ang tatay nya or yung nanay nya? Ilang araw ko na din syang nakakausap at pagmagsasalita sya ng English, maganda ang accent nito at tila bihasa na ito sa pagsasalita ng lenggwaheng yon.

You made me curious, Seige.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now