Kabanata 7

1.3K 75 1
                                    

Maggy's POV

Why are you crying over simple things, Maggy? Pinahid ko ang luha ko.

I'm jealous. May girlfriend ba sya? May gf na si Seige? No, I mean. He kissed me! Is he a cheater? Oh, d*mn him!

"Dad!!!" palahaw ko.

"Uuwi na ako!" sigaw ko.

"I can't let you do that, Margarita. May usapan tayo."

"It's so unfair!" reklamo ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Bukas ng umaga ay pumunta ka sa bayan."

"Why? Oh my! Are going to come here? Or maybe, ipapasundo mo na ako? I love you, Dad!"

"Hindi, Margarita." napasimangot ako.

"Pupunta dyan si Scotch. May medical mission sila dyan." nanlaki ang mga mata ko.

"W— what? Si Scotch?"

"Margarita, don't call him by his name only. Kuya mo sya." napangiwi ako.

Scotch Dela Fuente. My half brother. Anak ni Dad sa labas. Though, mas matanda sa akin ito ng two years. Doctor ito sa kilalang ospital. Ang nanay nito ay isa ring Doctor dati at nagmamay ari ng pinakamalaking ospital ngayon sa bansa.

"Pwede bang wag na kong pumunta? I mean, Kuya Scotch is not worth seeing naman—"

"Margarita!" warning tone nito.

Scotch and Margarita. Hindi naman halatang mahilig sa alak ang tatay ko.

"Sige na nga, Dad. Pupuntahan ko sya bukas."

Napasabunot ako ng buhok. Scotch and I have a good relationship. Irita lang ako dito kasi sobrang landi nito, tinalo pa ako. Lahat ata nang mga naging kaibigan ko ay naging girlfriend nito.

Kinabukasan ay nag ayos agad ako. Nagpabango ako at ngumiti sa harap ng salamin. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Seige.

"Hey."

"What?" sinarado ko ang pinto at hinarap sya.

"Sorry about yesterday. You looked mad. Monica is just a friend of mine."

I scoffed. Why is he explaining? Akala nya ba nagseselos ako?

"Hindi ako nagseselos." ani ko. Tumaas naman ang kilay nito.

"Wala naman akong sinabing nagseselos ka." natikom ko ang mga labi ko.

"Are you jealous, then?" umiling lang ako.

"Tabi, pupunta pa ako ng bayan."

"Sasama ako. Mamamalengke rin ako."

"Bahala ka." mataray kong sagot.

"Here, take my hand." inilahad nito ang kamay nya.

"Kaya kong maglakad nang hindi hawak ang kamay mo." he smirked.

"You sure?" sinamaan ko sya ng tingin at pagalit na hinawakan ang kamay nya. He intertwined our fingers. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Pagkarating namin sa bayan ay niyaya ko sya sa court.

"Why? There's medical mission there. May masakit ba sayo?"

Meron.

"May pupuntahan lang ako. Kung gusto mo ikaw na lang mamalengke—"

"No, I'll go with you."

Napatikhim ako nang mapagmasdan ang mga tao sa court. Halos puro mga babae ang naririto. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Seige, is that you?" agad na nag init ang ulo ko nang marinig ang isang matinis na boses.

"Monica? Hey, nandito ka rin pala." ngumiti naman ang damuho.

Pinagmasdan ko si Monica. Maganda. Pero mas maganda ako.

"Sinamahan ko si Lola. May kasama ka pala. Hi, I am Monica—" inirapan ko ito at umalis na. Napatigil ako pagkatapos ng ilang hakbang. Hindi nya ba ako tatawagin or susundan man lang?

Nilingon ko si Seige and here he is. Happily talking with that woman.

May mga upuan nakahilera at sa tapat noon ay nandoon ang mga doctor. Nang makaalis ang babaeng tila kinikilig after i check ng isang doctor ay umupo agad ako sa pinaglisanan nito.

"Name?" his butterscotch eyes look up at me. And I saw him smirked.

"Margarita Dela Fuente."

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Galit." sagot ko na nagpangiti dito.

"And why is that?"

"May isang babae akong kinaiinisan dahil kinakausap nya ang kaibigan ko. Anong sakit ko, Doc?" tumingin ito sa gawi nila si Seige.

"Jealousy. Stage 5. Hindi na maaagapan." inirapan ko sya at tumayo na.

"I hate you, Scotch."

"It's Kuya Scotch, young lady." nakangisi nitong tugon.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Where stories live. Discover now