WA [DR] 33 - Parade of the Challengers

55.4K 1.9K 212
                                    

The real deal. Enjoy reading! Ngayon lang medyo smooth, after this... it will be a bumpy ride na ;)
Comments will be highly appreciated!

WA 33 –Parade of the Challengers

Kanina pa ako palakad-lakad dahil sa hindi mapakaling pakiramdam. When I saw the whole place, I was speechless... Shit! This is really happening! I never thought I could really exert this kind of feeling in my whole life. Hindi sa ganitong paraan ang kabang naiisip ko. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. It feels like, there's something wrong and I need to do something for it.

Sir Borris left us for a moment.

Uryll stared at me with creased brow, "Will you stop?" He retorted. .

Umiling ako. "Kinakabahan ako." Sabi ko sa kanya. He rolled his eyes heavenwards. Mas magaling pa talaga sa akin umirap 'to.

"Pacing won't help lessen your nervousness. Sit the hell down and keep calm." Sungit. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang. "Chill, Delacroix." Bigla siyang tumawa ng mahina.

I hit him, "Shut up, Hutchinson. Nakakainis ka na." I retorted. "Kabado na nga, tinatawanan mo pa. Ikaw ba, hindi kinakabahan?"

Umiling siya, "Hindi." Manhid naman.

I was about to say something when Sir Borris came in, "Get up kids.  Kayo na ang susunod."

Damn it. Mas lalo akong kinabahan.

'Let the show begins, Delacroix.' A pang of pain strikes mind.

Kaagad akong bumaling ng tingin kay Uryll na ngayon ay nakangisi habang pinapagpag ang coat na suot.

'Damn you. Umayos ka!' I shouted in my head. I saw how his faced turned into crimson. Napapikit siya at napangiwi. Buti nga sa kanya! "Really?" taas kilay niyang tanong sa akin. Inirapan ko siya at tumalikod na para sundan si Sir Borris.

Halos malaglag ang panga ko nang paglabas ko sa kwarto. I felt Uryll's presence behind me. Pinalibot ko ang tingin sa buong lugar, and clearly, malawak at punong-puno ng tao.

"What are we going to do?" tanong ko sa kanya.

He quirked up his lips and pointed the big red carpet in the center of the arena. "We'll walk and show them that we can make it until the end." He said with intimidation.

Tumango ako, but the idea strikes in, "What if we can't make it?"

Tumaas ang kilay niya at bumaling sa akin. "Easy..." Itinaas niya sa bandang dibdib ang kaliwang kamay at naglabas ng icicle na matalim. "I'll just kill you instead." Masungit niyang sagot.

Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa ibinaba niya ang kamay at inirapan din ako. Ang sama talaga ng ugali mo Hutchinson.

Malakas na hiyawan ang umagaw ng atensyon namin. Nagsimula na ang parade. Maraming kasali sa league na 'to. Sa pagkakaalam ko, limang school ang kabilang dito. May ibang school na maraming ipinadalang sasali at may iba namang—katulad namin, dalawa lang. Ramdan namin ang tensyon nang gumitgit sila sa amin ni Uryll. Nasa iisang tayuan lang kami kaya masyado nang masikip.

"Huminga ka, Nathalia. Hindi ka pa naman pinagkakaitan ng hangin." Pilosopo niyang bulong sa akin.

Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Give consideration sa mga taong kinakabahan, Uryll. Not all people are like you." Sagot ko. Pinasadahan niya lang ako ng tingin at ibinalik rin sa harapan.

Isa-isa na ang pagtawag sa mga kasali sa League. I can see Sir Borris from afar. Naka line-up silang lahat kasama ang mga guardians rin ng ibang challengers. I sighed heavily when I saw our opponents. Damn it. Kaya kaya namin?

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon