Chapter 16

234 2 0
                                    

The Only Exception 16

"Ang lalim nun ah."komento ko ng marinig ang buntong hininga ni, Opal

"Rie."natigil ito ng makita ako kalaunan ay ngumiti rin "Kanina ka pa dyan?"tanong nito umiling naman ako bilang tugon

"May problema ba?"tanong ko rito saka naupo sa upuang nasa harapan nito

Meet Opal Gasper one of the Precious Queen if I'm not mistaken

"Wala naman, may iniisip lang."naka-ngiting tugon nito pero halata sa mukha nitong may prinoproblema nga ito

"And thats is?Alam mo namang nandito lang ako diba? Handa kang damayan."masuyong sambit ko rito

"I know, Rie."naka-ngiting wika nito saka malayo ang tingin "Hindi ko lang alam kung pano ko sisimulan."nakapabuntong hiningang sambit nito

" Ano bang nangyari?"tanong ko rito

"Narinig ko kasing pinag-uusapan nila, Mommy ang annulment nila."bakas ang lungkot sa mga mata nitong wika

Huminga na lang ako ng malalim saka tumayo at lumapit sakanya saka siya niyakap

" Bakit ngayon pa nila naisipan mag-hiwalay kung kailan may anak na sila? Hindi man lang ba naisip yung mararamdaman namin pag naghiwalay sila?"Mapait nitong tanong

" Alam mo kasi, Opal may mga bagay na hindi natin kontrolado siguro sinubukan ng parents mong isave yung pagsasama nila para sainyo, pero kasi kung wala na talaga at kahit anong subuk nila kung hindi na talaga kaya wala na silang magagawa kung hindi pakawalan ang isa't isa bago pa nila mas lalong masaktan ang isa't isa."malumanay na turan ko rito

"Saka kahit naman naghiwalay sila ay hindi naman ibig sabihin nun ay titigil na sila sa pagiging magulang sainyo. Siguro yun na lang yung bagay na pwede nilang gawan ng paraan kung paano nila pananatiliing maging magulang sainyo kahit na hindi na sila magkasama."dagdag ko

" Ganun ba talaga yun, Rie? Kahit na ilang taon niyong minahal yung isa't isa darating yung araw na nafafall out of love kayo sa isa't isa?"mahinang tanong nito

"Hindi ko alam, Opal dahil kung mahal mo ang Isang tao kahit pa isang million ang pwedeng dahilan para iwan mo siya ay meron Isang dahilan para mas piliing mong manatili sa tabi niya kahit pa mas madami yung reason na iwan mo siya kaysa sa manatili ka sa tabi niya."sagot ko rito

"May boyfriend ka na ba, Rie? Bakit parang alam na alam mo ang buhay pag-ibig na yan?"saglit akong napa-isip sa tanong nito

Hindi pa ako gaano kasigurado sa nararamdaman ko kay, Demetrius ang alam ko lang ay siya ang nag-iisang exceptions ko at ganun din ako sakanya

Wala kaming malinaw na relasyon maliban sa kaalamang exception namin ang isa't isa at isa pa hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya sa'kin dahil wala naman siyang sinasabi

"Sa ngayon hindi ko pa masasagot ang tanong mo, Opal. Alam mo namang wala akong alam pag-dating sa buhay pag-ibig na yan dahil kahit kailan ay hindi ako nag-karoon ng boyfriend."tanging naging tugon ko rito

" Ganun ba? Para kasing may pinang huhugutan ka dun sa sinabi mo eh."naka-ngusong wika nito

" Si, Papa lang din nag-sabi sa'kin nun saka narinig ko din nung isang beses na nag-usap yung mga Kuya tungkol sa buhay pag-ibig nila."paliwanag ko rito

"Kung hindi masasamain, Rie pwede ko bang itanong ang dahilan kung bakit naghiwalay ang magulang niyo?"nag-aalangang tanong nito,

Walang lumabas na boses sa bibig ko kahit pa ibuka ko ito para sana sagutin siya pero agad ko ring tinitikom

Brave Queen Series 1: The Only Exception (🌜)Where stories live. Discover now