Shots Amidst The Wild Boos
Kabanata 4
"Good job, Floresmo! Ganiyan ang gusto ko! Hindi nawawala sa momentum!"
Simula na ang volleyball tryouts. Ang dami agad ganap. Nagsimula na rin ang first week of class at masasabi kong magiging maganda talaga ang journey ko rito sa UMC.
I'm taking TVL Track: Home Economics, Cookery strand.
"Gusto ko ang galaw at lakas mo," Coach put her hand on my shoulder. "Matalino ka. 'Wag ka mag-aalala, isa ka sa mga kukunin ko para sa team. Ihahanay kita sa mga beteranong volleyball player ng team."
Pinigilan ko ang sariling 'wag yakapin si Coach Magbanua. Favorite talaga ako ni Lord e!
"Salamat, Coach! Promise po, gagalingan ko pa! Lalakas pa po ako kapag nasa Team Harpies na! Hindi ko po kayo bibiguin!"
Thank you po, Lord. Sini-secure Niyo po talaga ako at tinutulungan. Ngayon, ramdam ko na talagang tamang desisyon ang ginawa ko.
"Tryouts din pala ng women's basketball ngayon!" sabi ni Kirsten, tulad kong sumali sa tryouts.
May dumating na mga estudyante. Nakilala ko agad doon ang babaeng pamilyar sa akin.
"Damn, who's that? She looked hot," sabi ni Kirsten sa tabi ko. "A basketball player?"
Si Rai.
Marami silang pumasok, pero ang lahat ng tingin, nasa kaniya lang. Hindi na siya naka-mullet, bagong gupit na siya. Her hair was now in a pixie cut.
Ang gandang babae talaga. Pogi rin. Lakas ng dating.
"One more, team!"
Naghintay ang mga bagong dating na matapos kami. I was so dedicated. Kirsten and I were the spikers, and we were the ones who often hit the ball. Ang libero naman namin ay ilang beses nang tatanga-tanga kaya naiinis si Coach Magbanua.
Tumingin ako sa bench. Nakita ko roon si Rai na nanonood sa amin. At napansin kong nakatingin siya sa bandang pwetan ko. Then she looked at me. Hindi nagbago ang seryoso at tamad niyang ekspresyon.
Manyakis yata 'tong si idol e. Tingin nang tingin sa pwet ko!
Nang matapos ang tatlong oras, pinagpahinga na kami ni Coach. Tumungo ako kung nasaan ang bag ko, malapit sa lokasyon ni Rai.
Tumayo siya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung babatiin ko ba dahil isang beses na kaming nagkasama. Sa kulungan pa nga.
"Galing mo." Ngiti niya sa akin bago ako lampasan.
Nagulat ako. Bigla akong hinampas ni Kirsten.
"Magaling din naman ako, bakit ikaw lang ang sinabihan?! Jesus is so unfair!"
Para akong tangang napangiti at tumingin kay Rai na nasa court na. Mukha siyang mabait. Ang sarap niya sigurong maging kaibigan, noh? Intimidating nga lang.
Umupo muna kami ni Kirsten sa bench para makinood sa tryout nila. Feeling close si Kirsten, pero hindi annoying which is gustong-gusto ko sa isang tao dahil gano'n din ako.
"For sure magagaling din sila," ani Kirsten. "I guess the best among them is the girl who complimented you. The surname on her shirt must be her name. Almendarez."
06. Almendarez.
"Kirsten! You're done with your tryouts naman na pala! Let's go!"
May tatlong magagandang dalaga ang lumapit sa gawi namin at hinila si Kirsten. Tingin ko'y mga kaibigan. Like Kirsten, they all looked classy.

YOU ARE READING
Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series #2)
RomanceJam, a sister and daughter, became a volleyball athlete solely to support her financial education through its benefits. Alam niya kasing hindi afford ng mga magulang niya ang matrikula at gastos sa pagpapaaral sa kaniya. Wala siyang ibang goal kundi...