May sasabihin ako sa dulo ng Update. Pakibasa na lang. Pakibasa. Mahalaga. Thanks.
( MAY HINDI NAGBABASA NG NOTE, TANONG NG TANONG KUNG TAPOS NA ANG NGNE. HINDI PA. ANNOUNCEMENT LANG IYONG NOTE NA KASUNOD. TSK.)
---
I never had a chance to see their faces distorted like now. Under estimation pa nga yata ang distortion. They are creating weird expressions that I am not aware that those expressions actually exist. Kahit emoji walang ganyang ekspresyon.
"Tangina. Patawa ang puta." naiiling na lang na sabi ni Coldie. Kahit na alam kong nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya ng Yelo ay hindi niya kaagad iniiisip na ako ito.
"Fck. Tangina ha? Umaamin na iyong tao oh." Naiiritang reaksyon ko. Hindi ko alam kung gusto kong manghampas ng upuan o ano.
"You expect us to believe you? Zerah. Ano ba?" nakaismid na sabi ni Coldie bago mulang nagpatuloy sa sinasabi. "Sa lahat ng taon nakilala ko, ikaw ang pinakabulok at mapagpanggap. Wag mo ngang dinadamay iyong tao dito. Umalis ka na lang."
Oh. Okay.
"Zerah! May sasabihin ako." Narinig kong tawag sa akin ng lalaking kanina pa pala nakatayo sa may gilid ko.
"Kung ipapangalandakan mo sa akin yang kaguwapuhan mo, please lang. Wag ngayon Neon." Yup. Nandito na din sa bahay nila Coldie ang almighty walang kupas na kalandian na si Neon. Hindi ba niya nakikita? Seryosong usapan ito oh.
"May sasabihin nga kasi ako." papupumilit niya. "About ito sa kamachohan ko." sabay pose niya na akala mo si Adonis.
Hindi ko alam kung gusto kong tadyakan si Neon o ihagis paalis ng Pilipinas. Hindi ba siya makaintindi?! I am trying to convince my best friend here na ako si Zitty tapos babanatan niya ako ng mga ganyan?
"Wala akong panahon sa kakisigan mo." I tried making my voice sound calm.
"Eh kung tungkol sa pagmamahal ko sayo? Makikinig ka?" Napatitig lang ako kay Neon. Seryoso ba talaga siya? Ngayon pa habang nasa gitna kami ng pagtatalo?
"What the fck?" Napatingin ako sa nakangising si Sky. Sila Axe at ang iba pa ay napapailing na lang na may kasamang ngiti sa mga labi dahil sa kakulitan ni Neon. Habang si Coldie naman ay nakatitig pa din sa akin. This time nakakulot na talaga ang mga kilay niya. Neon is just making the air light.
"We need to talk." matigas at puno ng otoridad na sabi ni Coldie sa akin. That famous line. We need to talk.
"Let's talk here." Hindi ako natinag sa sinabi niya. Kung may gusto siyang malaman, gusto ko marinig ng iba. Ayoko ng ulitin pa sa iba. Ayokong magpaliwanag ng paulit-ulit. Nakakasawa kasi minsan.
"Patunayan mo na ikaw si Zitty." matigas na sabi ni sa akin. HIndi ko alam kung matutuwa ba ako na gusto niyang kumbinsihin ko siya o manlulumo dahil alam kong malaki ang pagdududa niya.
"Yelo naman..." nasabi ko na lang. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano.
"Wag mo akong matawag-tawag na Yelo. Sino ka ba talaga ha?!" This time... hindi na galit ang nakikita ko sa mata niya. Takot. Pagkalito. Sakit.
"Nasa'n ang peklat mong letrang E?" tanong niya. Pero napailing na lang ako bilang tanda na wala na ang peklat. I removed it during the surgery.
"Nasan iyong nunal mo sa batok?" bakas sa pananalita niyang naiinis na siya sa sitwasyon. HIndi ko siya masisisi. Wala akong maipangpatunay.
"Wala na." mahinahong tugon ko.
Dinig na dinig sa buong bahay ang malakas na sampal na tinamo ko mula sa palad ni Coldie. I deserve that slap.
BINABASA MO ANG
No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2
ActionWhen the good side die, the monster will rise. Gangster Academy: Book 2