Chapter 18

646K 16.7K 7K
                                    

Chapter 18



[Timi's POV]

"Pero Timi, willing akong gawin ang lahat Lahat lahat... mapatawad mo lang ako."

Pumikit ako at huminga nang malalim. Kinalas ko ang pagkakahawak ni Ice sa wrist ko at lumayo ako sa kanya.

"Timi.."

"Stop it Ice. Tama na. Wag mo nang gaguhin ang nararamdaman ko. Tama na. Tama na!"

"Timi, hindi kita ginagago. Mahal kita."

I blinked. Ramdam ko ang nangingilid ng luha sa mata ko pero pilit kong pinipigilan na wag bumagsak ito.

Ayoko nang umiyak sa harapan niya. Ayoko nang makita niya akong iniiyakan siya.

Hindi ko na ulit hahayaan na mangyari yun.

"Mahal," paguulit ko sa sinabi niya then I laughed sarcastically. "Mahal. Wow. Paano nangyari yun Ice? After so many years, minahal mo ako? Ang galing ah? Eh natatandaan ko five years ago, you made it clear to me na hindi mo ako minahal. Na si Erin ang gusto mo. Ano, biglang nagbago isip mo ganun?"

"Timi.."

"Wag mo akong gaguhin!"

Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Wag kang iiyak. Wag kang iiyak. Wag na wag na wag kang iiyak.

"Tama na Ice. Never na akong magpapauto sa'yo."

Tinalikuran ko na siya. Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya.

Isa pa...

...malapit na malapit nang bumagsak ang luha sa mata ko.

"Timi," naramdaman kong hinawakan ni Ice ang kamay ko at hahatakin ko na sana ito palayo but I was taken a back sa sunod niyang ginawa.

He kneeled...in front of me.

"Mahal kita Timi. Mahal na mahal kita. At sorry.. sorry sa nagawa ko sa'yo noon. Ang tanga ko, duwag ako, wala akong kwenta at inaamin ko sa'yo na nagkamali ako."

"Ice tumayo ka diyan."

"Hindi kita susukuan. Kahit anong mangyari Timi. Papatunayan ko sa'yo na totoo ang sinasabi ko."

Unti-unti kong tinanggal ang pagkakahawak ni Ice sa kamay ko. Dire-diretso ako sa kwarto ko at isinara ko and the moment na naisara ko na ang pinto, bigla na lang din bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ayokong maniwala. Ayoko. Ayokong masaktan. Ayokong mag take ng risk. Ayokong mag mukhang tanga ulit at maranasan na naman yung parang pinapatay ako sa sakit.

Ayoko na.

Pero bwiset na puso ito, ang tanga tanga.

Laging nag aabang sa mga gagawin ni Ice. Lagi siyang iniintay na patunayan na totoo ang mga sinasabi niya.

Because damn it!

I want to believe na lahat ng sinabi niya sa akin ay tunay.

~*~

Nagising ako kinabukasan na namamaga ang mata.

At paglabas ko ng kwarto ko, wala na sa condo namin ni Rika ang taong dahilan kung ba't namamaga ang mata ko.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon