ANG AKING PULANG ROSAS

1 1 0
                                    

ANG AKING PULANG ROSAS
by:JeanJane

Sa parke ng bulaklakan
Nakakita ako ng binibining may angking kagandahan
Bumihag sa aking puso't isipan

Napakaganda ng kanyang ngiti
Ngunit nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata
Hinawig ko sya sa isang rosas, na kasing ganda nya
Ngunit may mga tinik na nakapalibot sa kanya

Nakita ko ang takot at ang lamig ng kanyang mga titig
Ewan ko kung bakit
Ngunit ako na ay napaibig
Sa kanyang mga matang kaylamig kung tumitig

Simula noon'y ika'y nagbago
Mga mata mo'y puna na ng saya
Hindi na lungkot ang nadarama
Tayo'y nagmamahalan

Gumawa ang nga alaalang hinding hindi ko malilimutan
Mga ngiti mo'y nakakabighani
Sa bawat oras na tayo'y magkasama

Ay mas lalo akong napapaibig ng grabe
Sa babaeng nakita ko sa parke
Ako na'y sobrang saya
Makapiling ka lang

Ngunit para bang ipinaglalayo tayo ni tadhana
May pangako tayo sa isa't isa
Pag iibigang walang hanggan
Hanggang kamatayan

Sobrang pait ni tadhana
Ngayo'y tayo na ang nagkita
Pinaghiwalay naman tayong dalawa
Ano ba?! Ganto na lamang ba?

Hindi nga kita iniwan
Ngunit ikaw naman ang nang iwan
Ako naman ang nagtago
Mga emosyon ko di ko pinakita

Pulang rosas
Tanda ng ating pagmamahalan
Ngayo'y nalanta na
Ang sakit sa tanggapin na ika'y wala na

Hindi ko kinaya
Linamon ako ng kalungkutan
Mahal, bakit mo ako iniwan?
Tingnan mo ako ngayu'y luhaan

Hindi mataggap lahat
Tadhana, bakit mo ito ginawa?
Bakit mo pa kami hinayaang magkita?
Kung ang isa man lang din saamin ay magdurusa

Napakasakit aminin
Ngunit hindi ko kayang umibig pa muli
Lalo na't kung hindi ikaw iyon
Dahil ikaw lang mahal ko ang aking mamahalin

Mamatay man ikaw lang ang lagi kong pipiliin
Walang iba kung hindi ikaw
Ikaw lang ang iibigin ko magpakaylan man
Sana'y iyo itong maunawaan

Sa parke ng bulaklakan
Ako pumunta para ika'y aking makita
At nakita kita roon
Kayganda parin ang iyong mga ngiti

Katulad lang ng dati
Ako ay nabihag mo muli
Ika'y aking tinabihan
Dahil sa tuwing ika'y aking kasama
Dun ko lang nararamdaman ang tunay na kapayapaan

Sana'y iyong maintindihan
Tinabihan kita at dun ako natulog
"Sobrang payapa, mahal ko"
Aking binagkas bago ako matulog

"Mahal, ikaw lang ang iibigin ko"
"Katabi kita ngayun, ngayun ko muling nakamtan ang kapayapaan"
"Inaantok na ako mahal ko"
"Makikita na kita muli, ang aking pulang rosas, ang aking mahal"

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 01 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

PoemsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz