Chapter X

758 26 3
                                    

MAHABANG katahimikan ang bumalot sa amin ni Viann. Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin, wala akong naramdamang galit o tampo sa kanya. She's right. Wala akong ibang ginawa kundi ang ilayo ang kambal at makuntento na lamang sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila.

Hindi rin totoo na wala akong choice. Actually, meron. Marami akong dapat pagpipilian pero ayokong sumugal. Alam kong may laban ako pero natatakot pa rin ako para sa kambal. Mahirap mang sabihin subalit hindi ko pa rin mapapatawad ang mommy ko sa gusto nitong mangyari noon.

Galit pa rin ako dahil sa kagustuhan nitong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko. Kung hindi nga nila nagawang tanggapin ang mga anak ko noong nasa tiyan ko pa lamang ang mga ito, paano pa kaya ngayon na malalaki na ang kambal?

"Sorry..."

Napaangat ako ng tingin kay Vi nang mag-sorry ito. Bumuntong-hininga pa ito ng malalim sabay kuha ng dalawang kamay ko. "I'm so sorry kung ano man ang mga nasabi ko kani-kanina lang. Gusto ko lang naman malaman ng mga anak mo ang totoo, Leigh."

Malungkot akong napangiti at niyakap si Vi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naghahalo-halo ang lahat ng mga pumapasok sa isipan ko at hindi ko magawang mag-isip ng mabuti.

"Pasensiya na rin. Alam kong hindi ko pa nasasabi sa iyo ang totoong dahilan ko dati pero natatakot talaga akong makilala ng mga magulang ko ang kambal, Vi. Lalo na si mommy..." paliwanag ko.

"Mommy mo? Si tita? B-Bakit?" Nagtataka siyang sumulyap sa akin. Napabuntong hininga ako ng malalim at dahan-dahang tumango kay Viann.

"Y-Yes..."

"But, why? Anong meron kay tita?" tanong nitong muli.

Nag-iwas ako ng tingin kay Vi nang maramdaman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Every time kasi na naiisip ko ang mga masasakit na salitang binitawan ni mommy sa akin noon, parang paulit-ulit pa ring pinupunit ang puso ko.

"She wants me to abort the twins before, Vi... She wants me to kill my own child."

Sunod-sunod na singhap ang narinig ko mula kay Viann. Bakas rin sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa akin. I can't blame her. Kilala niya si mommy bilang mabait at mapagmahal na ina sa amin ni Peigh, but the truth is  she only cares about Peigh.

"O my gosh! Is that true?! I can't believe it!" Muli itong napasinghap. Mapait naman akong napangiti.

Me too. I really can't believe it too.

"Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo... I chose to keep it to myself dahil sarili ko namang problema ang lahat ng mga pinagdadaanan ko dati at ayoko ring makaabala sa inyo..." mahinang sabi ko kay Viann.

Hindi ito sumagot bagkus ay hinigit lamang ako ng isang mahigpit na yakap. Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.

"Sshh... It's okay, it's okay. I'm just here, bessy. Sorry kung iniisip kong masyado kang naglilihim sa mga anak mo. Sorry rin kung napagsabihan kita ng kung ano-ano... Don't let your fear overcome your life, Leigh. Your twins deserve you as much as you deserve them. They deserve the world, Leigh..."

"I know, Vi, but—"

"Tell him. Tell him about the twins..." seryosong sabi nito na para bang isang napakadaling bagay ang gusto niyang gawin ko. Napailing ako at napaiwas ng tingin.

"I don't want to hurt my son, Vi... Paano kung hindi sila tanggapin ng ama nila? Paano kung—"

She cut me off again. "At least, you try. Walang mawawala kung susubukan mo. If he didn't believe you, then it's his loss. They're turning 5 years old next month... Sabihin mo na hangga't maaga pa."

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Completed Where stories live. Discover now