Chapter 19

645K 17K 4K
                                    

Chapter 19



[Ice's POV]



"Mapapagalitan ka na naman ng manager mo," sabi ng kakambal kong si Aiscelle sa akin nang makita niya akong papalapit sa dining area.

Nginitian ko lang siya at kumuha ako ng omelete na kinakain niya.

"Anong palusot na naman ang gagawin mo kung bakit may hiwa ka sa labi?" she asked me.

I just shrugged at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Last night, nagkaroon na naman ng tantrum si Erin at sugat sa labi naman ang natamo ko.

Sa totoo lang, sanay na ako sa ganito. Wala sa akin na masaktan niya ako physically. Pero ang ikinababahala ko ay ang kalagayan niya.

She's still suffering from PTSD and depression. Nagkakaroon na rin siya ng mga mood swings and I am scared for her.

Ayokong tuluyang masira ang buhay niya.

Pero hindi ko na rin kaya ang ipinapagawa niya.

"Ice... gagaling pa kaya si Erin? Makaka recover pa kaya siya?"

Bumuntong-hininga ako, "let's hope for the best."

Natahimik kami pareho ni Aiscelle.

Ako,busy sa pagkain ng dahan-dahan dahil ang sakit ng labi ko. Si Aiscelle naman, busy na nakaharap sa laptop niya habang kumakain.

Malamang, work na naman yan.

Work-a-holic talaga ang kakambal ko. Manang mana sa parents namin. Matalino si Aiscelle at talagang masipag kahit nung nag-aaral pa lang kami. Competitive pa masyado.

Magandang katangian yun. Pero sabi nga nila, lahat ng sobra ay masama.

Dati, her goal is to please our parents. At dahil doon, napapabayaan niya ang ibang bagay na dapat niyang pahalagahan.

Katulad ni Jasper.

Takot siya sa magiging opinyon ng parents namin pag nalaman nilang boyfriend niya si Jasper kaya naman tinago niya iyon. Maliban sa akin eh wala nang ibang nakakaalam. Kahit ang ibang members ng EndMira eh hindi nila alam ang bagay na yun.

Ilang beses ko siyang sinabihan na hindi niya pwede yun itago ng matagal na panahon. Na it's either ipaalam niya na sa lahat at ipagmalaki niya ang boyfriend niya... o pakawalan na niya si Jasper dahil nahihirapan na ito.

Pero ipinilit niya ang sa tingin niya ay tama kaya naman ang naging kapalit ay ang pagkawala sa kanya ni Jasper.

"Aiscelle."

"Hmm?" sagot niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa laptop niya.

"Tapusin mo muna ang pagkain mo bago yan."

Sumulyap siya sa akin at nginitian ako.

"Para kang tatay kung magsalita. Yun lang, hindi ako sasabihan ni dad ng ganyan because he's also doing the same thing."

"Aiscelle.." sabi ko naman ng may pag babanta sa boses. "Seriously, wala ka na bang ibang alam kundi trabaho?"

Aiscelle closed her laptop and then she gave me a sad smile.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon