CHAPTER 17: WHO?

6 3 0
                                        

M A T H E O

"Nasaksak ko na alpha." Sagot ni Santos sa akin matapos magkaroon ng iilang error ang camera, dahil sa pagbagsak ng kulay asul na krayola na 'yon sa camera ayaw na nitong gumana, pero ayos pa naman kung ikonekta ito sa laptop. Iniharap ni Santos sakin ang laptop habang nasa likuran ko lang si bossing na manonood, napalunok na lamang ako, kapag nasa likod ko si bossing e parang pinapanood ako dahil may nagawa akong karumal dumal na krimen.

Plinay ko ang video na naroroon, nagumpisa ang recording habang nasa sasakyan pa ang mga Jacoby, sinuway lamang ni Mr. Wayne ang kapatid nito nang dalawang beses bago nito ito hindi na pinansin.

"Hello everyone.. today we are on our way to Fleur Chakadoll's birthday–"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Hindi ba totoong chaka 'yang pretend girlfriend mo?"
"Hush now children."

Suway ni Mr. Wilson sa dalawang nagtatalo, wala nang nagsalita matapos noon at nanatiling nakatutok ang camera sa may itaas na bahaging katawan ng kapatid ni Mr. Wayne, ifinast-forward ko ang footage hanggang sa makarating sila sa mansyon, kaagad na linait ng kapatid ni Mr. Wayne ang itsura ng mansyon at sinabing napaka-luma na nito, totoo naman pero para sa akin napanatili naman nito ang kagandahan sa modernong panahon.

Sa mga susunod na eksena itinutok nito ang camera sa entrada ng mansyon, mula sa small garden mula sa may bintana ng ballroom hanggang sa pagkain na isa-isang inihanda ng mga nagca-cater, ilang beses binati ng mga kaibigan ni Fleur Amaranth ang may hawak ng camera ngunit hindi nito ito pinansin ngunit dumikit at tila ba nangaakit ito sa dalawang lalaking kaibigan ng biktima. Sinuway siya nito ng kaniyang kapatid at nagtalo pa nang kaunti, nanatili na lamang ang kulay asul na krayolang kapatid ni Mr. Wayne sa may isang lamesa at doon umupo sa mga susunod na eksena, maraming naguusap sa may gawing tabi nito at dumating na sa punto kung saan nagpaalam gumamit ng palikuran ang kaniyang kapatid, kung hindi nanglalait ay nagpapaganda lamang ito sa camera. Ako ang napangiwi dahil ganoon na pala siya kagandang-ganda sa sarili niya.

"Wala namang kakaiba at makikita mong bumalik si Wayne matapos ang dalawang minuto, pero isulat niyo iyan sa report at itago ang camera, that is one of our solid evidences, maghapunan na tayo at magpahinga kaagad, we still have a lot to do the next morning." Saad ni bossing bago gumamit ng palikuran, ipinatabi ko na kay Santos ang laptop at maging ang camera. Hindi ko maiwasan pero may masama akong kutob sa kapatid ni Mr. Wayne, kung ang isang tao ay umamin at buong tapang na sinabi ang mga katagang 'yon, hindi malabong kayang-kaya niyang gawin talaga 'yon.

Naghapunan kaming tahimik at nag-asaran ang iba para mawala ang kaunting pagod mula sa maghapong pagta-trabaho, wala pang nasasabi si Mr. Dazmon sa kung ano ang mga susunod na plano pero tingin ko ay matapos ang pagkuha ng panayam mula sa mga nadamay sa gabing 'yon ay agad-agad na magkakaroon ng lamay para sa biktima, bilang isang kilala at tanyag na pamilya kailangang malaman ng iba ang mga naganap.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now