Chapter 57 - Access Granted

281K 7.9K 571
                                    


[ M A R C ' S  P O V ] 






"Ano?! Alex is ---" gulat na sambit ko habang inaalalayan ako nina Collen at Alexis papunta sa couch. Kararating lang namin ni Juno galing sa ospital at dumiresto na kaagad kami rito sa bahay nina Alex. Sakit na sakit na nga ang mga paa ko dahil sa haba ng security methods ng mga nakabantay sa labas eh. 



Dahan dahan nila akong iniupo at doon ko lang tinanggal ang pagkakasabit ng magkabila kong braso sa kanilang dalawa. Ganoon din ang ginawa nina Edward at Spade kay Juno na ngayon ay nasa kabilang couch na halos katabi ko lamang. 



Hindi ako makapaniwala sa karirinig ko lamang na katotohanan. Naalala ko tuloy 'yung isang beses na lumapit sa akin si Collen para sabihin ang hinala niya na baka buhay pa si Kirsten at si Alex ang batang 'yun. Noong una, ayoko talaga siya paniwalaan dahil that will be a mental breakdown for us kung totoo talaga ang mga sinasabi niya. You see, if Alex is really Kirsten, hindi dapat niya naranasan ang mga masasalimuot na mga pangyayari na iyon noon. Hindi dapat siya nakatanggap ng malamig na pagtrato mula sa amin noon. Hindi niya rin dapat naranasan ang mapunta sa mga masasamang kamay. She should be living in this huge mansion like a treasured diamond. It's kind of awful to think the eleven years of lost for Alex and Spade. Oh, man. 



"Shut your mouth. Spade is here, you know." bulong sa akin ni Alexis at tinadyakan pa ang nananakit kong paa. Gagong ito, kailangan talaga may tadyak pang kasama? Ako kasi 'yung kagagaling lang sa ospital dito eh. 



Sinamaan ko na lang siya ng tingin pero hindi natinag ang mokong. Nagsiupo na lang silang mga umalalay sa amin sa mga natitirang upuan na hindi pa okupado. Dali daling dumating naman ang mga maids mula sa kung hindi ko alam kung saan, dala dala ang ilang tray ng mga pagkain at inumin. Isa isa nila iyong binaba at inihain sa harap namin habang prente lang kaming nakaupo. Kalaunan naman ay nagsialisan na rin sila matapos nilang mag-bow sa harap namin. 



"When is the shoot?" Juno asked, referring to the battle that will happen in a few hours, I assumed. May ilan pang mga benda sa katawan niya pero kung titignan mo siya ngayon ay sasabihin mong talagang mas malakas pa siya sa kalabaw. Mas naging mabilis pa nga ang recovery niya kaysa sa akin eh. 



Napabuntong hininga ang apat na kasama namin. "5 hours from now." Spade answered. Nakatuntong ang magkabila niya siko sa dalawa niyang tuhod at mariin na magkadikit ang mga palad niya kung saan naman nakadepende ang baba niya. Pansin ko ang tensyon o pressure na mayroon sa kanya. Napatingin ako sa malaking orasan na naririto sa may bandang kaliwa ko. 10:11AM. 



Sa hapon pala ang simula ng laban. Ang mangyayari mamayang labanan ay sa tingin ko'y isa sa mga malalaking pagsugod ng mga mafioso. Tiyak na ang pagdaloy ng dugo at pawis mula sa katawan ng bawat isa mamaya. Kahit kami natatakot din. Hindi namin alam kung ano ang maaaring maganap kapag nagsimula na. Pero mas inaalala ko ang dalawang napaghiwalay ng dahil sa mga personal issues ng mga magulang nila at ang mga kaibigan nito. It's either they'll lose each other again or to win each other back. It is a big price na sigurado akong nanaisin ni Spade na makuha kahit na pa itaya ang sarili niyang buhay. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon