Chapter 28

128K 1.8K 135
                                    

*AT DAHIL F NA F KO YUNG BOSES KONG MAY SARILING TONO, ISA PANG VOICE RECORD. EMERGED. PASENSYA NA KUNG UMULAN MAN. PASENSYA NA DIN SA INGAY NI @ELLAVINITEZ CHUMI-CHEER ANG PEG! HAHAHAHAHA.*

xxxx

Selena's POV

 

Naglalakad lang kami dito sa dalampasigan. Ngayon lang ako nakapunta dito. Entalula Island, El Nido. Feeling ko nga nasa langit ako. Halos kaonti lang ang tao since hindi naman summer. Ang gaan sa pakiramdam pero parang may mali..

“Clyde, may problema ba?”

 

 

“Wala. Masaya lang ako kasi finally you’re alone with me.” Sabi niya sabay yakap sakin.

“Clyde..”

 

 

“Sssh. 5 minutes.” Hindi ko talaga maintindihan kung ba’t siya ganyan. Pero baket parang imbis matuwa at kiligin ako sa mga kilos niya baket parang nasasaktan ako? Yakap-yakap lang niya ko. Hinahayaan ko lang siya kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka may malalim na ibig sabihin yang mga kilos niya.

 

“Se, may tanong ako sayo.” Sabi niya sabay tingin sakin habang hawak niya yung dalawa kong kamay. Shet talaga ‘tong perv na’to. Nawawala na ba yung pagka-perv niya?

 

“Ano?”

 

 

“Kelan mo ko sasagutin?” Tanong niya. Nagulat naman ako kasi ngayon lang niya yan tinanong sakin.

 

“Clyde..”

 

 

“Wag mo na pala sagutin.” Sabi niya sabay yakap ulit sakin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pero nagkakaron ng parang kirot sa puso ko kasi ganyan siya kumilos.

 

 

“Clyde, sabihin mo nga sakin, may problema ba?” sabi ko habang nakatitig lang sa kanya. Pero nagulat ako kasi umiwas siya.

“Sana nga walang problema. Wala. Tara. Pasok na tayo sa loob.” Hindi ko naintindihan yung una niyang sinabi. Pero may tiwala naman ako kay Clyde.. Sana lang wag niyang sayangin. Pumasok na rin naman kami. Ang laki talaga ng resthouse na’to.

“Clyde, kaninong resthouse ‘to?” Tanong ko habang nililibot ko yung paningin ko sa buong loob.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon