Chapter 18
Habang nasa loob ng karwahe kaharap ang Duke na ito ay pilit kong binabaling ang tingin ko sa labas dahil ang awkward kung siya ang tinititigan ko.
Dalawa lang kaya kami sa loob at hindi kami close, baka mafall pa iyan sa ganda ko.
"My knight says you live in a mansion. Just who the hell you end up playing with? Is it a Marquis? He must be rich for you to dress and act like that."
At ayan na naman po siya! Jusko po, kakalabas lang namin sa bahay niya, siguro kung may doktor dito diagnosed na siya!
Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kaniya.
Eh kung sasabihin kong akin lahat iyon, maniniwala ba ang gagang iyan? Obviously hindi, baka akalain niya magnanakaw pa ako!
Isang mapaglarong ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Bakit 'di mo alamin."
I saw how he react and it urge me to tease him more but gladly, I stopped myself before doing that suicide.
Hindi ko muna soya aasarin dahil baka maaga akong bawian ng buhay dito.
"When did you learn to understand English?" seryusong tanong nito sa akin.
I knew it, magtatanong at magtatanong talaga siya sa mga bagay na nagbago kay Erin. Well, hindi naman pala fake ang pagiging Duke niya. Mukha naman siyang matalino, so far mukha pa lang.
"I realized I should learn it, that's why I asked Judith to teach me so in that way, I can understand you. We secretly study when you're not around. Matagal naman na." I lied.
Halos palakpakan na ako ng mga anghel dahil sa totoong-totoo ang pagkasasabi ko't dahil na rin sa naging ekspresyon ng mukha niya. He look stunned, naniwala yata!
Ehehe ang galing ko talaga!
"Then when did you learned fighting?"
"Ano ba 'to interview?" hindi ko na napigilan ang tabil ng dila ko dahil pangatlong sunod-sunod na tanong na niya iyan!
Tinaasan ko siya mg kilay. "May trabaho ka bang ipapagawa sa akin? Teacher? Janitress? Sekyu? Yaya mo? O baka naman ano ha, jusko Duke hindi pwede. Virgin pa ako!"
"The fuck are you spouting?!"
Kaagad kong tinakpan ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. I gulped as I secretly pulled my hair dahil sa tangang-tanga ako sa sarili ko.
Gaga! Gaga ka! Wala ka sa Earth!
Kitang-kita ko ang pandidiri at kalituhan sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya naintindihan ang ilan sa mga binitawan kong salita pero sigurado akong naintindihan niya ang huli kong sinabi at pagkakamali iyon!
This world is very conservative! Bawal ngang magpakita ang babae ng balat niya sa isang lalaki, tapos ako out of nowhwere sinasabi na birhen ako!
Putcha, ano na lang ang iisipin ng lalaking ito, na gusto ko siyang makaano?! Deputa!
"Are you a whore?"
Laglag pangang nilingon ko siya dahil sa tanong niyang may halong pandidiri sa akin.
"Gaga ka ba? Kasasabi ko nga lang na wala pa akong nakasex tapos you concluded na I'm a whore? Tanga lang tayo, Duke?"
Mukhang hindi niya nagustuhan ang talas ng dila ko kaya napairap ako. Respecting him isn't in my option anymore. I don't need to be a saint in front of him anymore.
Total ay hindi ko naman na siya kailangan, divorce na lang talaga at babye na!
Umirap lang ako sa kaniya pero ang mas nakakagulat ay inirapan niya ako pabalik!

BINABASA MO ANG
Rebirth of the Southern Duke's Wife
FantasyA woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Ended: June 24, 2024