䷅ ䷆ ䷍ XIV | The Shepherds

181 14 17
                                        

There's a saying that if someone's head over heels in love, they're bound to do all the crazy stuff

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

There's a saying that if someone's head over heels in love, they're bound to do all the crazy stuff. It's like love flips a switch, making us toss caution out the window and dive headfirst into whatever feels right. At alam kong kahit na maling-mali, nasabi ni Dylan Astarel ang mga iyon kanina dahil para sa kanya, noong mga oras na iyon, 'yon ang tama.

And heck, I can't blame him for what he did because I know exactly how it feels. Ako rin naman kasi, maraming beses nang kamuntikang umamin kay Jon ng tunay kong nararamdaman.

For the longest time, I'd mulled over the idea of pushing the boundaries of my courage, curious about what lies beyond the uncertainty. I hope there's more to everything Jon shows me, that behind his gestures, there's more than just kindness or gracefulness. I dare to believe he might actually feel something for me, no matter how small or impossible it might seem. Gusto kong umasa. Gusto kong mangarap.

Pero hindi pa ako dinapuan ng lakas ng loob para tanggapin kung anuman ang maaaring magbago sa oras na ginawa ko ito. Hindi pa ako ganoon katapang upang harapin ang mga takot ko't pangamba, ang maaaring maging panghuhusga ng ibang tao—Gaian man o paladin—at ang ipapataw na parusa sa akin ng mga diyos. At higit sa lahat, hindi pa ako handang magmukhang tanga at baliw sa harap ni Jon.

Ang ipinagtataka ko nga lang ay kung saang lupalop ng sansinukob hinugot ni Dylan ang damdamin niya para sa akin. Sure, we're always together. Almost inseparable, even. Pero karamihan naman sa aming usapan ay tungkol sa trabaho, o kung hindi man, panay biruan, asaran, at kulitan. Madalas, wala rin naman siyang ginagawa sa'kin kundi ang punahin ako, sitahin, alaskadorin. Pagkatapos, ngayon, bigla niya akong gustong pakasalan at patayuan ng bahay sa Great Colonies?

Anong klaseng droga ba ang nahithit ng mokong na 'yon?

Muli akong bumalikwas ng higa. Ang bilang ko, pang-limang ikot ko na ito. Maybe it's because of what Dylan told me, or maybe it's because Jon heard every single word he said. Lalo na't matapos ang tawag na iyon, hindi na ako kinausap pa ni Jon.

Kaya naman nang magsawa na ako sa kakatanong sa sarili ko kung makakatulog pa ba ako, bumangon ako.

Madilim pa sa loob ng kwarto bagaman naririnig ko ang mahihinang dagundong ng mabibilis na airvehicles sa ere sa taas. Sumasaririt din ang mga neon lights ng mga kalapit at katapat na buildings sa pagitan ng malalaking itim na kurtinang nakahawi pasara.

I glance at Jon's bed and spot him lying there. To my surprise, he's wearing his goggles which is faintly glowing around the edges—a clear sign he's still awake and exploring the virtual world. Ang palagay ko, nasa Montebello na naman siya, doon sa kanyang villa. At siguro, kasama niya ngayon—at kasiping—si Eva Zoran.

Bumigat ang loob ko sa'king naisip. Alam ko, wala akong karapatang magselos pero. . .ewan. Siguro nga talaga, hindi kayang diktahan ng isip ang puso. O sadyang hindi lang talaga ako nagi-isip. Either way, this has to end. I need to find a way to somehow calm the stormy feelings I have for Jon. Kung kinaya ni Miki, kakayanin ko rin!

A Sea of Tears and Stars (Taglish | 18+)Where stories live. Discover now