Twenty Seven

126 6 0
                                    

Twenty Seven

After his kiss, pareho kaming napalingon sa lumapit sa aming bouncer ng Bar.

"Mam, excuse me po." Kumunot ang noo ko sa kanya, nahimigan ko pa ang pagkailang sa mga mata niya dahil naistorbo niya kami ni Lennox.

"Yes?" tanong ko. Nakuha na din niya ang atensyon ni Lennox na hanggang ngayon ay nakahawak padin sa aking bewang.

"Nagrereklamo po 'yung lalaki. They're claiming na bigla niyo na lang daw po siya binalian." Umusbong na naman ang galit sa mga mata ko. Natupok na 'yun ng halik ni Lennox tapos umuusbong na naman ngayon. My eyes drop at that man, nagtama ang mata naming dalawa at kaagad siyang nag-iwas ng tingin ng makitang matalim na ang titig ko sa kanya.

"Why? What happen?" nagtatakang tanong ni Lennox. Tiningnan ko lang siya sandali at iniwan pansamantala. Dire-diretso ang hakbang ko doon sa lalaking halos napa-atras ng makitang palapit na ako. Kahit ang mga kaibigan niya na nasa harap ay napalunok nang makita ako.

I smirked at tamad na nag-squat sa harap noong lalaki. Mariin ang titig ko sa kanya.

"What did you say? That you didn't do anything?" Mapakla akong ngumisi sa harap niya at pinagtaasan siya ng kilay. Iritable kong kinuha ang wallet sa aking jacket at naglabas ng calling card, inabot ko 'yun sa kanya.

Nagtataka pa siya kung ano ang ginagawa ko. "Call me tomorrow morning. I will make sure to file a case against you." Lumapit pa ako lalo sa kanya at mariin siyang tinitigan. "I will make sure. That you deserve what you did to me." I smirked as I saw how his eyes got nervous.

"File a case against me, violence? Then I will file a sexual harassment for you! Tingnan natin-" hindi ako natapos sa pagsasalita dahil sa pagsabat ni Lennox sa likuran ko.

"What did he do you? Binastos ka ba ng gagong ito?!" Lennox voice boom inside the whole floor. Tumayo na ako dahil alam ko ng hindi lang bugbog ang mangagayari sa oras na hindi ko siya mapigilan.

"Wala na! Nakaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko." Minata ko ang mga kasama noong lalaki at sinensyasang umalis na sa harap namin.

"Putangina! Totoo ba?!" his thunderous voice are screaming of danger. Mariin na ang hawak ko sa kanyang braso para mapigilan siya sa kanyang pagsabog.

"I will file a case against him. Hindi naman niya ako gaano nabastos, hinawakan niya lang ang bewa--" mas lalo siyang nag-ngitngit sa galit dahil sa sinabi ko.

"He hold you in your waist?! Damn it Keisha!" Napapikit na ako sa tindi ng galit niya.

"As I told you, nabugbog ko na! I will also file a case tomorrow if that will calm you down. Then I will do it. Hayaan mo na lang..." sambit ko. I can still feel his heavy breathing... Unti-unti na ring kumakalma ang paligid at nagpatuloy na sila sa kanilang naiwang ginagawa kanina.

Lennox railed on the second floor railing at pilit na pinapakalma ang sarili. Ilang beses ko pang nakita ang pagsulyap niya sa pwesto ng lalaking nambastos sa akin. I let him calm down.

After almost 30minutes, unti-unti ko ng nararamdaman ang haplos niya sa aking kamay.

I smiled at him. "Are you calm now?" malambing kong tanong. Malalalim lang siyang humugot ng buntong hininga at tumingin sa akin.

"I will never ever be calm thinking that you were harass like that! Kung katulad pa ako noon, baka inabangan ko na yang lalaking yan sa labas ng Bar at binugbog. But I am not now the bad-boys Lennox anymore. Kailangan ko pang magpabango sayo at sa mga magulang mo."

Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa sinabi niya. Kahit ganito, iyan parin ang iniisip niya. Kung paano siya matatanggap ng mga magulang ko? How ridiculous!

Hidden Heiress - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon