Kabanata 6

1M 22.1K 4.6K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 6 

"Sandali nga lang!" sabi ko sa kanya habang hinahatak niya ako papunta sa sasakyan niya. Hindi siya nagsasalita; para bang kinakabahan pa rin siya na may nakita ako na hindi ko dapat nakita.

Tanga ba ako dahil mas gusto ko na wala akong nakita?

God, I just can't even begin to imagine kung ano ang mangyayari sa akin kung totoo nga na may iba si Parker... na niloloko niya lang ako... I gave him my everything. I'd be devastated beyond repair if he ever was untrue to me. I think it will break me.

"Babe, mamaya na tayo mag-usap, please..."

I looked into his eyes. He was pleading. Mas lalong sumakit iyong puso ko dahil mas lalong lumalakas iyong kutob ko na mayroon nga siyang tinatago sa akin... Pero ayoko ng mag-isip kaya naman tahimik na lang ako na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi ako nagsalita buong byahe. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta... I sat there and let myself drown in my own thoughts. Kasi kahit ilang beses kong sabihin sa utak ko na huwag ko ng isipin, hindi ko pa rin mapigilan.

Niloloko lang ba talaga niya ako?

The mere thought was clenching my poor heart.

Akala ko dadalhin niya ako kahit na saan—kahit na saan na pwede kaming mag-usap. Pero hindi, e. Dinala niya ako sa townhouse. Hinatid niya na ako pauwi. Ayaw niyang sabihin sa akin kung anuman ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung dapat ba matuwa ako dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong alam. Ignorance is bliss nga, 'di ba? Hanggang wala akong alam, hindi ako masasaktan.

Pero hanggang saan? Hanggang kailan?

But I was done for the night. Tahimik akong lumabas sa sasakyan niya. Umasa ako na lalabas siya at hahabulin niya ako para kausapin ako pero hanggang makatungtong ako sa loob ng bahay, wala akong narinig ni isang salita mula kay Parker.

My fingers were shaking. Bawat salita na binubuo ko para i-text kay Shiloah, nahihirapan ako. Gusto ko na lang umiyak sa sobrang frustration. Bakit ko ba ginagawa 'to sa sarili ko? Masaya naman ako kahit nung wala pa si Parker. Kuntento ako sa kung ano meron ako; I was living my life. But of course he had to came...

Minsan, hinihiling ko na lang na sana hindi ko siya nakilala. Pero hindi, e. I know he exists. And I know that he's an amazing person and I'm lucky he's mine. I should be happy... but for all the wrong reasons.

To: Shiloah

Sorry... May emergency lang...

My text was short. Ayokong gumawa pa ng ibang kasinungalingan. Shiloah didn't deserve to be lied to. Sobrang bait niya sa akin at hindi niya deserve na iniwan ko siyang mag-isa kanina sa resto. Hindi ko siya sisisihin kung hindi niya na ako kakausapin bukas sa school. I deserved that. I was a bitch for leaving him without so much as a goodbye.

But it was Parker... one word from him and I'd leave without further ado.

Naghahanda na akong matulog nung may marinig akong kumatok sa labas. Nung buksan ko iyong pinto, nakita ko si Parker na nakatayo. Hindi ako nagsalita—probably because the stupid part inside me was still hoping na sasabihin niya na sa akin kung ano ba talaga ang mga nangyayari.

"I didn't want to disturb you pero alam kong hindi ka pa kumakain," he said tapos iniabot niya sa akin 'yung paper bag. He smiled at me. Sadly. "I know you're mad at me and you don't want to talk to me pero hindi ko kaya na umuwi habang alam ko na hindi ka pa kumakain."

Tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyon.

"But I do want to talk."

Hinarap niya ako. "Babe, I know." He forced a smile on his face pero pareho naming alam na kasinungalingan lang 'yun. From the beginning, puro na lang sikreto. Puro patago. "I wish I could tell you."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon