21

172K 2.5K 218
                                    


CHAPTER TWENTY-ONE

Now I know why . . .


THE noise was pretty insane as soon as we walked inside the bowling alley.

"Maingay talaga lagi sa ganitong lugar, huh," I complained, my hands floating up toward my ears.

"Yeah. I don't like the noise, but I can deal with it." Helix shrugged nonchalantly. "We already got a lane, we just have to get our shoes," dagdag pa niya. He led the way to where we can get our shoes. No'ng okay na ang lahat, Helix told me to pick out my balls and led me to the rack.

"Kailangan mong i-check 'yong weight and 'yong finger holes," bilin niya sa 'kin kaya tumango naman ako.

"And see if this fits," he said, selecting a dark brown glittery one.

He showed me how to put my fingers in the holes and then loftily declared that the ball was too big for me. He picked out another one that he said will be better. He dropped it into my arms, and the weight made me sag forward. I rolled my eyes.

"Too heavy?" he asked.

"Yeah. Grabe, ganito ba talaga kabigat 'to?"

"Iyan na 'yong pinakamagaan nila rito."

"Ah, eh 'di wala naman pala akong ibang choice?" sarkastiko kong sabi kaya humalakhak siya at inakbayan ako.

"What's our lane number?" tanong ko sa kanya saka ako lumingon-lingon sa paligid.

"Eight," aniya.

As we started bowling, my first attempt was the worst one, so I had to try again. My next attempt didn't go any better than my first one. Why was I too bad at this?

Nakasimangot lang ako habang pinagmamasdan ko si Helix no'ng siya na 'yong maglalaro. Grabe, walang kahirap-hirap niyang napatutumba lahat ng pins!

No'ng hindi na ako natutuwa sa bowling, inaya ko siyang manood ng sine dahil mas gusto ko pa 'yon. Hindi naman kasi ako sporty tulad niya. I mean, I do sports, but I'm not great with it.

Hinayaan niya akong pumili ng panonoorin namin, kaya ang pinili ko na lang ay 'yong mapakakapit siya sa 'kin sa sobrang takot. More chances of winning. Napangiti ako sa sarili kong plano.

No'ng magsimula na 'yong movie, napakunot na lang ang noo ko nang makita ko ang sarili kong panay ang tili at kapit kay Helix. Ang inaasahan kong mangyayari ay siya ang didikit nang didikit sa 'kin, pero ang nangyari, ako ang panay dikit sa kanya dahil sa takot!

"You're a fan of thriller?" nakangiwi kong tanong. Grabe, napakamalas ko naman ngayong araw?

"Of course," sagot niya saka siya ngumiti.

"'Yong kapatid ko ang mabilis matakot sa mga gan'yan. Kaya mas prefer niyang manood and magbasa ng romantic films or books."

Agad akong napalingon kay Helix.

"Seryoso? Matatakutin pala si Dest?" hindi makapaniwalang sabi ko saka ako tumawa.

"Yeah. He acts strong all the time but the truth is . . . he's such a pussy."

Mas lalo akong natawa. Grabe. Kaya pala tuwing may i-re-recommend sa 'kin na libro si Dest, palaging romance 'yong genre. He never recommended any other genre to me. Romance lang talaga. I mean, nag-re-recommend naman siya ng teen fiction, young adult, new adult, basta sa love lang iikot 'yong story or sa family and friendship. Pero 'yong mystery-thriller? 'Di pala uso 'yon sa kanya.

Napangisi ako. Now I know why.

Pagkatapos naming magsine, nag-ikot-ikot na muna kami sa plaza at napahinto ako sa paglalakad nang mapagtanto kong wala na sa tabi ko si Helix.

I scanned the crowd, trying to search for him. And there I saw him, standing outside the ice-skating rink.

Seryoso lang siyang nakatitig doon sa rink habang pinanonood 'yong mga kasalukuyang nag-i-ice-skate.

Napangiti tuloy ako saka ako tumakbo papalapit sa kanya. Isinabit ko ang kamay ko sa braso niya kaya napatingin siya bigla sa 'kin.

"Skate tayo?" tanong ko.

Agad siyang umiling. "Bawal sa 'kin."

"Huh? Bakit naman bawal?" taas kilay kong tanong.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa 'kin kaya agad na nagliwanag ang mukha ko.

"Anywhere with pasta!"

"Okay, let's get you a pasta," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.

I was really happy to finally date someone I love. This was just too perfect. No Gerald getting in the way, and no problematic side chicks because my man's just too loyal.

Dinala niya ako sa sikat na Italian restaurant dito sa De Grande town, and I must admit, sobrang perfect ng mga pagkain nila rito!

Habang abala ako sa pagkain ay napatitingin ako minsan kay Helix at napansin ko ang pagputla ng labi niya pati ng buong katawan niya.

Nag-aalala ko siyang hinawakan sa kamay. "Are you alright?" tanong ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa 'kin at hinalikan ang kamay ko.

"Don't worry about me, Park. Just enjoy the food," nakangiting sabi niya, pilit na inaalis ang pag-aalala ko. Pero hindi ko magawang hindi mag-alala. May kakaiba talaga sa kanya ngayong araw, at doon pa lang ay grabe na 'yong pag-aalala ko sa kanya.

May hindi ba siya sinasabi sa 'kin?


~

T I A N A V I A N N E

She Crossed That BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon