Chapter 25

3 0 0
                                        


"How did you know that? Amazing!" Tila namamangha sabi no'ng Chairman Azarem.

"Pinag-aralan ko lang ho,"

"Nice! Thank you Ms. Santos," nakangiti nitong sabi sa'kin.

"Mukang may mananalo na! excited na ba kayo? Kase ako excited ng matikman ang mga gawa nila." Natatawang sabi no'ng emcee kaya natawa na din ang mga tao sa kanya.

"

Huwag na nating patagalin pa ito, so let's start for the second runner up."

Nagsimula nang maghiyawan ang mga estudyante at kanya kanyang strand ang isinisigaw.

"The second runner up goes to....." Saglit s'yang huminto sa pagsasalita at nilibot ang tingin sa mga naghihiyawang mga estudyante. "Goes to Home Economics or H. E." mas lalong lumakas ang hiyawan nila at pumunta naman sa harap ang representative ng H. E. para tanggapin ang kanyang premyo.

"First runner up na tayo students! Ready na ba kayo kung sinong mananalo? The first runner up goes to.... STEM!" Sabi ko na nga ba eh. Wala din naman akong pakialam kung hindi ako manalo, dahil ang tanging gusto ko lang ay yong matikman ng mga kuya ko ang gawa ko dahil para to sa kanila.

"Andito na tayo sa exciting part students! Kinakabahan na ba kayo?! Kase ako oo sobra HAHAHHAHAH eme lang dahil alam ko na kung sino mananalo."

"Go! HUMSS"

"ICT!"

"ABM!"

"HUMSS for the win!"

"Goo Zheyyyy!"

Iba't ibang hiyawan ang maririnig dito at nangunguna ang strand ko, hindi ko kailangang manalo! Wala kong pakialam sa premyo.

"Eto na eto na! The champion for the cooking contest goes to.... " Mas lalong dumagundong sa ingay dahil sa sigawan nang mga estudyante.

"Congratulations to HUMSS 12-A!" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan na mananalo pa'ko.

Kinginang!

"Wahhhh omg!"

"Ang galing mo!'

"Kaklase namin yan!"

"Kaibigan namin yan!"

"Idol ko yan!"

"HUMSS 12-A!"

Yan ang mga nangungunang naririnig kong sigawan. Wala na'kong nagawa kundi pumunta sa harap at tanggapin ang premyo ko.

"Congratulations Ms. Santos!" Nag iigting ang panga ko nang sabihin yon ng Chairman Xerxes.

"Txz!" Nang matanggap ko ang trophy ay itinaas ko ito kaya mas lalong nagsigawan ang mga tao. Bumaba na'ko ng stage at sinalubong naman ako nila Krisha.

"Omg! Omg! Panalo ka Zheyyy!"

"Sabi na eh alam kong mananalo ka Ira," si Josh.

"Ang galing mo!" Yong mga lalake.

"Congrats My Zheira!" Si Boss na akmang yayakap sa'kin nang lampasan ko s'ya.

Dumerecho ko sa room namin para ibigay sa mga kaklase ko yong mga ginawa ko para matikman din nila. Pinalagay ko na din sa mismong room namin para saktong ibibigay na lang. Mas nauna ko kaseng ipaghanda sila.

"Congratulations Iraa!" Bungad sa'kin ng mga kaklase ko pagdating namin sa room.

"Hm salamat," nilapitan ko ang mga pagkain na nakalagay sa styro at isa isa ko yon ibinigay sa kanila.

{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}Where stories live. Discover now