Year 1 - Chapter Eleven

27 3 0
                                    

Cassie P.O.V

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nanliligaw na sa akin si Gian.

Ilang linggo na rin kasi ang nakalilipas ng magsimula itong manligaw, kung dati ay parang normal lang ang aming pag-uusap online, ngayon ay sweet na sya,

"Ume-effort talaga ang lola mo" ang bulong ng utak ko habang napapangiti ako mag-isa

"Uyyyy, mukhang may magandang dahilan ang pag-ngiti natin dyan ah" ang bati ni Penelope sa akin

Pasado alas tres na ng hapon, meryenda time na sa aming opisina kaya ang karamihan ay petiks mode saglit

Si Cyra at Jess ay lumabas saglit para kumain

Nagtimpla na lang ako ng kape at kinakain ang tinapay na binili ko kaninang umaga sa panadiryang nadaanan namin tuwing papasok ng trabaho.

Bilin kasi iyon ni Gian, na kumain ako ng tinapay during our snack time at sinunod ko naman sya, mainam na rin iyon para hindi ko nakaasabay si Cyra at Jess kapag kakain sila

Madalas ko ng iniiwasan si Cyra kahit sa bahay ay sila Carol at Cecile ang kinakausap ko na palagi.

At isang gabi ay hindi na yata napigilan ni Cyra na magtanong sa kinikilos ko

------FLASHBACK------

"May problema ba tayo Cassie?" Ang tanong ni Cyra

"Wala naman bakit?" Ang sagot at tanong ko dito

"Bakit parang iniiwasan mo ako?" Ang saad nito

"Hindi sa iniiwasan, syempre binibigyan lang kita ng space on your own, may boyfriend ka na, gusto mo bubuntot buntot ako sa'yo?" Ang sagot ko

"Eh bakit parang ang dalang mo na ako kausapin?" Ang tanong ulit ni Cyra

"Wala naman na'ko sasabihin sa'yo, wala din ako need malaman about you, nakikita ko naman na nag-eenjoy ka kasama si Jess" ang paliwanag ko

"Are you having someone na?" Ang tanong nito

"Wala" sagot ko

"It just that, I want to have my own life na rin naman Cyra, like you.. pinili mo yan, then I choose also myself now" ang sagot ko

Hindi nakakibo si Cyra batid siguro nya na may point naman yung sinasabi ko

----END OF FLASHBACK----

"Ibang iba ang aura mo talaga ngayon Cassie, inlove ka na?" Ang tanong ni Penelope

"Siguro may nagpapasaya lang ng puso ko" ang nakangiti kong tugon

"Ay, ang bongga ng bestie ko ngayon, inlove na!" Ang masayang sambit nya

"Well, hindi pa naman" ang sagot ko

"Malapit na?, sino ba yan, pakilala mo naman sa akin oh" ang tanong ni Penelope

"Soon, papakilala ko sa'yo, ang sagot ko at itinuon ko na ang aking sarili sa pagtatrabaho ulit.

"Good evening, how's your day po?" Ang message sa akin ni Gian pagkauwi ko sa apartment

"Okay naman, wala na'kong pending sa work ko," ang masaya kong reply

"Nice, that's good, at least makakapagpahinga ka ng maayos," ang reply nito

Marahil dahil na rin sa kany kaya ko nagagawa ng mabilis ang aking work, para makausap ko sya ng matagalat madalas

"Can I call you now?" Ang tanong nito

"Bakit, nagcha-chat naman na tayo?" Ang tanong ko, nahihiya kasi ako na marinig nya ang boses ko,

isa pa, baka wala akong masabi kapag nagkausap kami tru call, mas sanay kasi ako na sa chat kami nagpapalitan ng mga salita

THE SEVEN YEAR ITCH - BOOK 1Where stories live. Discover now