“Sama ako sa misyon niyo.” Pangungulit ni Feira habang sinusundan ang ate nito matapos makalabas na ng clinic, tinignan ng nurse kung kailangan niya pa bang uminom ng antibiotic mula sa mga natamo niyang sugat at pasa na gawa ni Sarmiento. “Sigurado akong guguluhin mo lang ako roon, hintayin mo na lang ang misyon mo sa sarili mong distrito, ano ka ba?” Tugon ni Victoria habang patuloy pa ring naglalakad palabas ng pasilyo. “Baka matagalan pa, ayaw mo ba talaga akong isama?” Muling tanong ni Feira, umiling ang kinikilalang ate nito. Pareho mang matapang at malakas na nananalaytay ang pagiging makulit ni Feira lalo na at mas bata ito kaysa kay Victoria. “Salamat sa pagligtas sa akin ng araw na ‘yon, pero nakikiusap ako Feira, delikado ang trabaho ko, ‘wag ka nang sumama.” Dagdag ni Victoria at humarap rito, napakamot na lamang sa ulo ang nakababatang kapatid nito bago hinayaang umalis ang kapatid.
Aminado na maging si Victoria ay gulong-gulo sa sarili niyang pagkakakilanlan ay naniniwala siyang hindi siya nagkasala sa kasalanang espionage, anumang oras ay iniaalay niya ang kaniyang buhay at puso sa kaniyang trabaho. Maging siya ay nagtataka sa kung bakit walang naitalang record sa kung saan ba talaga siya nanggaling, hindi rin naman nito hinahanap ang kaniyang sariling ina dahil lumaki itong iniisip na sadyang ayaw lang sa kaniya ng kaniyang sariling ina. Inilabas nito ang kaniyang telepono upang tignan kung ano ba ang nilalaman n’on, nakita nito ang mga mensahe galing kay Matheo, nakapampante siya na sa kabila nang mga naganap ay may tiwala pa rin sa kaniya ang kaniyang mga ka-distritio, ang mapagbintangang espiya ay parehong napaka-makasalanang bagay at isang nakakahiyang pangyayari, pero naniniwala siya na nararapat siyang magpaliwanag, lalo na kay Matheo.
Umangkas ito sa motor na ipinangalan niyang Indigo at pinaharurot ito paalis, Matulin at mabilis ang takbo nito. Maraming pumapasok sa kaniyang isipan ngunit pinilit niyang tumingin sa kalsada. Sino ba talaga siya? Isa ba siyang espionage nang hindi niya alam? Pero, napaka-imposible naman n’on.
Agad niyang narating ang mansyon kung saan alam niya ay anumang oras ay paalis na ang mga ito, isang linggo siyang nawala, ngunit itinapos na ng mga ito ang trabaho ukol sa imbestigasyon. Nang maiparke ang motor ay pansin nito ang gulat na ekspresyon ng kaniyang mga kasama, ngunit nais niyang magkausap muna sila nang pribado ni Matheo.
Nang marating ang silid ay hindi niya malaman kung ano ba ang dapat sabihin, tila ba ang mga iniisip niya kanina ay agad-agad nawala at nabura sa kaniyang memorya. “Victoria.. pagod ka ba? Kamusta ka? Ayos ka lang ba?” Tanong nito, bakas ang pagalala sa boses nito at maging sa mukha nito ay maipipinta ang pagkabahala nito.
"Hindi ko alam paano ako maguumpisa.." Tugon nito sa nagaalalang binata, kumunot ang noo nito at bahagyang tumawa. "Basta't magpapaliwanag ka ay.. gagaan naman ang loob ko, nais kong magsabi ka nang totoo.. hindi ka naman espiya, hindi ba?" Tanong ng binata at bahagyang lumapit rito, nanatiling tahimik ang dalawa ng ilang segundo, tanging ang paghinga nila ang naririnig sa apat na sulok ng kuwarto.
"S'yempre.. hindi ako espiya, Matheo. Alam mo 'yan, alam kong nanghihingi ka ng paliwanag pero paano kung wala akong masabi sa'yo sa mga panahon na 'to?" Tanong pabalik ni Victoria bago umupo sa lamesa na nasa gitna ng silid, nagpamaywang ang binata bago huminga nang malalim.
"Ano ba talaga ang nangyari? Ano ang totoo?" Tanong ni Matheo, umiling lamang ang dalaga sa tanong nito. "H-Hindi ko rin alam.. hindi ko nga alam kung sino ako.." Nilaro-laro nito ang kaniyang mga daliri, na tila ba nangangapa nang ano bang susunod na sasabihin.
"Hindi ako espiya.. mamatay man ako ay hindi ko magagawa 'yon, alam mong seryoso akong magtrabaho dahil 'yon ang isinumpang tungkulin natin." Dagdag pa nito, ibinaling ni Matheo ang tingin nito kay Victoria. "Pero may kailangan kang malaman.." Dagdag pang muli ni Victoria, nanlaki ang mga mata ni Matheo. "Ano ang kailangan kong malaman?"
------------------------------
Matapos magusap nila Matheo at Victoria ay naging malinaw naman ang lahat, may bahagyang pagtaka at katanungan man ay natahimik ang mga nagwawalang tanong na bumabagabag sa puso at isipan ni Matheo.
Kung espiya ba talaga ang babaeng nakasama niyang lumaki, ang babaeng nakasama niya sa mga delikadong misyon, ang babaeng hinahangaan niya. Nagalit man ito noong una ay hindi niya mapigilan at sundan ang kaniyang puso at isipan, kaya nagawa niyang magmakaawa sa tatlong hukom ng araw na 'yon.
Nakaupo at naghihintay si Matheo sa labas ng opisina ng kaniyang lolo, si Maximus Aurellius Santos, ang may pinaka mataas na posisyon sa tatlong hukom na siyang nagde-desisyon para sa korte ng V.E.S.P.I.D.
Ipinatawag siya ng kaniyang lolo matapos nilang makabalik sa kanilang district building. Kinakabahan man ay pinalakas niya ang kaniyang loob, kailangan niyang tatagan ang kaniyang sikmura sa kung ano man ang sasabihin ng kaniyang lolo. Maganda man o hindi ay sadyang istrikto talaga ang lolo nito, ngunit sa kabilang banda ay nananalaytay ang kaniyang pagmamahal para rito.
"Pumasok ka.." Naagaw ng kaniyang lumilipad na kaisipan ang boses ng kaniyang lolo na siyang nagbukas na ng pintuan ng opisina, nang sumunod rito ay sinalubong siya nang malamig na klima sa loob, malawak at maaliwalas ang loob na tila ba apartment condo na sa laki.
"Maging komportable ka.." Dagdag ng lolo nito bago umupo sa kaniyang upuan. Hindi umupo si Matheo, bagkus ay nanatiling nakatayo at tuwid sa kaniyang kinatatayuan. "Hmm.. ayaw mo bang umupo, agent Santos?" Tanong ng lolo nito, umiling ito at mas lalong tumuwid ng tayo.
"Kamusta ka, apo?" Ang mga katagang binitawan nito ay tila ba humaplos sa kaniyang puso, na tila ba ay nawala ang lahat ng pagod na kaniyang nararamdaman. "Ayos lang po ako, supreme judge Maximus." Tugon nito sa seryosong boses, natutuwa man ay minabuti niyang kumalma muna.
"Call me what you always had called me.. Mat-mat we are not on duty, be casual." Pakiusap ng kaniyang lolo bago natawa nang kaunti.Bahagyang ngumiti ang binata bago napagpasyahang umupo. "Pansin kong malapit ka naman talaga kay Victoria, ano ba ang relasyon mo sa kaniya." Nanlaki ang mata nito sa biglaang tanong ng kaniyang lolo, napakunot ang noo nito.
"Magkatrabaho lang ho kami at wala ng iba pa." 'Yon ang isinagot nito, oo nga naman at magkatrabaho lamang sila at wala nang mas hihigit pa roon."May tiwala ka ba sa anak ni Salvador? Gaano mo pinagkakatiwalaan ang dalagang 'yon?" Kasunod na tanong ng lolo nito, nagtataka man ay wala namang masama kung sasagutin niya ito lalo na at sadyang nangangamusta ang lolo nito. "Malaki ang tiwala namin kay Victoria, lolo Max. Lalo na at napaka-raming beses niya na kaming linigtas lalo na sa unang misyon namin. Ang isang 'yon kasi ay parang walang kinakatakutan, kung kaharap niya si kamatayan ay makikipag-patintero muna siya.." K'wento nito bago bahagyang natawa.
"Nagusap na kami ni Victoria Salvador ukol d'yan, lolo Max. Naniniwala ako, at nararamdaman kong tunay ang pagsasamahan naming lahat at ni isa ay walang taksil. 'Yon ang paninindigan ko." Dagdag pa nito bago nagangat nang tingin at ngumiti nang pagkalawak-lawak.
"Naniniwala at nananatili kaming tapat sa aming isinumpang tungkulin, at handa kaming ialay ang aming mga sarili para sa ikabubuti ng inang bayan." Punong-puno ng sinseridad ang mga kasunod na salitang binitawan nito. Ngumisi lamang si Maximus bago tumayo at lumapit sa upuan kung nasasaan si Matheo.
"Matheo.. patawad sa mga taon na wala ako sa tabi mo, wala man ako ng mga panahon na 'yon pero lagi kitang naiisip at inaalala. Nais kong malaman mo na.." Yinakap nito si Matheo nang mahigpit. "I'm proud of you, my boy..."

ВЫ ЧИТАЕТЕ
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Детектив / Триллер🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...