𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄

3.8K 115 15
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Hindi pa rin ako kinakausap ni Chavah kahit na sakay na kami ng kotse at ihahatid na nila kami sa bahay, nasa passenger seat siya, tahimik lang.

Tang ina kasi, Kendra, ang kapal ng mukha mong mainis! Kastigo ko sa aking sarili.

"Mama, dokoheikuno?" tanong ni Polly gamit ang salitang Japanese. Mama, saan tayo pupunta.

"Sa bahay, makikilala niyo na si Daddy at si Kuya Alpha niyo," tugon ko. Unti-unting umawang ang kanilang bibig at nanlaki ang kanilang mga mata.

"Nanite kotoda!" Sabay nilang bulalas at napatakip sa kanilang mga bibig. Oh my God! Mababanaag ang excitement at tuwa sa mga mata nila. Ngiting-ngiti sila at umayos sila sa pagkakaupo.

Sampung minuto lang ang naging byahe namin, pagkarating ay agad kaming bumaba. Maging si Chavah at ang asawa niya bumaba rin, ibinaba ni Felip ang tatlong maleta namin na nasa likurang bahagi ng sasakyan.

"Chavah..." tawag ko kay Chavah. Lumingon naman siya sa akin pero tinaasan niya ako ng kilay kaya napanguso ko. "I'm sorry..." sambit ko. Pero umirap lang siya at tumalikod, hinarap niya ang asawa niyang busy sa pagbaba sa mga gamit namin. Mukhang galit nga siya sa akin. Napahikbi tuloy ako at nang marinig niya iyon ay agad siyang lumingon pabalik sa akin.

"You're such a cry baby, bitch!" aniya at naglakad palapit sa akin. Sinapo niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko, mas lalo tuloy akong napahikbi, nagtataka naman ang kambal kung bakit ako umiiyak. "Stop crying, I will batok you! And stop saying sorry! I'm not mad okay."

"But you glared at me,"

"Because you're so stupid sometimes, Kendra! Learn to ask questions before you make decisions, don't jump to conclusions, try to communicate with the people around you, stop assuming things. Para hindi ka ma-hurt, okay?"

"I'm s-sorry-"

"I said stop saying sorry you bitch!" pinitik niya ang nuo ko na nagpa-igik sa akin. "Argh! You're so annoying!" saad niya at agad ring hinipan ang nuo ko.

Niyakap ko na lang siya, niyakap niya ako pabalik. "Salamat, sa lahat-lahat, Chavah." bulong ko. Naramdaman ko ang pagbuntonghininga niya. Pagkatapos ay inilayo niya ang sarili sa akin.

"You're the only friend I had, don't fucking hide again! You know what I looked for everywhere! I used all my connections just to fucking find you! But I can't find you. I want to believe those stupid authorities when they say you're dead already because we found your car in the middle of nowhere, full of bullet holes and the driver seat was full of blood! If mommy didn't tell me that Kuya Yvo was helping you, I wouldn't know that you're still fucking alive! I want to beat Kuya Yvo to death, but I know it is impossible to beat him, and mom said I better thank him because he saves you! But I'm still annoyed at him! He pretended he didn't know anything!"

Napanguso ako. "I'm sorry, I asked Kuya Yvo not to tell to anyone, natakot kasi akong madamay kayo dahil may gustong pumatay sa akin."

Umirap siya. "Bitch, did you forget that I am a Francos, and not just a Francos, I am also an Ybanez?! Before they could lay their hands on me, I had already killed them!" Muli siyang bumuntonghininga at napailing. "You're really stupid sometimes, Kendra!" Mas lalo akong napanguso.

Sumusobra na talaga 'to si Chavah kanina pa stupid nang stupid sa akin. Pero okay lang totoo naman. Haiyts.
Bakit ko nga ba nakalimutang, Francos siya?

"Dito na lang po ba tayo sa labas?" Pareho naming nalingon ang kambal nang marinig ang tanong ng isa sa kanila. Parehong nagsalubong ang kilay nila. Natawa naman si Chavah at pinisil ang nga pisngi nila.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon