𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

7.1K 132 30
                                    

𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Pinagdugtong ko na ang part 1 at part 2!

"Tito, paperma po!" pagkababang pagkababa ko sa backstage ay sumalubong sa akin ang babaeng anak ni Ken. Nakangiting kinuha ko ang papel na inabot niya sa akin at ang ballpen na kasama niyon. Ngunit umawang ang labi ko nang makita ang nakasulat doon. Bahagya akong natawa at napailing ngunit pinirmahan ko pa rin ang marriage contract na ginawa niya. Pinirmahan ko sa ibabaw ng pangalan ko pagkatapos ay iniabot ko iyon sa kanya.

"Here..." nakangiting saad ko. Inabot naman niya iyon ng nakangisi.

"Salamat po, tito, asawa na po kita simula ngayon!" nakangising saad niya at umalis. Natawa ako nang bahagya ng makitang may maliit siyang talon habang paalis. Kapag narinig iyan ng tatay mo baka ilibing ako nun ng buhay. Ang kulit.

"Aalis ka?" tanong ko kay Josh. Nandito kami ngayon sa bar ni Justin. Nagyaya kasi itong si Josh na uminom at bigla na lang niyang inanunsyo na aalis siya.

"Bakit ka aalis?" tanong naman ni Justin sa kanya. "Dahil ba 'to sa nangyari sa inyo ni Stell?" dagdag na tanong ni Justin.

"Kailangan kong lumayo pansamantala, kailangan kong hanapin ang sarili ko," tugon ni Josh pagkatapos tungain ang alak. Si Justin pagkatapos marinig ang sinabi ni Josh ay nanlaki ang mata.

"Bruh, kailan pa nawala ang sarili mo? Gusto mo bang tulongan kita? Tang ina ang tanga mo talaga bakit kasi kung saan-saan mo iniiwan ang sarili mo?!" parang tangang sabi ni Justin, kaya nabatukan ko siya.

"Tanga!" sumimangot naman siya at inirapan ako.

"Double babayaran mo diyan sa beer, tang ina ka! Nanakit!" tinaasan ko lang siya ng kilay pagkatapos ay hinarap ko si Josh na ginawa ng tubig ang alak.

"Tigilan mo na 'yan, Cullens, wala kaming extrang kidney na ido-donate sa 'yo kapag nagkasakit ka sa bato," sabi ko, pero ang gago ayaw makinig mas nilaklak pa ang alak, ang tangang si Justin naman ay tuwang-tuwa dahil napaparami ang beer na ininom ni Josh at ang ibig sabihin nun ay malaki ang babayaran nito.

"Pasensya na late," si Ken na kakarating lang. Glowing siya halatang masaya. Sino ba naman kasing hindi, nalaman ba naman niyang hindi totoong kasal si Jane at ang ama niya 'tapos nagkabalikan na sila ni Jane at may anak pa sila. 'Tapos balita ko buntis na naman si Jane. Apakabilis ng gago. Naupo siya sa harapan nang kinauupoan ko, inabotan naman agad siya ng alak ni Justin.

"Stell, dito tayo, bruh!" tawag ni Justin kay Stell na nasa may pintuan at nagpalingalinga hinahanap kung saan kami. Agad naman siyang napansin ni Stell, naglakad ito papunta sa amin. Naupo ito sa tabi ni Justin, inabotan naman agad ito ng alak.

"Anong meron?" tanong ni Stell pagkatapos tungain ang beer.

"Aalis daw si Josh, hahanapin daw ang sarili niya. Tanga ang gago kung saan-saan kasi iiniwan ang sarili kaya nawawala." saad ni Justin. Kung normal lang na araw ito at kung hindi nagsapakan si Stell at Josh noong nakaraan baka bumanat pa si Stell pero ang gago tahimik lang at muling tinunga ang beer. Balak pa atang maglasing.

Sa ilang taon naming pagsasamang lima ngayon lang kami nanahimik ng ganito. Kadalasan kasi ay magulo ang mesa namin sa tuwing nandito kami sa loob ng bar ni Justin, at dahil iyon sa pagiging sintu-sinto ni Justin at Stell. Pero ngayong tahimik si Stell ay tahimik na rin si Justin para na lang siyang tangang ngumuso habang sinisilip ang mga mukha namin. Si Ken naman ay tahimik lang na tumutunga kaharap ang cellphone niya, ka chat niya siguro si Jane. Hulog na hulog talaga ang gago.

Ilang taon ang nakalipas, nagsipag-asawa na silang apat samantalang ako ay nanatiling single. Hindi sa ayaw kong mag-asawa pero wala pa talagang nakakakuha ng atensyon ko. Tinutukso na nga ako ng mga kaibigan ko, baka daw plano ko ng mag-pari. Mga gago talaga, palibhasa ang aga-aga nilang lumagay sa tahimik.

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon