Kabanata 4

3.8K 152 16
                                    

Sa kasagsagan ng election campaign ko nalaman na tatakbo bilang vice president ng junior highschool department si Gian. Bakit ko alam?

Dahil kay Julie na kung ano-ano na lang ang sinasabi sa akin na tungkol sa kan'ya. Pati pagiging parte niya ng star section, recent achievements nito, at ang birthdate niya. Ano naman ang gagawin ko sa mga impormasyong iyon? Wala. Pero pinagpipilitan sa akin ni Julie na magagamit ko rin iyon sa pagdating ng panahon. Na alam kong hindi naman mangyayari dahil wala kaming ugnayang dalawa.

"Please vote for me. Thank you!" masayang wika ni Julie habang inaabot ang campaign flyer niya sa mga dumadaang estudyante.

Isinama niya ako para mamigay pero parang wala akong masyadong naitutulong dahil mas mabilis siyang kumilos kaysa sa akin. Bago pa ako makalapit sa pagbibigyan ko ay nauuna niya itong abutan ng campaign flyer. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang election kaya sinusulit namin ang oras para mag-campaign. Bumaling ako kay Julie at napansin na ilang beses na siyang nagbubuntong-hininga.

Lumapit ako. "Gusto mo bang magpahinga na muna tayo?"

Kaninang umaga pa siya kinakabahan. Sigurado na sana ang panalo niya kung hindi lang nag-file ang isang kaklase naming lalaki sa parehong posisyon noong huling araw ng filling of candidacy.

Tumango siya. "Sige, water break. Para akong mahihimatay sa sobrang kaba!"

"'Di ba sinabi ko sayo na huwag kang mag-alala? Halata naman na madaming boboto sayo," I assured her.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa canteen. Masyadong madaming tao sa hallway at nag-aabot ng kani-kanilang flyers.

"Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng mokong iyon! Ang lakas ng loob na kalabanin ako, nakakainis!" gigil na wika niya.

Napawi agad ang inis sa mukha niya nang may makasalubong kami na namimigay ng flyers. Lumapit siya rito at kumuha ng iilang piraso. Bumalik siya sa akin na nakangisi bago inabot ang nakuha niyang flyers.

"Julie, ano ba!"

Ibinalik ko sa kan'ya ang campaign flyer ni Gian. Pangalan, tatakbuhang posisyon, at iilang disensyo ang laman ng kan'yang flyer. Wala namang nakalagay na mukha niya pero hindi ako komportable sa ginagawa niya. Baka may makapansin sa amin at iba ang isipin.

"Naku, remembrance lang eh!"

Nang magsimula na ang election, tumambay muna kami sa labas ni Julie at iilang mga kaklase namin na tumutulong sa kan'ya. Sa bawat pumapasok na botante ay inaabutan namin ng flyer. Saka kami bumoto nang mapansin naming karamihan ng mga estudyante ay nakaboto na. Straight vote sa akin ang partylist ni Julie kaya mabilis akong natapos.

Sumama ako sa mga kaklase kong pumunta ng covered court para panoorin ang pagbibilang ng boto. Nagpaalam sa akin si Julie na magpapahangin muna dahil bumalik na naman ang kaba niya. Nahawaan niya yata ako nang makaramdam ako ng kaba habang binibilang na ang mga boto. Nangunguna si Julie pero ilang boto na lang ang pagitan nila ng kalaban niya.

But I guess, I manifested the result.
Julie won.

"Congrats!" bati ko kay Julie pagkabalik niya ng covered court. Sandali niyang tinitigan ang voting result bago ako sunggaban ng yakap.

"Thank you! Thank you!" aniya habang tumatalon sa saya.

Natigil ang pagdiriwang namin nang may tumikhim sa tabi namin. Paglingon namin ay bumungad ang nakangiting si Phillip, kasama ang kan'yang kapatid na si Gian.

"Congrats, Julie," bati niya sa kasama ko na ngayon ay namumula na.

"Congrats din, Philip- I mean, Mr. President! I'm looking forward working with you," pormal na bati ni Julie.

Phillip chuckled. "The feeling is mutual."

"Nanalo rin ang kapatid mo noh?" tanong ni Julie, nagi-iba ng topic. Bumaling ang tingin namin kay Gian na tahimik lang sa tabi.

"Yes, as vice president," sagot ni Gian habang nakatingin sa akin.

"Uy, congrats din!" bati ni Julie sa kan'ya at mahina akong siniko sa tagiliran.

"Thanks," mahinang tugon ni Gian at ngumiti. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti, katulad ng Kuya niya na biglang nawawala ang mata kapag nakangiti.

Julie leaned towards me and whispered, "Mag-congrats ka rin!"

"Bakit naman?" bulong ko pabalik, diretso pa rin ang tingin sa mga kasama namin.

"Kasi nanalo siya?" sarkastikong sagot niya.

"Congrats sa inyong dalawa," I said abruptly, which sounded awkward and forced. Mukhang nagulat pa sila na bigla akong nagsalita. Phillip smiled and thanked me.

Gian stared at me for a moment before smiling. "Thank you."

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon