"Late na ako!" bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad papunta ng highway. Hindi ako nakatulog nang maaga kagabi kaya late na rin akong nagising.Nang may nakita akong tricycle, tinawag ko ito kaagad at sumakay na. Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking mga darili. Sa pagmamadali ay nakalimutan kong magsuklay.
Tiningnan ko ang bag ko para tingnan kung may nakalimutan akong dalhin. Pagkadating ko sa campus ay naabutan kong sarado na ang gate at may mga estudyanteng nag-aabang sa labas para makapasok.
Mukhang late na nga ako...
Sa kabilang parte ng gate ay naroroon ang mga SSG officers. Hindi ko nakita si Julie kaya mukhang hindi siya kasali sa mga naka-assign ngayong araw.
"Create a two line, please! One line for junior highschool and one line for senior high," Phillip instructed.
Lahat naman sumunod at pumila na rin ako sa pila ng senior high. Mabilis umusad ang pila kahit naniningil ng penalty ang mga officers. Kaya kumuha na rin ako ng bente sa pitaka ko.
Nang malapit na ako sa loob, napansin kong isa si Gian sa mga mangongolekta ng penalty. Tila may bumaligtad sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag at nakaramdam ako ng kaba.
When it's my turn, I tried to avoid his gaze.
Nakakahiya. Nakakahiya. Nakakahiya.
Nakita niya akong late kahit minsan lang naman akong ganito. Ano na lang ang iisipin niya?
"5 pesos," sabi ng isang babaeng officer. Inabot ko sa kan'ya ang pera ko.
"May sukli kayo?" tanong niya sa mga kasama niya. Isa si Phillip sa mga umiling at kinuha ang perang pinambayad ko.
"May sukli kayo nito?" tanong rin niya kay Gian na malapit lang sa kan'ya.
Tiningnan ni Gian ang hawak niyang mga barya bago umiling sa Kuya niya.
"Arianne, right?" biglang tanong sa akin ni Phillip kaya tumango ako. "Pwedeng mamaya na lang iyong sukli mo? Ibigay ko na lang sayo sa classroom niyo."
"Sige, ayos lang."
Nagpaalam ako at mabilis na naglakad papunta sa classroom namin. Hindi na ako lumingon pa dahil baka pinagtitinginan na nila ako, at ayokong kumpirmahin na sa buong usapang iyon ay nakatingin sa akin si Gian.
Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko si Ma'am Shella na nagsusulat sa white board kaya palihim akong pumasok habang hindi gumagawa ng ingay. Nang makaupo ako, nakatanggap ako ng mahinang hampas galing kay Julie na kanina lang ay nagsusulat.
"Bakit ka na-late? Pasalamat ka dahil hindi pa nakakapag-attendance si Ma'am," aniya.
"Late nagising," sagot ko at inilabas ang notebook ko para magsulat ng lesson.
"Naabutan ka ng SSG officers sa gate noh?"
"Oo."
"Nandoon si Phillip?" nakangiting tanong niya.
"Oo," wika ko. "Dadalhin daw niya dito mamaya iyong sukli ko."
Her eyes sparkled. "Talaga?"
Tumango ako. Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya ang dumating sa classroom namin nang dumating ang recess.
"Uy, Gian! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa kong kaklaseng lalaki na mukhang kakilala niya. Hindi ko inakala na friendly pala siyang tao, hindi halata sa aura niya.
"Nandito ba si Arianne?" tanong ni Gian kahit sa direksyon ko siya nakatingin. Doon ako nakasigurado na kilala na niya ako.
"Arianne, tawag ka," tukso ni Julie.
Mabuti na lang ay nakatalikod siya kay Gian kaya hindi niya nakikita na abot-langit ang ngiti ng kaibigan ko. Dumaan ako sa kan'ya at mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Ano iyon?" tanong ko nang makalapit na ako.
Hindi ako makatingin nang diretso sa kan'ya kaya kunwari ay patingin-tingin ako sa school grounds, tila may napaka-interesadong bagay doon.
"Pinapaabot ni Phillip iyong sukli mo," sagot iyan.
Ibinigay niya sa akin ang pera at tinanggap ko ito. Sandaling nagdikit ang kamay namin at naramdaman ko na parang may kuryente na dumaloy sa kamay ko. Kasunod nito ay tila may bumaligtad na naman sa tiyan ko, para bang hindi ako natunawan kaninang agahan.
Mabilis ang pangyayari. Nagpaalam siya sa akin at umalis na, para siyang bula na biglang naglaho sa harapan ko.
"Anne, kumusta ka riyan?" narinig kong tukso ni Julie. Nakatulala pa rin ako sa may pintuan. Nang makalapit siya ay pinagmasdan niya ako.
"Mukha kang hinog na kamatis!"
Nagwala si Julie sa nasaksihan. Pinaghahampas niya ako dahil hindi niya mapigilan ang kilig. Kulang na lang ay itulak niya ako mula sa second floor, dahil sa kilos niya ay napansin siya ng mga kaklase namin.
"Anong nangyari, Julie?"
"Crush mo iyon?"
"Akala ko ba kay Phillip ka? Kapatid pala ang nais."
Sunod-sunod ang tanong ng mga kaklase namin, mukhang nakuha namin ang buong atensyon nila.
"Hindi ako! Si Anne ang may crush kay Gian. Loyal ako kay Phillip noh!" pag-amin niya.
Nanlaki ang mata ko. "Julie!"
"Yieee!" hirit ng mga kaklase namin. Karamihan sa kanila ay nagsigawan kaya napasilip sa amin ang ibang estudyante na galing sa kabilang classroom.
Hindi ko napigilang mapangiti. Bumalik ako sa upuan ko at nahihiyang tinakpan ang nagi-init kong mukha. Ngayon pa nga lang nagsi-sink in ang nararamdaman ko sa kan'ya pero alam na ng buong klase dahil kay Julie.
"Mag-recess na tayo, Anne."
Kahit hindi man ako nakatingin, ramdam kong nakangiti siya ngayon at nagi-enjoy sa nangyayari. Laking pasasalamat ko dahil humupa na rin ang panunukso ng mga kaklase ko.
"Ayokong lumabas. Dito lang ako."
"Ayaw mong mag-snack?"
"Wala na akong mukhang maihaharap, Julie. Alam na ng lahat, paano kung narinig tayo ni Gian?" tanong ko.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang takip ko sa mukha. "Mas masaya kung gano'n!"
"Na alam niya? Hindi ko kakayanin. Kanina nga parang sasabog ang dibdib ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko," paliwanag ko.
Ngumisi siya. "Normal lang iyan, i-enjoy mo lang ang moment na ito kasi first crush mo!"
Napabuntong-hininga ako. I hope I can enjoy this feeling. But what I really hope for is that Gian will always be clueless about this. I'm fine admiring him from afar.
BINABASA MO ANG
Marahuyo
Teen FictionHave you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting breeze? Arianne Valerio never thought of that when she met Gian Chavez at the waiting shed. Their firs...