Kabanata 9

3.1K 141 10
                                    

Dumaan ang mga araw na normal lang ang mga nangyayari. Sa waiting shed ko lang madalas makita si Gian at kapag nagkakasabay kami ay hindi ako kumikibo. Kunwari ay wala lang sa akin ang presensya niya kahit nagwawala na ang loob ko.

Kapag natatanaw namin siya sa campus ay nagpapanggap ako na hindi ko siya nakikita. Todo ang gigil ni Julie kapag nangyayari iyon.

"Sino ang gustong sumagot?" tanong ni Ma'am Jane sa kalagitnaan ng kan'yang discussion. "Ikaw, Ms. Valerio."

Mabilis akong napatayo. Mabuti na lang ay nakikinig ako sa sinasabi niya kaya nagawa kong sumagot kahit papaano. Matapos kong magsalita at sabihin ni Ma'am Jane na tama ang sagot ko, bigla na lang nagsi-palakpakan ang mga kaklase ko na ikinagulat ko.

"Arianne namin iyan!"

"Iba talaga kapag inspired!"

Napangiti si Ma'am Jane sa reaksyon ng mga kaklase ko pero agad naman niyang pinatahimik ang klase. Baka maka-istorbo raw kami sa mga nagk-klase sa kabilang room.

"Kanino naman inspired si Ms. Valerio?"

"Kilala mo po siya, Ma'am!" pag-amin ni Julie kaya palihim ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Kilala ko? Sino? Pwede kitang ipakilala," tukso ni Ma'am. Tuluyang nag-init ang pisngi ko.

"Si Gian Chavez po!" sagot ni Julie. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya kahit huli na.

"Iyong sa Grade 10? Mabait na bata 'yon."

"Yieeee!" hiyaw ng mga kaklase ko.

Natapos ang klase na hindi iyon nawala sa isipan ko. Nag-lunch kami ni Julie pero tila hindi ako matunawan habang iniisip na may isang teacher na may alam tungkol sa pagkaka-crush ko kay Gian.

Mali talaga na nalaman ng mga kaklase ko.

Habang pabalik kami ng classroom ni Julie galing sa canteen, naririnig namin ang ingay ng mga kaklase namin kahit nasa may hagdanan pa kami. Mukhang nasa mood na naman sila mag-asaran, baka mamaya ay mapagalitan na naman kami ng mga teacher.

Nang matanaw namin ang classroom ay nagulat ako nang lumabas mula roon si Gian. Nakaharap siya sa pintuan kaya hindi niya kami nakita, pero rinig na rinig kong tinatawag ng mga kaklase ko ang pangalan ko.

Mabilis kong hinila si Julie sa kabilang classroom at nagtago kami. Mukhang nagulat pa ang mga estudyanteng nandoon pero hinayaan na nila kami.

"Julie, anong ginawa mo?" natatarantang tanong ko sa kan'ya habang sumisilip siya sa pinto. Mukhang pati siya ay gulat rin.

"Hindi ko alam! Baka si Ma'am Jane ang may pakana nito, nakita ko siyang lumabas kanina sa classroom nila eh," paliwanag niya.

Napahilamos ako sa mukha. Nanatili kami sa pwesto namin hanggang sa dumaan si Gian para bumaba ng building. Nang masigurado ni Julie na tuluyan na siyang nawala ay mabilis kaming pumasok sa classroom namin.

Agad akong pinagkaguluhan ng mga kaklase ko para ipaliwanag ang nangyari.

"Hinahanap ka. Inutusan daw siya ni Ma'am Jane na ibalik sayo 'yong ballpen mo. Kukunin sana namin 'yong ballpen pero mahigpit na bilin ni Ma'am na sayo lang daw ibibigay," sabi ni Tina habang pinaliligiran na nila ako.

Ballpen? Wala naman akong pinahiram na ballpen kay Ma'am Jane.

"Ilang minuto siyang naghintay sayo! Mukhang nahihiya pa siya sa amin dahil mag-isa siyang nasa labas. Kaya no'ng sabihin namin na baka mamaya ka pa darating, umalis na siya," naghihinayang na sabi ni Celia.

"Nagulat pa nga siya dahil biglang umingay ang mga classmate natin. Saan ba kasi kayo pumunta?" tanong ni Tina.
Ni-set up ako ni Ma'am Jane. Muntik na!

"Bakit pa kasi tayo nagtago? Chance mo na iyon!" wika ni Julie at nagpatuloy ang kwentuhan nila tungkol sa nangyari.

Tila nilipad ang utak ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. May posibilidad na nakaramdam na si Gian tungkol sa mga nangyayari. Baka alam na niyang crush ko siya.

Please, please, please. Huwag naman sana.

Lumabas muna ako ng classroom para magpahangin. Nang tumingin ako sa school ground, namataan ko kaagad si Ma'am Jane na naglalakad papunta sa susunod niyang klase.

Mukhang naramdaman niya ang presensya ko dahil napatingala siya sa direksyon ko. Sumilay ang ngiti niya at iniwagayway niya sa ere ang hawak niyang pulang ballpen.

Then she mouthed, "Sayang."

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon