Kabanata 10

3.1K 132 13
                                    

Kahit anong takas ko kay Gian ay alam kong wala akong tatakbuhan. Lalo na't nakakasabayan ko siya sa waiting shed namin. Pero sa kaloob-looban ko, natutuwa akong nagkakaroon kami ng tahimik at simpleng ugnayan dahil lang sa lugar na ito.

Kumpara sa campus na puro sigawan na lang ang naririnig ko kapag nasa paligid siya. It's nice to be at peace while appreciating his presence, without worrying that someone might spill my little secret and ruin everything.

I glanced at him. Nakasuot siya ng earphones. Nadadala siya sa musika dahil hindi niya napapansin ang mga nakaw kong tingin. Tinatapik rin niya ang kan'yang paa sa lupa, tila sumasabay sa beat ng kanta. Bumalik ang tingin ko sa daan at napangiti.

"Uhm, Arianne..."

Lumingon ako sa kan'ya kahit gulat na bigla niyang tinawag ang pangalan ko. Tinanggal niya sa tainga niya ang isang earphones na suot niya. Pinagmasdan ko lang siya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Nakuha mo ba 'yong ballpen mo?" he asked.

Sandali akong natigilan bago pumasok sa isip ko ang ginawa ni Ma'am Jane noong isang araw.

"Oo," sagot ko. "Bago ko nakuha kay Ma'am, sinabi ng mga kaklase ko na dinala mo raw sa classroom namin."

This time, he entirely removed his earphones and slightly faced my direction. I suddenly felt something in my stomach knowing that he's giving his full attention on me.

"Really? I'm not aware that they know me." He has an amused face at first until I can trace a bit of embarrassment in his face. He's smiling to conceal those but I'm internally giggling to witness this moment.

"Sikat ka kaya," wika ko.

"Hindi naman sa sikat," he said humbly. "Kilala ako ng junior high kasi ako ang vice president nila. But being known in senior high department? That must be my brother's work."

"Probably," I muttered, trying to hide my smile. But I hope he's aware that I've known him first before meeting his brother.

Umihip ang malakas na hangin. I tucked my hair behind my ears, para hindi ito magkalat. Lumingon ako sa kan'ya at gano'n rin siya, kaya pareho kaming napangiti.

I'm hoping that we can have more conversation like this.

***

Nakatayo lang kami ni Julie malapit sa pila ng counter sa canteen. Dumagsa ang mga estudyanteng gustong bumili ng kanilang kakainin ngayong recess.

"Ikaw na lang ang bumili," Julie suggested.

"Hindi ako ang inutusan ni Ma'am Shella."

She sighed. Pareho naming hindi gusto na maipit sa siksikan ng mga ibang bibili. Nakadistansya kami dahil kapag madamay ka sa tila de-lata ng sardinas na pila ay wala ka ng kawala.

Madalas kapag patapos na ang recess saka kami bumibili ni Julie ng pagkain namin kaso nakita siya ni Ma'am Shella kanina kaya inutusan niya itong bumili ng pagkain niya. Hindi naman pwedeng hintayin naming makaalis ang lahat ng bibili bago ibili si Ma'am, baka hindi na namin siya maabutan sa office nila.

Inikot ni Julie ang tingin niya sa loob ng canteen, baka naghahanap ng pwedeng mabiktima. Lumiwanag ang kan'yang mukha nang may matanaw siya malapit sa entrance.

Itinaas niya ang kamay niya saka siya masayang kumaway. "Phil!"

"Phil?" tanong ko bago lumingon sa tinitingnan niya.

Nakita ko kaagad ang dalawang lalaking papalapit sa pwesto namin. Si Phillip ay kinakawayan pabalik si Julie habang nakatingin sa direksyon ko si Gian.

Suddenly, the place isn't too crowded anymore. Parang kami lang apat ang naroroon.

"Si Phillip," bulong ni Julie.

"Close na agad kayo?"

"Uh, yeah? Friendly kaya ako!" sagot niya.

I agree and it totally makes sense. She can be friends with everyone in this room for few minutes. Pero sa crush niya? Hindi lang siya basta friendly, matapang din siyang tao.

Nang makalapit sila, tinanong niya agad si Phillip. "Lagi ba kayong sabay pumupunta ng canteen?"

Phillip glanced at Gian and grinned. "Nah, he's tailing me because I have his allowance."

Gian glared at his brother. Bakas ang inis sa kan'yang mukha pero halatang nahihiya siya sa sinabi ni Phillip. Ni-hindi siya makatingin nang diretso sa amin ni Julie. Nakita ko si Julie na sumusulyap sa akin habang makahulugang ang kan'yang ngiti. Mahina ko siyang siniko, baka makahalata itong mga kasama namin.

Binigyan ni Phillip ng pera si Gian nang biglang magsalita si Julie. "'Di ba may ipapabili pa sayo si Ma'am Shella, Anne?"

I looked at her confused. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang perang ibinigay sa amin ni Ma'am. Ngumiti siya sa akin habang tinatapik niya ang kamay ko.

I lose. Alam na alam niyang hindi ako marunong tumanggi kapag may kaharap akong ibang taong hindi ko masyadong kilala. She's using the opportunity, para ako ang maisalang niya sa mala-gyerang pila. 

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko saka niya ako pinaharap sa pila.

Mukhang makikipagpalitan ako ng mukha sa isa sa mga nasa pila, ang amoy nila ay magiging amoy ko, maitutulak nila ako saan man ang gustuhin nila, at kung may mas isasama pa ang sitwasyon na ito ay baka sa sahig na ako pupulutin ni Julie.

"Anong ipapabili ni Ma'am Shella?"

I froze. Hindi ko napansin na nakatayo na sa tabi ko si Gian habang pinagmamasdan din ang pila. It took me a moment to respond because my mind suddenly slipped on me.

"Kahit anong kakanin at bottled juice," sagot ko nang maalala na ang pinapautos ni Ma'am.

He nodded.

"Ikaw?" tanong niya habang nakatingin sa akin. "Anong gusto mong bilhin?"

"Uhm..."

Mukha na akong tanga sa harap niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya sa akin ang bibilhin ko. I always decide at the last minutes, I choose my food when I'm already in front of the counter, and it takes me minutes to decide what I will buy on that day.

"Take your time," sabi niya. "I don't mind."

Mas lalo akong nataranta. Inikot ko ang tingin ko sa mga naka-display na pagkain. May iba na hindi ko na makita dahil tinatakpan ng mga nakapila. Kaya pinili ko na lang kung ano ang unang makita ng mata ko.

"Uhm, turon na lang at bottled juice."

"Okay," sagot niya kaya inabot ko ang pera ko at ni Ma'am Shella. Sinubukan kong hindi magdikit ang kamay namin, natatakot sa parang boltage na kuryente na nanggagaling sa kan'ya.

"Did I pressure you?" tanong niya.

Umiling ako. "Indecisive lang akong tao."

"Really? I guess I'll take note of that," he said with an amused face, making my heart skip a beat.

Iniwan niya ako at tuluyan ng sumabay sa agos ng pila. Nakita ko siyang masayang nakikipag-usap sa mga kasabayan niya, hindi alintana ang siksikan. Pagkatapos ng ilang minuto, nakalapit na siya sa counter. Napangiti ang tindera nang makita siya nito, tila isa siya sa paborito niyang customer.

Mukhang mali ang first impression ko sa kan'ya. Baka masama lang ang gising niya noong araw na una kaming nagkita sa waiting shed.

Nang makabili na siya, tumungo na siya sa akin habang hawak ang kan'yang pinamili. Nakangiti pa rin siya kahit pinagpawisan na.

"Here," aniya. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Nasa loob nito ang dalawang drinks habang nasa maliit na paper bag din ang kakanin ni Ma'am at naka-wrap ng plastic ang turon na binili ko. May hawak rin siyang maliit na paper bag, mukhang pagkain niya.

"Thank you," sabi ko at ngumiti.

Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Julie, napahigpit ang hawak ko sa paper bag dahil baka matapon iyon. May hawak rin siyang pagkain, baka binili niya o baka nabiktima niya si Phillip. Hindi ko sila napansin dahil nakatuon ang atensyon ko kay Gian kanina pa.

"Uy, friends na kayo?"

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon