Unang araw ng foundation week ng school. Hindi pa lumiliwanag ang paligid ngunit nasa open field na kami, ilang kilometro ang layo sa campus. Katabi ko si Julie na nags-stretching.
Color me fun run ang tema ng event ngayong umaga kaya lahat ay nakasuot ng white t-shirt, isa sa requirement para makasali ng fun run. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin kaya nakasuot ako ng jacket.
Madaming nai-kwento sa akin si Julie na mga masasayang memories niya noong mga nakaraang foundation week, kaya sobrang excited ako dahil ito ang unang beses na mararanasan ko ang event na ito.
May nakaparadang fire truck at ambulansya sa harap ng starting line. May nadaanan pa akong mga pulis na naka-standby sa iilang stop nang papunta ako dito sa venue. Abala ang mga SSG officers kanina dahil nagmi-meeting sila malapit sa firetruck.
Kalahating oras ang lumipas nang magsimula ang event, saktong sumisikat na rin ang araw. Nagbigay ng iilang instructions ang SSG officers bago sila nagsimulang maghabol ng mga estudyante. It means the fun started.
"Kapag may lumapit sayo na SSG officer, huwag kang tatakbo. Hayaan mo na lang na tapunan ka nila ng kulay," payo ni Julie, habang hawak ang isang malaking bottle spray na may lamang tubig na kulay pink.
Nagsimula na kaming maglakad. Tinanggal ko ang jacket ko nang makaramdam ako ng init at itinali ito sa beywang ko. Kasabay ko pa rin si Julie kahit minsan ay naghahabol siya ng mga estudyante para paliguan ng kulay. Hindi siya masyadong lumalayo sa akin kaya nagsilbi siyang proteksyon ko laban sa ibang mga SSG officers na gusto akong kulayan.
Para hindi ako masyadong ma-target dahil masyadong malinis ang t-shirt ko, nilagyan ni Julie ang buong damit ko kaya nagmukha na itong pink t-shirt.
"Uy, si Gian!" wika ni Julie.
Mabilis ko siyang hinanap sa dami ng tao at namataan ko siyang may hinahabol na lalaki. Binombahan niya ito ng purple water habang abot-langit ang ngiti. Basa ang kan'yang buhok, tila kakaligo lang dahil pumapatak pa ang tubig mula rito. Habang ang suot niyang t-shirt ay kumukupas ang iba't ibang kulay.
"Naligo na siya sa firetruck?" tanong ni Julie habang pinagmamasdan namin siya. Sandali akong nataranta nang maglakad siya palapit sa direksyon namin.
"Sandali, Anne. Enjoy ka muna riyan," paalam ni Julie nang makita si Phillip, hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. May kausap ito habang naglalakad kaya sigurado akong siya ang magiging target ng kaibigan ko.
"Julie!" tawag ko sa kan'ya kahit tuluyan na siyang nakalayo. I can see Gian getting near through my peripheral vision, so I turned my back, trying to avoid his presence.
Ilang sandali ay nakaramdam ako ng malakas na impact ng tubig sa likod ko. Nakalayo na si Julie kaya tuluyan akong nawalan ng proteksyon. Unti-unti akong lumingon sa salarin at natigilan ako nang makita kung sino.
"Arianne?" gulat na wika ni Gian.
Pinagmasdan niya ako bago bumalik ang tingin niya sa hawak niyang bote. Mabilis niya itong itinago sa kan'yang likod. "I'm sorry, I didn't mean to-"
"Okay lang," sabi ko at sinubukang tingnan ang itinalsik niyang kulay sa likod ko.
"You look... clean," komento niya nang mapansin na pink at ang kulay purple lang na galing sa kan'ya ang meron sa damit ko.
"Yeah, may bodyguard kasi ako."
"That's nice, compared to me." Dumako ang tingin ko sa t-shirt na suot niya. Halo-halo na ang kulay kaya mukha na itong abstract painting sa isang museum.
"Nah, it looks like an art," I said. You look like an art.
"Really?" he asked with an amused face. As if he isn't expecting to hear it from me. Sandali niyang pinagmasdan ang t-shirt niya habang tumatango.
BINABASA MO ANG
Marahuyo
Teen FictionHave you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting breeze? Arianne Valerio never thought of that when she met Gian Chavez at the waiting shed. Their firs...