Kabanata 13

2.6K 117 3
                                    

Pagkatapos ng foundation week ay naging abala na ang lahat. Magsisimula ang midterm week at tinambak kami ng madaming requirements na kailangang ipasa. Tila nagising kami mula sa masayang panaginip at ngayon ay hinaharap na ang reyalidad.

Kahit abala ako sa mga schoolworks, napansin ko pa rin na madalang ko na makita si Gian. Noong Lunes ng umaga ay inabangan ko siya sa waiting shed ngunit hindi siya dumating. Inisip ko na baka nauna na siyang pumunta ng campus pero noong dumaan ako sa gate ay wala siya.

Noong Martes, kahit maulan ay mas maaga akong umalis na bahay at nagbaka-sakaling makasabay siya pero wala. Nadaanan pa ako ni Julie habang nakasakay ng tricycle at sinabi sa akin na mukha raw akong nagi-emote sa waiting shed.

Habang noong Miyerkules ay natuwa ako nang may nakita akong lalaking naghihintay sa waiting shed. Muntik na akong madapa sa pagmamadali pero tulad ng mga naunang araw, umasa lang ako. Si Phillip ang naabutan ko habang may mga dala-dalang materyales kaya tinulungan ko siyang magdala.

Bigla niyang naikwento habang nakasakay kami ng tricycle na hindi siya matulungan ni Gian dahil mas mukhang busy iyon kaysa sa kan'ya.

Baka iyon ang dahilan kaya hindi ko na siya mahagilap. We are both tangled in our busy world that we don't have any opportunity to cross path.

"May hinahanap ka?" tanong ni Julie habang nakatambay kami malapit sa railings ng second floor. Napansin niya yatang nakatitig ako sa kawalan.

"Wala," matipid kong sagot.

"Aminin mo na teh, miss mo noh?"

Hindi ako lumingon sa kan'ya. Bumaling ang tingin ko sa building kung nasaan ang classrooms ng Grade 10. Kahit kanina pa kami nakatambay rito ni Julie sa labas ay hindi ko man lang siya nakitang palakad-lakad sa building nila. Kahit noong recess ay wala siya sa canteen.

"Wala naman akong karapatang ma-miss siya," sagot ko, isang paalala rin sa sarili ko.

Masyado akong nasanay sa presensya niya kaya ngayong hindi ko na mahagilap ay hinahanap-hanap ko na.

"Biglang humuhugot?" biro ni Julie.

Sinundan niya ang tingin ko at seryoso ring pinagmasdan ang building.

"What if... umamin ka sa kan'ya?" biglang wika niya kaya napalingon ako sa gawi niya.

"Seryoso ka ba?"

Tumango siya. "Bakit hindi?"

"Uh, bakit naman ako aamin?" tanong ko pabalik.

"Para malaman mo kung may pag-asa ka," sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Bumalik ang tingin ko sa building nina Gian, habang ini-imagine ang suggestion niya.

"Paano kung wala? Eh 'di masasaktan ako."

I don't want to risk it. Ayokong masira kung anong meron sa amin. Our relationship is so fragile that one wrong move would ruin it all. We are not totally friends but we're also not stranger to each other. I want to know him like how his friends knew him, without any awkwardness. So, confessing would put an invisible barrier between us.

"Kahit papaano, hindi ka umaasa tulad nito. Kung i-crushback ka o ma-reject ka, tuloy pa rin ang buhay. Kaysa naman puro ka what if," seryosong payo sa akin ni Julie.

"Kaso..."

Mas gugustuhin ko pang umasa kaysa malaman niya ang nararamdaman ko.

"You have nothing to lose, Anne."

I have... I could lose that tiny speck of connection with him if I tried to force my feelings.

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon