Kabanata 14

2.6K 120 8
                                    

Few months passed, I got so busy with my schoolworks. Nagsimula na kaming gumawa ng research proposal, kasama ko si Julie sa grupo at tatlong iba pa naming kaklase. Since the school year is ending, we've been pulling all-nighters just to finish our paper.

We encountered couple of title rejections before we officially started our approved paper. It wasn't easy and it's so draining.

One day as we were preparing for our proposal defense, napadaan kami sa classroom nina Gian. May hinahanap kaming teacher dahil may ipapapirma kami at nagawi kami sa building nila. Napahigpit ang hawak ko sa dala kong folder. There's a tingling in my stomach as we slowly passed by.

And there he is. Kalmadong nakaupo sa front row at seryosong binabasa ang notebook na hawak niya. In that few seconds, everything seems like time is slowing down. But it doesn't feel enough to appreciate his presence.

Grabe. Na-miss ko siya.

"Nakita mo?" tanong ni Julie at siniko ako nang malagpasan na namin ang room nila.

I nodded.

"Oo, mukhang busy mag-aral."

Ilang buwan na kaming hindi nagkakasabay sa waiting shed, minsan si Phillip lang ang naaabutan ko doon. Madalang na rin akong pumunta ng canteen dahil nagi-ipon kami ni Julie para sa gagastusin namin sa research kaya hindi ko na rin siya nakakasabayan doon.

Sa sobrang busy ko rin ay nawalan na ako ng oras para tumambay sa labas ng classroom namin at abangan siyang dumaan man lang.

Ganito pala ka-challenging ang senior high.

"Hala, may nakalimutan akong sabihin sayo!" biglang hirit ni Julie habang paakyat kami ng hagdan.

Sabay kaming tumigil at bumaling ang tingin ko sa kan'ya. "Pati chismis ay nakakalimutan dahil sa research."

"Ano iyon?" tanong ko.

"Na-bring up ni Phil sa akin 'to, last week yata? Hindi dito magsi-senior high si Gian."

Natigilan ako. Para bang hindi ko naintindihan masyado ang binigkas ni Julie hanggang sa paulit-ulit itong naglalaro sa utak ko.

Hindi siya dito magsi-senior high? Ibig sabihin ay hindi ko na siya makikita pa dito next school year.

"Baka gusto niya ng new environment dahil buong junior highschool years niya ay dito siya," paliwanag ni Julie habang nakasimangot.

Nagsimula na siyang maglakad habang ako ay nakatitig pa rin sa kawalan. It takes a moment before I finally able to lift my foot, alternately. Habang si Julie ay nasa taas na ng hagdanan.

"Kumusta ang puso mo, Anne?" mahina niyang tanong, tila napansin ang pagkagulat ko.

It feels like my heart went numb and I can't feel a thing. As if it's still processing the news.

"Ayos lang, wala naman tayong magagawa."

Ngunit sa gabing iyon, hindi ako makatulog nang maayos. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay paulit-ulit kong naririnig ang ibinalita ni Julie.

Para akong isda sa kama na pumipitik nang ilang beses hanggang sa tuluyan na akong bumangon. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang dalawang litratong meron kami ni Gian. Ang stolen shot noong oath-taking at noong color me fun run.

You have nothing to lose, Anne.

Naalala ko ang sinabi noon ni Julie. Mukhang tama nga siya. Walang mawawala kung aaminin ko kay Gian ang nararamdaman ko.

All this time, I'm just scared. Ayokong masayang ang kung anong meron kami pero anong gagawin ko kung tuluyan na iyon mawawala?

But I'm afraid of the consequences. I don't want to confess because if he will reject me, those fond memories with him that I treasured will turn into something painful.

And if... if it's possible that he'll reciprocate my feelings, I'm not ready to enter a romantic relationship.

All I want is for these feelings to be heard...

So that night, I created a dummy account, not revealing my real name and messaged him my long confession. After sending, I deactivated the account and swore I will never open it again.

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon