Kabanata 15

2.6K 127 19
                                    

Three years later...

Mahigit isang oras na ako sa pila ng registrar's office para makapag-print ng CoR. Ramdam ko na ang pananakit ng binti ko sa kakatayo.

Magsisimula ang bagong academic year kaya abala ang lahat para makapag-enroll. May mga nakikita akong freshmen na kasama ang parents nila sa pag-enroll, habang ang iba naman ay kasabay ang mga kaibigan nila.

Isang taon na pala simula nang makapasok ako sa Mindanao State University. Parang kahapon lang ay naliligaw kami ni Julie sa paghahanap ng iba't ibang offices.

Pareho kaming second year student na. Julie is taking up BS Accountancy while I'm taking up BSEd English. We are living in the same boarding house so, we are inseparable.

Mag-isa ako ngayong nakapila dahil may inasikaso muna siya sa college department nila.

May anim na tao pang nasa harapan ko kaya medyo matatagalan pa ako sa pila dahil ang iba ay pinasabay ang mga kaibigan nila. Tulad ko, hawak ko rin ang EBF ni Julie para mai-print ko ang CoR niya. Mabuti na lang ay may WiFi dito sa building kaya nilibang ko ang sarili ko sa phone ko. Nag-scroll muna ako sa Facebook bilang pampalipas-oras.

When it's finally my turn, binigay ko sa babaeng nasa loob ang EBF namin. Hinintay kong mai-print niya ang CoR bago ako nagbayad ng sampung piso. Habang paalis ako ay ni-double check ko ang nakalagay na mga subjects sa CoR ko.

Ngunit may biglang pumukaw ng atensyon ko. May nakasalubong akong lalaki at tila napaka-pamilyar niya. Mabilis akong napalingon.

"Gian?" bulong ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalaking naglalakad palayo sa akin. He's wearing a brown shirt and beige pants. Hindi ako sigurado kung siya talaga iyon kaya mabilis ko siyang sinundan.

I dove in the sea of people, despite losing him in my sight. Patuloy ko pa ring sinundan ang daang tinahak niya. Ngunit nawala siya. Nakaabot na ako sa exit ng building. Inikot ko ang tingin ko sa paligid, nagbabaka-sakaling makita ko siya sa nagdadagsaang tao.

Namamalik-mata lang ba ako?

"Anne!" narinig kong tawag sa hindi kalayuan. Nakita ko si Julie na papalapit sa akin habang nakikipag-siksikan.

"Naka-print ka na ng CoR?"

Tumango ako. "Nakita ko yata si Gian."

"Hala, talaga? Saan?"

Pareho na kaming nag-iikot ng tingin sa paligid. Hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla akong hilain ni Julie. Inikot namin ang buong building, pati ang second floor na wala masyadong pumupunta ay dinayo na rin namin.

"Baka nakauwi na siya," sabi ni Julie habang nasa second floor kami at pinagmamasdan ang napakadaming tao sa ground floor.

"Sa tingin mo, siya kaya iyon?" tanong ko.

"Malaki ang chance na siya iyon," aniya. "Dahil lumipas ang tatlong taon, ngayon mo lang siya na-bring up. Simula noong nalaman mong sa ibang school na siya magsi-senior high ay parang sinimulan mo na rin mag-move on."

Natahimik ako, hindi alam ang sasabihin. Walang ideya si Julie tungkol sa pag-amin ko kay Gian through Facebook messenger. Noong ni-deactivate ko ang account na iyon ay sabay ko na ring binaon sa limot ang nararamdaman ko para sa kan'ya.

I felt like there's no hope to make more connection with him so, I decided to let go. But now, it seems like my heart suddenly woke up from sleeping so long, and in calm whispers, it's calling his name.

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon