Kabanata 16

2.7K 124 5
                                    

I decided to shrug off my thoughts about Gian. Nagsimula na ang mga klase at kailangan kong mag-focus sa pag-aaral.

But my first day of classes as sophomore student didn't go well as planned.

Maayos naman akong nakapasok sa mga major subjects ko pero nagkaproblema ako sa isang minor subject dahil hindi ko mahanap ang room na papasukan ko.

I roamed around the College of Social Studies and Humanities, clueless.

Nahihiya akong magtanong sa ibang students kaya naisipan kong ikutin muna ang buong building, which is a wrong move because I'm running late.

Nang maramdaman kong mahihilo na ako kakaikot, naglakas loob na akong magtanong sa janitor na naglilinis malapit sa entrance.

"Hello, Kuya. Saan po dito ang DB10?"

"Sa second floor po, Ma'am. Doon sa pinakasulok," sagot niya.

Nagpasalamat ako at tumungo na paakyat ng second floor. Nang makaabot ako sa itaas ay bumungad sa akin ang grupo ng mga lalaki na nakatambay malapit sa hagdan kaya sa gilid na ako dumaan. Pero tila may kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa kanila.

It was a quick glance, but I instantly saw that Gian is one of them. I even take a second glance to make sure... and it's really him.

Seryoso siyang nakikinig sa kasama niyang nagsasalita. Hindi niya ako napansin kaya tumalikod na ako at pumasok na sa room na hinahanap ko, na nasa sulok lang pala ng second floor.

Mabuti na lang at hindi muna nag-discuss ang instructor namin dahil sa buong oras ng klase ay tila nakalutang ang isipan ko.

Hindi mawala sa utak ko ang itsura ni Gian. Totoo ngang nandito siya. He looked mature, his body is somewhat bulky, and he's taller now. Mas lalo siyang gumwapo, gosh.

Nang uwian ko na, inikot ko ang tingin ko sa bawat sulok ng hallway habang umaasa na makikita siya ulit. Ngunit mukhang wala na siya kaya naglakad na ako pauwi ng boarding house.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad pauwi hanggang sa nakaabot na ako ng boarding house.

Plano ko sanang magwala sa kwarto namin pero naabutan ko si Julie na nakahiga sa kama niya. Nagsi-cellphone siya ngunit binaba niya ito at tumingin sa akin.

"Hindi nagklase ang prof namin," walang ganang sabi niya, pero biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya nang makita niya ako. Napabangon siya at lumapit sa akin.

"May lagnat ka ba?" tanong niya.

"Ha? Wala naman."

"Namumula ka," sabi niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. Mas lalo itong nag-init dahil sa hiya.

Did I just walk around the campus while blushing?

"Nakita ko si Gian," pag-amin ko.

Nanlaki ang mata niya. "So, totoo nga? Nandito siya? Saan mo nakita?"

"Sa CSSH," sagot ko.

"Talaga? Oh my ghad, nakita ka ba niya?"

Umiling ako. "Hindi eh, may mga kasama siya."

Makahulugan niya akong tiningnan.

"Ano na ang hitsura niya? Nag-glow up ba?"

"Mas gumwapo," I shrieked.

Sabay kaming tumili habang masayang tumatalon. Nakatanggap pa ako ng iilang hampas mula sa kan'ya.

"Kailan ka pa naging maharot, teh? Parang dati lang todo deny ka pa na hindi mo crush."

Hindi maalis ang ngiti ko. "Hindi ko alam pero sobrang saya ko na nakita ko ulit siya. Baka dahil matagal na akong walang crush?"

"Masyado mo kasing na-miss. Kung ako iyan, jojowain ko na," biro niya kaya mahina ko siyang hinampas.

"Hindi ba pwedeng happy crush lang?"

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon