CHAPTER THREE
Motherfucker
✩·.¸¸.·⍣✩·.¸¸.·⍣✩
"Hanz, gustong hingiin ni Yanna ang number mo. Hindi ko naman ibinigay agad kasi sabi ko magpapaalam muna ako sa'yo. Gusto mo bang ibigay ko?" Pabulong na tanong ni Axiel habang tutok na tutok ang mga mata ko sa unahan, kung saan abala sa paglelecture ang prof namin para sa subject na iyon. Seatmate ko si Axiel at naging kaibigan dahil parehong architecture ang kinukuhang kurso.
"Sayang 'yon, ang ganda pa naman tapos soft girl pa. Nursing tapos ang sexy pa. Jackpot ka ro'n," dagdag pa ni Axiel ng hindi siya nakatanggap ng sagot mula sa'kin.
"I'm not interested," wika ko habang nakatutok pa rin ang aking paningin sa prof na nasa unahan.
Babae? Nah. Sakit lang sa ulo 'yan.
"Sayang naman, bagay pa naman sana kayo." Sumandal siya sa kaniyang kinauupoan at tumingin sa unahan ngunit muli rin ibinalik ang paningin sa'kin. "Sa tagal na nating magkakilala, hindi pa kita nakitang may babaeng nagustuhan. Kung ako lang ang binigyan ng ganiyang looks, sigurado lima-lima ang girlfriend ko."
Kaya pala sa akin ibinigay ng langit ang ganitong looks at hindi sa kaniya.
Dahil sa sinabi niya, bigla akong napaisip. Oo nga naman, sa sobrang tutok ko sa pag-aaral, ni ang magka-crush sa babae ay wala na akong panahon. I haven't thought about getting into a relationship or even getting to know a girl.
Dinala ko ang hawak na ballpen sa bibig ko at pinaglaruan iyon gamit ang labi ko habang nakatitig kay Prof. Velasquez, nag-iisip. Bigla kong naalala ang palaging sinasabi ni Summer, kaya raw palaging mainit ang ulo ko ay dahil walang nanglalambing sa'kin. Madalas rin niya akong kinukulit na mag-girlfriend na para may maipakilala naman daw ako sa kaniya.
"What's her name again?" Tanong ko, nasa bibig ko pa rin ang ballpen.
"Yanna. Ashianna Florence." Kita ko sa peripheral vision ko ang paninitig ni Axiel sa'kin. "Ano, puntahan ba natin mamaya?"
There's probably nothing wrong with trying. Besides, I do want to meet someone. So that my attention isn't always focused on books, at para na rin hindi ako nasasabihang weirdo ng kapatid ko. Isa pa, kikilalanin pa lang naman. Kapag nag-click e 'di manliligaw.
I nod my head. "Sige."
Matunog siyang ngumisi kasabay ng bahagyang pagtapik niya sa braso ko. "Hindi ka magsisisi sa isang 'to, I swear."
He took out his phone and typed for a few seconds, then showed it to me.
"Ito siya," Axiel pointed to the girl on his phone screen. It was her Facebook profile picture. "She's pretty, right?"
My brows furrowed while staring at the woman in the picture. Hindi nga siya nagbibiro, totoong maganda ang babae. Kuha ang larawan sa loob ng library. Nakalugay ang mahabang kulay kape nitong buhok, nakapangalumbaba sa mesa at nakangiti, halos mawala na ang singkit na mga mata. I don't know if she has some foreign blood, because she looks like a Korean.
I licked my lower lip. "Yeah, maganda."
Hindi sinasadyang napatingin ako sa kinauupoan ni Jaevier, kung saan nahuli ko itong nakatingin sa akin, bahagya pang magkasalubong ang kilay. Medyo malayo ang puwesto nito, sa tabi siya ng bintana samantalang nasa gitna ang upuan ko. Hindi man lang siya nag-iwas ng tingin. I raised my eyebrows at him bago muling tumingin sa unahan. Gago.
Ganoon na nga ang nangyari. After the last class in the afternoon, Axiel and I went to the nursing department to see the Ashianna he was talking about.
Sinenyasan ako ni Axiel na huwag muna akong magpapakita. Siya ang unang dumungaw sa pintuan ng classroom, habang nanatili akong nakatayo sa kaniyang likuran.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...