Chapter 5

22 0 0
                                    

NAGISING si Emerald nang makarinig siya ng mga kaluskos. Gumalaw siya pero agad din siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot ng tiyan niya.

Pinigilan niyang huminga bago dahan-dahan siyang bumangon.

Napatingin naman kaagad siya sa isang paa niyang naka-cast. Sinubukan niyang galawin iyon at napangiti siya nang maigalaw na niya. Unlike kanina na hindi talaga niya maramdaman ang paa niya.

"You're awake."

Awtomatikong napaatras siya sa sobrang pagkagulat. Pero kaagad din siyang napangiwi nang sumigid ang kirot sa tiyan niya.

"Don't move." Mababa ang boses na sabi nito. 

Nanlalaki naman ang mga matang nakatingin lang siya sa lalaki.

Ito iyong lalaking nakita niya kanina na walang damit, iyong nagalit din kay ate Heejhea dahil hinampas-hampas siya. Kapatid ito ni Scarlett at ito raw ang nagligtas sa kaniya roon sa lalaking nagtangkang pagsamantalahan siya.

"Anong g-ginagawa mo rito sa kuwarto?" Nahihintakutang tanong niya sa lalaki. 

Pasimple niyang binalot ang sarili ng comforter.

Naging alerto rin ang kaniyang mga mata para kung lumapit man ito sa kaniya ay kaagad siyang makailag. Pero nanatiling nakatayo lang ito sa kung saan ito kanina nang magising siya.

"This is my room." Kibit-balikat nitong tugon sa kanya.

"Your room?" Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. 

Everything in it indicated that the occupant was a male... very male.

Muli niyang tiningnan ang lalaki. "Nasaan sina Scarlett at Yelena? P-Pati si ate Heejhea?"

Sa halip na sumagot ay tinalikuran siya nito at nagtungo sa closet at kumuha ng T-shirt. Napatanga siya rito nang hubarin nito ang T-shirt nito.

Gusto niyang tumalikod o di kaya'y pumikit pero hindi niya maalis ang mga mata sa katawan nitong tila inukit ng isang napakagaling na iskultor. Biceps, triceps and that absolutely six-pack abs were on display!

Oh, God! Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng hubad na lalaki sa personal. He slowly turned away to her. At kaagad niyang nahigit ang kaniyang hininga. No one had the right to be that handsome.

Parang gusto niyang magprotesta nang maisuot nito ang isang black V-neck t-shirt na lalong nagpatingkad sa kakisigan nito. Pagkatapos ay nakapamaywang na hinarap siya nito ulit.

"Nasa kabilang isla sila para sa paghahanda sa party ng kambal bukas."

Oo nga pala. Nakalimutan niyang kaya pala siya napunta rito dahil sa birthday party sa pamangkin ni Yelena.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Pinag-aalala niya ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kagagahang ginawa niya.

"Kailangan ko ng bumalik doon," aniya. Pero bago pa man siya makakilos ay maagap na siya nitong nahawakan sa kanyang braso.

Ang bilis ng pagkilos nito.

"Bitawan m-mo a-ako." Piksi kaagad niya at nanlalaki ang mga matang umurong na naman siya.

Kaagad naman siya nitong binitiwan. Kumunot lang ang noo nitong tiningnan siya.

"What?!" She was irritated was that she was ogling him just a few minutes ago. Nang hindi ito sumagot ay sinubukan niya ulit na bumaba ng kama.

"Keep doing that and I will tie you in that bed." Madilim na ang anyo na banta nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot.

"I want to go home, o-okay?" Pumiyok pa ang boses na sabi niya. Gusto niyang maiyak sa kalagayan niya ngayon. Kasalanan din naman niya kung bakit. Walang ibang sisisihin sa kalagayan niya ngayon kundi siya lang at nandamay pa siya nang ibang tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Self-Centered Billionaire (Will and Testament 5)(SOON)Where stories live. Discover now