Chapter Seventeen

46.4K 1.1K 24
                                    

Kinabukasan ay lumipat sina Francine at ang kanyang asawa sa bago nilang tirahan. Namangha si Francine sa ganda ng bahay. Moderno ang pagkakatayo rito at kahit sa loob ng bahay ay modern rin ang pagkakaayos. Minimalist kung titignan, ngunit maganda pa rin ito. Malawak ang sala pati na rin ang kusina. May isang maliit na library na puwede ring gawing opisina ang nakapuwesto bago makarating sa dining hall. Ang hardin na ata ang pinakapaborito ni Francine—napapalibutan ito ng mga naggagandahang bulaklak at halaman na nagbibigay saya at kulay sa paligid. May swimming pool rin malapit sa hardin, ang tubig nito ay inaakit si Francine na lumangoy roon. Ayon sa isang kasambahay na nakausap niya, ito raw ang dating tahanan ng pamilya ni James noong nabubuhay pa ang ina nito. Nang mamatay raw ang ina ni James, lumipat silang buong mag-anak ng ibang tirahan. Hindi rin naman daw maibenta ito ng ama ni James dahil may mga magagandang alaala rin naman daw ang bahay, kaya inilipat na lamang ng ama nito ang titulo ng bahay sa pangalan ni James. Bagong renovate rin daw ito kaya maayos at modern na ang disenyo.

Pumasok na lamang sa loob ng bahay si Francine at tinungo ang magiging silid niya, o silid nilang dalawa. Ang totoo, hindi niya alam kung sa iisang kuwarto ba sila matutulog o hiwalay sila ng tulugan. Sana hiwalay—ayaw niyang may makatabing maligno mamayang gabi.

Sinimulan na ni Francine ang pag-aayos ng kanyang mga damit sa loob ng kuwarto nang pumasok si James na may bitbit na maleta.

"Aalis ka? Please say yes," sarkastikong sabi ni Francine habang nagtitiklop ng mga damit.

"In your dreams, sweetheart," ang tugon naman ni James. Inilapag niya ang maleta sa higaan at binuksan ito. "Huwag mong okupahin lahat ng espasyo sa cabinet—mag-iwan ka para sa mga damit ko."

"Sandali lang, huwag mong sabihin sa akin na dito ka matutulog?"

"Saan pa ba ako matutulog kundi sa master's bedroom? Pasalamat ka nga at dito rin kita patutulugin."

So, sa iisang kuwarto pala sila matutulog? Over her dead body! "Puwes lilipat na lamang ako ng ibang kuwarto." Akmang lalabas sana siya nang hinila siya ni James pabalik ng silid.

"No can do, Francine. You will sleep here. Baka pagtsismisan pa tayo ng mga katulong at makarating pa ang balita sa tatay ko na hiwalay ang kuwarto natin." Bigla naman itong ngumisi sa kanya. "Don't worry. Hindi kita gagalawin. Hahayaan lamang kitang paglawayan ang katawan ko."

"Aba't—!"

"You can look, but you can never touch."

"Ha! Asa ka pa!" Padabog siyang umupo sa kama at nagtupi na lamang ng mga damit nang muling nagsalita si James.

"Fix my clothes—I need to go back to the office."

Tinapunan niya ng matalim na titig si James. "Ano mo ba ako rito, asawa o katulong?"

Umangat naman ang isang dulo ng labi nito. " A little bit of both, sweetheart bitch."

Bago pa man naitapon ni Francine ang unan sa likod ni James ay tuluyan nang nakalabas ang lalaki. Ang kumag na iyon! Ano ba ang pinirmahan niya, marriage contract o slave contract? Nakakainis na talaga!

Kung sa iisang kuwarto lang sila matutulog, ibig sabihin sa sahig na naman siya matutulog nito. Tiningnan niya ang kabuoan ng silid—mabuti na lamang at may mahabang sofa sa may gilid ng kuwarto. Kahit papaano ay may malambot siyang hihigaan.

Wala na siyang nagawa kundi ayusin na lamang ang mga damit ng kanyang magaling na asawa. Mabuti na lamang at nakapagtimpi si Francine at hindi ginupitan ang mga polo nito.

Dinalaw naman siya ng kanyang mga kaibigan pagdating ng hapon. Laking tuwa naman ni Francine na kahit papaano ay makakalimutan niya ang kanyang masalimuot na istorya dahil nariyan ang kanyang mga kaibigan upang pasayahin siya.

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon