Siguradong-sigurado na ngayon si Francine-bipolar at may sayad sa utak ang napangasawa niya. Napatunayan iyan ni Francine kinaumagahan. Linggo ng umaga, at nagising si Francine na nakahiga pa rin sa isang bahagi ng kama. Laking pasasasalamat niya na hindi siya nagising na nakapulupot ang mga braso't binti sa lalaking katabi niyang natulog buong magdamag.
Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang dresser upang kumuha ng pamalit niyang damit. Narinig naman niya ang paghikab ni James at saglit siyang napasulyap sa asawa. Gising na pala ito at nag-stretching pa ito ng mga braso't mukhang napakasarap ng naging tulog nito.
"Good morning," masayang bati nito sa kanya.
Kahapon ay halos lamunin na siya nito ng buhay dahil lamang sa tubig sa sahig, ngayon naman ay may pabati-bati pa ito sa kanya? At nakangiti pa ang putek! "Walang good sa morning ko."
Ngumiti lamang ito sa kanya at itinanggal ang kumot na tumatabing sa katawan nito. "Oh look-someone wants to say good morning to you, too."
Naka-boxer shorts lamang si James, at kitang-kita ni Francine ang umbok nito sa may bandang ibaba. Nakahiga pa rin si James at inilagay pa ang mga kamay sa likod ng ulo nito na para bang isang pagkain ang katawan nito na nais nitong ibalandra sa mesa.
"Puwede ba, takpan mo nga 'yang sarili mo at nakakasuka kang tingnan!" sita niya sa lalaki.
Ngumisi lamang ito sa kanya. "Hindi mo ba babatiin ang alaga natin? Bakit hindi ka makipagkamay rito?"
Idinampot niya ang isang pares ng gunting na nakapatong sa katabing tokador at ibinuka ito. "Good morning daw sabi ng gunting. Gusto niya ring makipagkamay sa anaconda mo. Puwede ba raw?"
Humalakhak si James at itinakpang muli ang kanyang katawan. "Sorry. Exclusive lang ito para sa kamay mo-o kamay ko."
"Eh, 'di magsarili ka!" Padabog naman siyang pumasok ng banyo upang magpalit ng kasuotan. Naaalibadbaran na talaga siya sa pabago-bagong ugali ni James. Sana maging consistent naman ito ng ugali. Kung ugaling halimaw ito, sana'y ityloy-tuloy na nito! Para naman hindi siya malito ng ganito't hindi niya alam kung maiinis sa lalaki o kikiligin sa mga banat nito.
Lalabas na sana siya ng banyo nang narinig niyang nagsalita si James.
"Francine, huwag ka munang lumabas ng banyo hanggang hindi ko pa sinasabi."
"At bakit, aber? Nagugutom na ako't gusto ko nang kumain!"
"Eh, kung gusto mo ba makakita ng isang lalaking nakahubad, sige lumabas ka."
Hindi alam ni Francine kung nagbibiro lang ang lalaki o kung seryoso ito. Ngunit minabuti na lamang niyang manatili muna sa loob. Mahirap na't baka hindi siya makatulog dahil sa maaaring makita niya sakaling lumabas siya ng banyo.
Ibinaba ni Francine ang toilet seat at naupo roon. Ilang minuto na rin siyang nakaupo at halos nabilang na niya ang lahat ng tiles sa sahig. "Matagal ka pa ba?" sigaw niya.
"Malapit na," sagot nito na parang namimilipit sa sakit. Maya maya ay narinig niyang umungol ito. Ano bang-
Napalundag siya nang bumukas ang pinto at pumasok si James sa loob, isang malawak na ngiti ang nakaukit sa mukha nito. Pasipol-sipol pa ito at itinapon sa sahig ang isang maliit na tuwalya, matapos ay pumunta sa lababo at naghugas ng kamay.
Wala talagang kuwenta ang lalaking ito. May hamper naman, sa sahig pa talaga itinapon ang tuwalya. Tumayo na lamang si Francine. Pinulot niya ang tuwalya, ngunit binitiwan ito nang may naramdaman siyang hindi kaayaaya sa kanyang mga daliri. "Eeew! Kadiri ka talaga!" Napatalon at napatili naman siya habang pinupunas-punas ang daliri niya sa braso ni James.
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...