Page 25

22K 564 9
                                        

Chapter 25

"It's tonight." pagod na sabi ko sa ere habang inaayusan ni Judith para sa pagpunta ko sa palasyo dahil sa biglaang pagtawag sa akin ng Hari.

In this country Florent, there's a King and Queen. Mataas ang posisyon nila pero mayroon pang mas mataas, iyon ay ang Emperor at Empress.

But what does the King need from me? I'm sure I'm just an insect.

At isa pa, paano naman ako nakilala ng hari?

Sandali! Baka ipapakasal niya ako sa anak niya?! Ehe—I mean hindi pwede!

Kakatakas ko pa nga lang sa tali ni Gulliver eh, ayaw kong magpatali ulit! Para akong pinutulan ng pakpak!

"Judith, may kakilala ba si Erin sa palasyo?" ini-abot ko sa babae ang perlas na ipit.

She paused a bit. "Sa pagkakaalam ko ay wala." I groaned.

Dalawa lang ito eh, may kailangan talaga ang hari sa akin o mapapaaga ang pagpatay sa akin ng Empress.

Kung ang ikalawa ang mangyayari, bilib din ako kay Gulliver eh. Kakadivorce niya lang at nabingwit niya kaagad ang Empress? Gaano ba katinik ang alindog ng lalaking iyon.

Oo, gwapo siya at kung tititigan ay nasa kaniya na nga ang lahat pero kung tititigan lang. Huwag niyo ng kilalanin.

Hindi mapigilang dumilim ng mukha ko. After the information I got from Frederik, this thing came up agad.

My brain won't last. Kahit batak ang utak ko sa law ay jusko! Nagf-full storage din ito!

Hari hari, kung pwede ko lang tanggihan iyan kanina ko pa ginawa.

"Your hair is done, magpalit ka na ng iyong damit." tumayo na ako't hinarap ang napiling gown na susuotin.

Syempre hari ang imemeet natin kaya dapat hindi ako magmukhang kalye, dapat mukhang aircon ako.

The dress is elegant, saktong-sakto sa gusto ko. It's not extravagant as a ball gown pero halatang mamahalin dahil sa tela.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinuot na ang dress sa tulong ni Judith. Tumagal din ng ilang oras ang pag-aayos ko bago kami makababa mula sa aking kwarto.

I suggested Judith that we will use  teleportation stone but she went against me immediately dahil kabastusan daw ito sa Hari, we should use carriage.

Hindi ko mapigilang mapangiwi.

What's the purpose of magic then? Pinapahirapan niyo lang ang mga sarili niyo.

When we went outside my mansion, five carriage is waiting for me.

Napangiti ako, what I saw reminds me that I am rich now. I can now protect myself from other people.

Inalalayan ako ni Judith na pumasok sa pinakagitnang karwahe dahil ang dalawang nasa una at hulihan ay karwahe para sa mga knights ko.

"Nakita mo na ba ang mukha ng hari?" di ko na mapigilan ang pananahimik ko kanina pa habang umaandar ang karwahe.

"Hindi pa dahil bago ang hari." tumaas ang kilay ko.

Bago?

Bakit walang koronasyon na nangyari? At bakit naman alam ni Judith 'yon?

Mga magagawa nga ng chismosa.

"Matanda na noh?" I sounded so sure.

"Hindi ko alam, 'di naman ako nakatira sa palasyo."

Inirapan ko na lang ang pamimilosopo sa akin ni Judith. Nahawaan ko na siguro kaya wala na akong nasabi.

"Saan ka pumunta kanina?"

Rebirth of the Southern Duke's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon