Chapter 26
"Para ka namang nakakita ng multo."
Aba?! Sino'ng hindi magugulat!
Ang hari! Si Frederik na binastos bastos ko lang! Lintek!
Kung alam ko lang na hari siya edi sana hindi ako naging gaga sa harapan niya kanina!
Sana ay pinagsilbihan ko siya nang bongga! Hindi iyong mga joke kong pang kalye ang sinerve ko sa kaniya!
Bakit hindi alam ni Dylan na hari itong lalaki!
"I'm sure you have lots of question inside your mind. Come, join me." sabi nito sa akin at halos matumba ako dahil sa panghihina ng tuhod.
Nakaupo na siya't heto pa rin ako hindi makaalis sa kinatatayuan dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin.
Ano ba! Yuyuko ako o hihingi ng tawad?
Nakalimutan ko na ang pinagsasabi sa akin ng matandang butler!
Kaagad akong natauhan dahil sa narinig kong tawa mula sa lalaki. "I knew it, this caught you off guard."
Malamang gaga! Hindi mo nabanggit ito!
"Come here, sit." hindi ko alam pero ano niya ako aso?!
Isang sit, uupo ako kaagad?
"Sit now."
I immediately rushed towards the chair.
I gulped. "I'm sit— este nakaupo na nga!"
Nanlaki ang mata ko. Kaagad akong yumuko at pumikit nang mariin habang mimumura ang sarili. "P-Pasensiya sa pagtaas ng boses mahal na hari."
Itinago ko ang inis dahil humalakhak na naman siya. He's obviously making fun of my shockness here.
"Come on, you can act like normal with me. Tayo lang ang nandito. Hindi kita hahatulan ng kamatayan."
As soon as I heard that I immediately raise my head harshly as I gawk at him. "You! Bakit hindi mo sinabing hari ka!" umpisang pagpapalabas ko ng aking gulat.
He shrug. "Hindi mo naman natanong."
"Malamang! Malay ko bang hari ka!" parang bata akong naiinis sa kaniya.
"So? How's my palace." nakangising tanong niya sa akin kaya mas lalo akong nainis na parang kaunting kalabit na lang at sasabog na ang ulo ko.
This man really know how to annoy the hell out of me!
And is he bragging?
"Pangit! Ang pangit! Ano bang mayroon sa mga tauhan mo't alis nang alis!" pagbibiro ko pero halata sa mukha niyang sineryuso niya ang sinabi ko.
I shrug, bahala siya diyan.
"Kailan ka naging hari?" Puno ng pagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Few months ago." huh?! Antagal na rin!
"Bakit hindi namin alam? Walang public coronation eme?"
Umiling siya sa akin. "There's none, unless my sister get married my reign will be announce." tumaas ang kilay ko.
Grabe naman kaspecial ang kapatid niya at kailangan talaga siyang makasal bago pa ma-anonsyo ang pagiging hari ni Frederik!
"Bakit? Sino ba iyang kapatid mo."
"The current empress."
Laglag ang panga ko habang tinitigan siya.
Kapatid niya?! Kapatid niya ang papatay sa akin? What the fuck! What in the world is this?!

BINABASA MO ANG
Rebirth of the Southern Duke's Wife
FantasyA woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Ended: June 24, 2024