CHAPTER FOUR
Admirer
✩·.¸¸.·⍣✩·.¸¸.·⍣✩
"Kailan ba ulit pupunta rito ang manliligaw mo, nak?"
Nahinto sa ere ang kutsara na isusubo ko sana dahil sa tanong na iyon ni mommy. Marahan akong nag-angat ng mukha para tingnan si Summer.
We were eating our dinner together. Nasa tabi ko si mommy, si Summer naman ay mag-isa sa kabila, habang si daddy naman ay nakaupo sa kabisera ng mesa at tahimik na kumakain.
Natigilan rin si Summer, hindi yata inaasahan ang tanong ni mommy. Tumingin siya sandali kay mommy bago sumulyap sa'kin at kinagat ang pangibabang labi.
"Busy siya, mom. But don't worry po, sasabihan ko siyang dumalaw ulit dito," aniya saka muling sumulyap sa'kin.
Ano? Balak niyang papuntahin ulit ang gagong 'yon dito? Akala ko ba nagkakaintindihan na kami nito ni Summer?
"Hindi ko siya gusto para kay Summer, mom," diretso ngunit marahang sambit ko.
"Why naman, anak?" She raised her eyebrows at me.
"Sasaktan lang no'n si Summer, alam ko."
"Paano mo naman nasabi? Mukha namang mabait na bata 'yon si Jaevier," wika ni mommy. "Right, honey?" Baling niya kay daddy na tahimik lang na nakikinig sa pinaguusapan namin.
"I agree," sagot ni dad sa mababa ngunit malalim na boses. "Imbitahan mo ulit ang batang iyon rito, Summer. Tamang-tama, sa linggo wala akong trabaho, papuntahin mo siya rito, maglalaro kami ng golf."
Pinigil ko ang mapangiwi. Tang ina. So ako lang pala talaga ang against sa Jaevier na 'yon sa pamilyang ito? Ano ba ang nakita nila sa gago na 'yon at botong boto sila roon? Anong ginawa niya sa parents ko, nilason ba niya ang utak ng mga ito?
Kung sabagay, hindi ko naman masisisi ang parents ko kung nagustohan nga nila ang ugali ng lalakeng 'yon. Wala naman kasi silang idea kung gaano katarantado ang hayop na 'yon. But for sure, aayawan din nila ang Jaevier na 'yon once na sabihin ko kung gaano iyon kaplayboy, baka nga sila pa mismo ang magpakaladkad sa kaniya palayo kay Summer. Kaya lang ay hindi naman ako ganoong klase ng tao. Hindi ko ugaling manira ng ibang tao, kahit pa sabihing totoo naman iyon.
"Sige po dad, sasabihin ko po sa kaniya," si Summer na ngayon ay ngiting-ngiti na, mukhang nakahanap pa yata ng kakampi.
Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin ngunit nginitian lang niya ako ng malapad at pasimple akong binelatan. Aba! Bunutin ko ang dila ng babaeng ito, eh!
At anong golf? Marunong bang maglaro ng golf ang bobong 'yon? Ang tingin ko sa kaniya puro babae lang ang laman ng utak, paano 'yon matututo maglaro ng golf? Pambihira.
"Wag mo na 'yon papuntahin dito," sabi ko kay Summer bago ko binalingan si dad. "Puwede namang ako ang yayain mo maglaro dad, bakit kailangang 'yon pa? Hindi naman yata marunong maglaro ng golf ang..." putanginang 'yon. "...lalakeng 'yon."
Dad smiled at me. "Si Jaevier naman muna para makita ko rin kung gaano siya kagaling mag-golf. Sabi niya noong nakaraan marunong siya, eh."
Napanguso ako. Tinanggihan ba naman ang sarili niyang anak para lang sa tarantadong 'yon? Mas gusto pa niyang kalaro 'yon kaysa sa'kin? Fine! Whatever!
Sinamaan ko ng tingin si Summer ng mahuli ko itong nagpipigil ng tawa.
"Naiintindihan ko na protective ka lang sa kapatid mo, 'nak. Pero hindi na bata si Summer, alam na niya kung ano ang tama at mali," si mommy sa usual na malambing niyang boses. "Hayaan mo na siyang makipagdate. Hindi na siya tatlong taong gulang na dapat mo pang bantayan."
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...