/70/ Jing Rosca

250K 8.4K 2.9K
                                    

I opened my eyes and started to feel sore, ang sakit ng ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I opened my eyes and started to feel sore, ang sakit ng ulo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. The next thing I knew is nakahilig pala ako sa balikat niya, umayos ako ng upo para matingnan ang nahihimbing niyang mukha—tila nagbabalat kayong anghel na anyo ni Cloud, kailan pa siya tumabi sa'kin? Kanina pa siguro natapos yung shift niya sa pagmamaneho dahil himbing na himbing siya sa pagtulog.

Nakita ko nga sa unahan na si Dean naman yung nagmamaneho, at katulad ko kakagising lang ni Jing. Si Eliza na nakatingin sa kawalan, I don't know if she slept too, sa kanan niya nakasandal si Vicente na humihilik pa habang natutulog at sa kaliwa niya naman nakasandal si Palm.

I found ourselves back on track again, still running away and nowhere to go. Alam ko papunta kami ng Sentral city ngayon para tapusin ang lahat, pero pagkatapos? Ano nga ba ang kasunod? Saan ba talaga kami pupunta?

"Hoy." Jing called, tumingin ako sa kanya, nakahalukipkip habang nakasandal sa upuan, "Siguro naman handa kang depensahan ang katotohanan na hindi ka naman namin kinidnap—kung sakaling dumating tayo sa punto na 'yon." Noong una hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin, then I just remembered the news a while ago. Hinahabol na kami hindi lang ng Memoire pati ng mga otoridad ng Sentral city, at kabilang sa agents si Uncle Julius ang kapatid ng foster mom ko.

"What kind of question is that, Jing." Sagot ko sa kanya with disbelief.

"Alam ko, ang istupida ng tanong ko diba?" pag-aadmit naman niya sa sinabi ko, inuntug-untog niya pa yung ulo niyang nakasandal sa upuan habang nakatingala sa kisame ng minibus, pagkatapos hindi na siya umimik pa.

"Nasaan na tayo, Dean?" tanong ko.

"Kakalagpas lang natin ng pinakadulo ng istasyon ng Daambakal, yung Sta.Maria." Oh, ibig sabihin lagpas limang oras na kaming bumabyahe, at malapit-lapit na kami ng kaunti sa Sentral, kasunod na istasyon ang Sta.Helena.

I stood up carefully para hindi maabala sa pagtulog si Cloud, lumipat ako sa upuan di kalayuan kay Jing, tumabi ako sa bintana at sumilip sa labas. Outside the window I could see the flickering and sparkling lantern lights hanging in trees and houses and then I almost forgot—it's two days before Christmas.

Naalala ko tuloy bigla yung Christmas party ng klase namin noon sa roof top ng White Knights Academy, I never thought that would be the last time. Meanwhile, in Sentral City, I've been missing for eight days since the Night Out, at walang kaalam-alam ang mga kaibigan ko roon kung ano ba talagang nangyayari sa'kin including Baldo and Stephen. At si dad... mas lalong wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa 'anak' niya ngayon. Imagining that they'll celebrate Christmas without me hurts, for the second time na wala ako sa bahay sa darating na okasyon.

"Guys." Hindi rin ako naging handa sa sarili ko nang tawagin ko sila, but it's too late, nagising na sila Vince, si Palm at si Cloud, sila Eliza at Jing na nakatingin sa'kin.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon