CHAPTER 07

5.7K 233 70
                                    

CHAPTER SEVEN

Jealous

Agad na nagsalubong ang kilay ko ng isang umaga ay muli na naman akong nakatanggap ng text message mula sa unregistered number na iyon. Tuwing umaga ay hindi niya nakakalimutang batiin ako ng good morning, walang palya iyon.

From: 0903*******

Good morning, baby! Ingat sa buong maghapon, papakasalan pa kita. : )

Gusto kong bumilib sa consistency niya. Lagi parin siyang nagmemessage kahit hindi nakakatanggap ng reply mula sa akin.

Pinatay ko ang cellphone ko at isinuksok iyon sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko sa ibabaw ng study table ang aking bag at susi ng kotse saka lumabas ng room ko. Hindi na ako nag-abalang magreply, mapapagod rin 'yan kalaunan kapag hindi ko kinausap.

Wala na ang parents ko ng lumabas ako. Maaga silang pumapasok sa trabaho. Mas nauuna pa nga silang umaalis kaysa sa amin ni Summer.

"Baliw! Susulyap ka lang, eh!" Boses ni Summer ng lumabas ako ng bahay. Natanaw ko itong nakatayo sa labas ng gate, kausap niya si Jaevier na siyang sundo niya. Simula noong hinayaan kong manligaw si Jaevier sa kaniya ay minsan na lang siya sumabay sa'kin, madalas kasi ay sinusundo at inihahatid siya nito.

Puwede naman kasing sumabay na lang sa akin si Summer dahil iisang university lang naman ang pinapasukan namin, hindi lang talaga sila mapaghiwalay sa isa't-isa at gusto laging magkasama. Kapag ako napikon sa dalawang ito, ako mismo ang magu-glue sa kanila para tuluyan na silang hindi magkahiwalay.

"Of course, gusto kong simulan ang araw ko na makita 'yong taong gusto ko. Para good mood buong maghapon," dinig ko na natatawang sabi ni Jaevier.

Tang ina! Parang gusto kong masuka sa narinig. Ang corny ng hayop!

"Sinusundo na nga kita araw-araw, oh. I appreciate mo naman ang effort ko," he added, which made my sister laugh.

"Kadiri mo, Mavi," said Summer. "Tara na nga, puro ka kalokohan! Marinig pa tayo ni kuya."

Tumingin sa deriksiyon ko si Jaevier at agad na gumuhit ang ngisi sa mga labi nito ng magtama ang aming mga mata. Itinaas nito ang isang kamay at kumaway sa'kin habang nakaplaster sa mukha niya ang malaking ngiti. Parang tanga.

"Hi, bayaw! Susunduin ko lang si Summer! Don't worry, iingatan ko 'to!" Pasigaw na aniya. Nakita kong hinampas ni Summer ang braso ni Jaevier na sinimangutan lang nito.

I glared at him as I raised my middle finger.

Hindi na ako sumagot at pumasok na sa kotse ko na nasa parking lot. Iniitsa ko sa front seat ang bitbit kong bag saka ko binuhay ang makina at nagdrive palabas ng gate.

"Bye, Hanz! Ingat!" Ngiti sa akin ni Maymay habang isinasara nito ang gate, ang aming maid.

Nauna na akong nagmaneho patungong university. Nakahinto parin kasi sa tapat ng bahay ang kotse ni Jaevier, pero mukhang aalis na rin sila. Nakita ko pang pinagbuksan ni Jaevier ng pinto si Summer ng dumaan ako.

Wala parin akong tiwala sa kaniya. Kilala kong loko-loko si Jaevier, kaya nahihirapan akong paniwalaan na kaya niyang magbago para sa kapatid ko. Well, let's see kung hanggang saan ang kaya niya. Baka puro lang siya salita.

Mukha namang maayos ang trato niya kay Summer. Wala naman akong naririnig kay Summer na hindi maganda tungkol sa lalake. Kulang na nga lang ay sambahin niya si Jaevier sa dami ng magagandang sinasabi niya tungkol dito kapag kausap kami ng parents ko. Halatang in love na in love ang baliw.

Mahal ko ang kapatid ko at ayokong maging hadlang sa kasiyahan niya. Kung si Jaevier ang makakapagpasaya sa kaniya, sino ba naman ako para humadlang? Kahit tagilid sa'kin ang manliligaw niya, wala naman akong magagawa pa. Ayokong makitang malungkot siya lalo na kapag alam kong ako ang dahilan. Ayoko rin namang maging kontrabida sa love life niya.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon