EPISODE 82

596 27 3
                                    

Maggie's P.O.V.

"Uy, ang kuya ko magkakaro'n na ulit ng bagong lovelife!"  panay ang iwas nito sa akin pagkaalis ni Toni kaya sinugod ko ulit ito sa kwarto niya.

"Tigilan mo nga ako Margarita. Kanina ka pa ha! Nakakahiya kayo."

"What? Bakit naman kami nakakahiya?"

"Alam niyo namang magkaibigan lang kami no'n eh, kung ano-ano na ang pinagsasabi niyo."

"Ganern? Talaga lang? Nagladlad ka na't lahat, manhid ka pa rin?  Hindi mo man lang ba naramdaman na may gusto siya sa 'yo?"

"Alam n'yo, para kayong si Guiseppe. Masyado kayong malisyoso at assuming. Di nyo ba nakitang lesbyana 'yon?"

"O, eh ano naman kung lesbyana siya?"

"Puke rin ang gusto no'n 'no?" Natatawa na ito kaya natatawa na rin ako.

"O eh akala ko ba eh may puke ka rin? Nagkaka-monthly period ka pa nga 'di ba?"

Humagikhik ito at binato ako ng unan.  Sumapol ito sa mukha ko kaya ginatihan ko rin naman agad ito.

"Hmp." Inismiran ako nito, "Wala naman syang sinasabi sa 'kin kaya ayokong bigyan ng meaning 'kung ano man 'yang kabutihang loob na ibinibigay nya sa 'kin 'no. Malay ko pa kung nakikisimpatiya lang siya sa nangyari sa 'min ni Guiseppe."

"Gusto mo bang ako ang magtanong?" Nakabungisngis ako rito.

"Hay naku, Margarita, tumigil nga! Nabubuwisit na talaga ako sa 'yo. Bakit ba napakapakialamera mo? Mind your own business nga!"

"Hoy!" Sinundot ko ang butas ng ng ilong nito kaya tinabig ako nito, "Ewww kulangot!" Biro ko. Sinabunutan ako nito nang slight kaya kinurot ko ang isang utong niya. Napasigaw ito sa sakit.

"Sumusobra ka na talagang maldita ka." Muli nito akong sinabunutan.  Hindi naman masakit kaya tinawanan ko rin lang ito. 

Maya-maya pa'y bigla itong sumigaw.

"Ikaw na ang nanabunot, ikaw pa ang may ganang sumigaw dyan." Sabi ko.

"Nabasa ako tanga!" Humahikhik ito. "Eww..."

"Nabasa ka ng ano? Natalsikan ka ba ng holy saliva ko, ha? Kung gusto mo duraan pa kita eh."

"Gaga! Tumatagas ang gatas sa mga suso mo, ewwww!" Sabay tawa nang walang modong bakla. Pinupunasan pa nito ang sarili na parang diring-diri siya sa gatas ko.

Napatingin naman ako agad sa dibdib ko at noon ko lang na-realize na nakalimutan ko palang maglagay ng breast pads. Basang-basa na nga ang dibdib ko kaya hinablot ko ang nakasabit na tuwalya ni Kuya at tinakpan ito.

"Kadiri, ewwww!" Patuloy na pangangantiyaw sa akin ni kuya kaya kinuha ko ang unan niya at pabirong inihapas iyon sa mukha niya.

"Inggit ka lang, dahil wala kang gatas sa suso puro libag lang, ha-ha!"

"Lalong lumaki ng suso mo, Margarita, ano ba 'yan?"

"Inggitera!" Biro ko habang binabagtas ko na ang pintuan. "Natural, nagpapasuso pa ako eh."

"Sure ba na mga pamangkin ko lang sumususo ryan?"

"Siyempre hindi."

Humahalakhak ito habang lumabas ako sa kanyang kwarto.

***

"Babe, miss you na agad." Nananinilos pa ang nguso ni Bernard habang nakahiga sa kama. Nag-video call ito habang nakababad ako sa bath tub.

"Miss you too."

"Anong ginagawa mo?"

Inilayo ko ang cell phone as mukha ko para makita niya na nasa bath tub ako.

"Oh my gulay, ang sexy mo naman babe." Muling nanilos ang nguso nito. "Sayang wala ako riyan. Parang gusto ko tuloy umuwi ngayon."

"Umuwi ka na, may ikukuwento ako sa 'yong nakakakilig."

"Ano 'yun?"

"Si Kuya at si Guiseppe, nag-break na!"

Nagusot ang mukha nito, "Ha? Akala ko ba nakakakilig? Kinikilig si Mike na nag-break sila?"

Natawa ako, "hindeee."

"Eh ano?"

"May bagong character sa lovelife ni Kuya. Hay naku, kung nandito ka lang kanina, kikiligin ka rin."

"Character?"

"Tsk. Ang hirap kasing magkuwento sa Vidoechat! Ang ibig kong sabihin, bagong tao. May bagong manliligaw si kuya. Tsk. Saka ko na nga lang ikukuwento sa 'yo nababawasan kasi an audience impact dito. Ikaw na lang ang kakamustahin ko.  Kumusta ka naman dyan?"

Kapansin-pansin ang biglang paglamlam ng mukha nito, "may kaunting aberya pero okey naman ako so don't you worry."

"Anong aberya?"

"A lot of quality and sanitation issues and concerns are raised against some of the franchisees, which, by the way is the reason why I am here dahil pangatlong warning na nila 'to. Only half eventually complied, the other half don't even take the memos seriously. They left me with no choice but to revoke the agreement. the worst of pack couldn't accept my decision so..he hit me, here—" He zoomed in his lower lip na ma maliit na putok. "Kaya we end up in the police station where I filed a formal complaint."

"Oh no! Are you ok, Babe? Magtatagal ka pa ba d'yan? Three days lang ang sabi mo 'di ba?"

"No, I may actually be back home by tomorrow night kaya baka masundo ko na kayo d'yan ng mga bata straight from my trip. I virtually appointed a five-man quality control and compliance team to go to my planned destination 'cause I hate to personally deal with these crap anymore. They wear me out."

"I'm glad to know na uuwi ka na baby. Miss na kita."

"Ikaw rin naman. Kung alam mo lang." Hinilot nito ang sintido nito, "ang init kanina, ang sakit ng ulo ko."

"O siya, matulog ka na. Para makapagpahinga ka na."

"Ganon?" Ngumuso ito, "Hindi tayo magfo-phone sex tonight?"

"Juice ko naman Bernard." Natawa ako, "Pumipikit-pikit na nga 'yang mata mo sa pagod, gusto mo pang mag-phonesex? Saan ba nanggagaling 'yang energy mo, nakakaloka ka!"

Humalakhak ito, "ang hot mo kasi dyan sa tub, nakakainis ka. Paano ba ako makakatulog nito sa kaiisip sa 'yo?"

"Mag-selfie ka na lang muna."

"Ayoko ng selfie. Gusto ko ikaw."

"Ayoko ng phonesex, naiilang ako."

"Videosex na lang." Nakabungisngis ito.

"Ay lalo na 'yon. Ayoko ko nga. Baka mamaya i-record mo ako tapos ilagay mo sa porn sites and video ko."

"What? Ba't ko naman gagawin 'yun? Sira ka talaga. Para binibiro ka lang eh, 'di mo na lang ako sakyan. Alam mo namang hindi rin naman ako mahilig sa phonesex and videosex dahil live lang ang gusto ko. Nami-miss lang kita kaya parang mababaliw ako rito."

"We can talk until you fall asleep."

"Talaga?"

"Oo naman. Pero kailangan ko na munang umahon dito at magbihis dahil kumukulubot na ang paa't kamay ko. Kanina pa kasi ako nakababad dito. Nagbabad ako dahil ang sakit ng nipples ko. Kinagat ni Enrique. Grabeng makasuso, parang mauubusan lagi."

"May pinagmanahan." Sabay halakhak.

"Buti alam mo. "

[ITUTULOY]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

S. T. Book 2Where stories live. Discover now