CHAPTER NINEFriends
Midterm exams are coming kaya naging mas abala ako sa pag-aaral, binasa ang dapat basahin, inaral ang mga dapat aralin. Tuwing vacant period ay lagi akong nasa library at nag-aaral. Gusto ko kasing imaintain ang pagiging dean lister ko. Bumagsak na lahat, 'wag lang ang grades ko.
"Totoo ba 'yon? Niligawan daw niya 'yong si... Yanna ba 'yon? 'Yong nursing student?"
"Oo raw. Pero mukhang hindi na niya nililigawan ngayon, nagback-out yata si Hanz."
"Bakit daw?"
"Walang nakakaalam kung bakit. Sabi-sabi may attitude daw 'yong girl. Ewan ko lang kung true ba."
"Mabuti naman kung gano'n, hindi naman sila bagay. Saka mukha naman talagang may attitude 'yong girl. Ako na lang ang magtitaken sa papa Hanz ko."
"Hoy, maghanap ka rin ng iyo. Akin 'yan."
"Asa ka! Hindi ka papatulan niyan, gaga."
"As if naman ikaw papatulan? Duh!"
Napabuntong hininga ako habang pinapakinggan ang bulongan ng dalawang babae sa table na malapit sa akin. Wala naman talaga akong balak pakinggan ang pinaguusapan nila, sadyang masyado lang malakas ang mga boses nila, nakalimutan yatang nasa library sila. Hindi siguro nila alam na naririnig ko ang pinaguusapan nila o sinasadya nilang iparinig iyon sa akin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sila sinasaway ng librarian.
Hindi ko alam kung saan nila napulot ang balitang nililigawan ko si Ashianna. At ginawan pa ng kuwento na may attitude raw si Yanna kaya tinigilan ko? What's wrong with these people? Siguro bored na bored na sa buhay ang gumawa ng kuwentong 'yon.
Yanna is really a wonderful person. Sa halos one month naming paguusap ay nakita ko kung gaano siya kabuting tao. Idagdag pa na naintindihan agad niya ako noong tinapos ko ang namamagitan sa aming dalawa. Wala akong narinig na hindi maganda mula sa kaniya, and I can say that she's one of the most understanding people I've ever met, kaya nakakagulat na may ganito palang kumakalat na balita at hindi man lang ako aware roon.
"Hey."
Natigilan ako ng malanghap ang pamilyar na amoy na iyon. Amoy sandalwood... At isa lang ang kilala kong may ganoong amoy.
"Ybañez and his obsession with books," komento nito bago naghila ng upuan sa tabi ko at walang pasabing naupo roon.
Tiningnan ko siya ngunit agad ko ring ibinalik ang aking paningin sa binabasang libro. Anong ginagawa ng kupal na ito rito sa library? He went here to study and read books? Sa bobo niyang iyan, imposibleng maisip pa niya ang mga libro.
Hindi pumasok ang prof namin para sa huling subject ngayong hapon, kaya nagdecide akong tumambay muna rito sa library para magstudy.
"Ayaw magpahatid ng kapatid mo sa'kin, may group study raw sila ng mga friends niya," pagsusumbong ni Jaevier. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagnguso niya.
Nabanggit nga sa akin ni Summer na may group study ito. Gaganapin iyon sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya, kaya hindi siya makakauwi at doon na balak magovernight.
Ipinatong niya ang siko sa mesa at inilagay ang kamao sa kaniyang sentido saka ako tinitigan. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Wala akong panahon para makipagtarantaduhan sa kaniya.
"Bakit ba ang hilig mo magbasa? Hindi ka ba nabobo-"
"Nasa library ka, Laurent," putol ka sa litanya niya.
Kahit nakatutok sa libro ang mga mata ay hindi parin nakatakas sa aking paningin ang pagsimangot niya. Bakit ba ang hilig sumimangot ng isang ito? Hindi ba niya alam na nagmumukha siyang bibe kapag sumisimangot? Malaking bibe.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...