Chapter 17 "Trapped"

96.8K 3.9K 698
                                    

a/n:Newyhorkgracey!Para sayo to!:)

Saisumi's POV 

 10:30 pm na pero nasa pangatlong building pa lang kami.Paanong hindi kami babagal eh sa bawat building na puntahan namin,lagi na lang may kung sinong nanggugulo. 

 Nasa first floor kami ng Education Department. Habang nila-lock ko yung pangatlong pinto,may napansin akong kakaiba.

 "Fog ba yan? "

 Biglang tanong ni Nicka. Tinignan ko yung usok sa paanan namin. Makapal yung usok at kumalat na yun sa first floor. 

 "Teka, may nasusunog ba?! "-Lyra 

 "Dry ice?"-Ken 

 Napalingon kaming lahat kay Ken dahil sa sinabi nya.Hindi.Kung dry ice lang to,hindi to kakalat ng ganito sa buong paligid.

 "Iiiihh... ano na naman ba to?"-Lyra

 "Walang hihiwalay. "-Ako

 Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa kabilang room. Nakakapit sa magkabilang braso ko si Alexa at Lyra habang si Nicka naman, nakakapit kay Lyra. Samantalang sila Liryu, Ken at Mirco ay nasa likod namin. Si Louie? Nagpaalam sya kanina na aalis lang sya saglit. Alam kong palusot lang yun ni Louie at may balak syang gawin pero sa ngayon, hindi ko muna sya pakikielaman. 

 "A-ate Sai...kumakapal y-yata yung usok... "-Lyra 

 Huminto ako at ganun din sila. Halos hindi ko na makita yung daan dahil sa puting usok.

 "Crap."-Ako 

 Nag-panic na sila Lyra nung balutin na talaga ng usok ang buong paligid. May naaninag akong kung anong bagay na papunta sa direksyon ko.Huli na para umiwas kaya tinamaan ako sa kaliwang balikat. 

 "Sh*t!"-Ako 

 Ano ba yun?!Para akong tinamaan ng bala ng baril! 

 Hinawakan ko yung parte ng braso ko na tinamaan. Wala namang sugat at dugo pero may likidong kumapit sa kamay ko. 

 Pintura. 

 "Sai, ayos ka lang?"-Liryu

 Tinapat ko yung flashlight sa braso ko. 

 "Ate,pintura ba yan?"-Alexa 

 "Yeah, paint ball. Nalintikan na. Delikado tayo dito."-Ako

 Agad akong napalingon nung mapansin kong may paparating na naman. But this time, hindi lang isa. 

"Ilag!"-Ako 

 Hinila ni Liryu si Lyra at dinala sakin. Niyakap ko si Lyra tsaka kami hinarangan ni Liryu para protektahan kami mula sa mga paint ball. Si Mirco naman ang promotekta kay Alexa at si Ken kay Nicka.

 Sa harapan lang nanggagaling lahat ng paint ball. Base sa dami at pagkakasabay-sabay ng pagtira, tingin ko tatlong tao ang kalaban namin dito. 

 "Kyaaaahhh!!!"-Lyra 

 "What to do?! "-Ken

 "F*cking bastards! "-Liryu 

 Hinigpitan ni Liryu ang pagkakayakap nya samin ni Lyra. Alam kong ilang beses na syang tinamaan sa likod nya at siguradong masakit yun. Gusto kong sugudin yung mga walanghiyang gumagawa nito pero ni hindi man lang ako makaalis sa kinalalagyan ko. Paano ba nila nalamang nandito kami sa pwesto na to? Sa kapal ng usok, alam kong wala rin silang nakikita. 

 Teka... Yung flashlight!

 Agad-agad kong in-off yung flashlight tsaka ako sumigaw ng...

 "Follow me! Doon tayo!" 

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon