BMDN Chapter 32

116K 2.7K 127
                                    

Gusto nya akong pakasalan. Kung naging iba lang ang sitwasyon baka mag tatalon ako sa tuwa, pero hindi ganon ang nangyari. Nang sabihin nya sakin  iyon pag kagising ko kanina ay halos manigas ako sa kinahihigaan ko.

Gusto ko syang pakasalan pero hindi ba at kalabisan na 'yon?

Lumipas ang mga araw at lagi nyang binabanggit ang kasal, pero panay ang iwas ko sa paksang iyon. Gagawa ako ng paraan para makatakas pag binubuksan nya ang tungkol doon, at isa pa hindi ba sya nabibilisan? Ayokong isipin nya na dahil may nangyari samin ay kailangan na nya akong panagutan, gusto ko 'yong nangyari kaya hindi nya ako kailangang panagutan. At isa pa hindi naman ako buntis para alukin nya ng kasal.





"Mommy, kwentuhan mo po ako"




"Anong kwento ang gusto ng anak ko?" Tanong ko kay Kisza saka humiga sa tabi nya, sinundo namin sya ni Spencer kanina sa bahay nila Ma'am Gracia. Napahinga ako ng malalim ng maalala ko ang nangyari samin ni Spencer, maramdaman kong nag-init ang pisngi ko ng maalala ko kung paano mag react ang katawan ko sa bawat haplos at halik ni Spencer.



"Mommy bakit ka po namumula? May sakit ka po ba?" Tanong ni Kisza na nakadungaw sakin. Tumikhim ako saka umiling sakanya. Umunan sya sa braso ko at yumakap sakin, pumikit ako para damhing mabuti ang yakap ng anak ko.




"Mag kwento kana po" aniya, umayos ako ng higa at humarap sakanya saka hinaplos ang buhok nya. Huminga ako ng malalim, saka nag simulang mag kwento.




"Okay, kwento to ng isang eighteen years old na babae. Ang pangalan nya ay Yna, si Yna ay may dalawang kapatid na lalaki." Nakatitig lang sya sakin habang nag sasalita ako, hinawi nya pa ang buhok ko na tumabing sa mukha ko.



"Mahirap lang sila Yna at, 18 years old lang sya at hindi nakapag aral. Bata pa lang ay nakulat na sya sa responsibilidad nya sa mga kapatid nya dahil.maagang nawala ang mga magulang nya. Marami syang trabaho, minsan nga hindi na sya nakakakain dahil kailangan nya talagang kumita ng pera, hanggang sa napasok sya sa trabahong ni minsan ay hindi nya hinangad pasukan. Naawa kasi sya sa mga kapatid nya dahil hindi ito nakakakain ng tatlong beses sa isang araw atdahil gusto nyang makakain ng masasarap na pag kain ang mga kapatid nya. Kaya Pumasok sya sa isang trabaho na hindi maganda at hindi marangal kapalit ng malaking halaga. Alam mo ba? Tuwang-tuwa sya habang nakikita ang mga kapatid nya na masaya habang kumakain ng jollibee na uwi nya. Isang beses lang syang pumasok sa trabahong iyon dahil hindi nya talaga kaya nag hanap sya ng desenteng trabaho  at umalis sila ng mga kapatid niya para mag bagong buhay. Hanggang isang araw nalaman nya na buntis sya at mag kakababy na sya" Huminga ako ng malalim, hindi ko na rin magawang ngumiti habang binabalikan ang mga pinag daanan ko noon. Pinikit-pikit ko ang mga bata ko para maiwasang maiyak.






"Natakot sya at hindi nya alam ang gagawin nya dahil ang bata nya pa para maging ina, at isa pa paano mya bubuhayin ang anak nya gayong ang kinikita nyang pera ay kulang pa sakanila. Pero alam mo ba na hindi sumagi sa isip nya na ipalaglag ang baby nya? Binuhay nya ito at laging kinakausap habang nasa tummy nya ito. Hanggang sa inilabas nya ang anghel nya, alam mo ba? Ang anak nya ang pinaka magandang bata na nakita nya. Iyak sya ng iyak habang hawak ang maliit na kamay ng anak nya, lagi nyang binubulong dito kung gaano nya ito kamahal." Ngumiti ako kay Kisza ng pahidan nya ang luha ko na hindi ko alam na tumutulo na pala, niyakap ko sya at hinalikan sya sa buhok.







"P-pero ginawa ni Yna ang alam nyang tama para sa baby nya. I-pinamigay nya ito dahil alam nya na ito ang tamang gawin" hindi ko na napigilan ay tuluyan na akong naiyak, naninikip ang dibdib ko pag binabalikan ko ang nangyari, yung araw na una kong nahawakan ai Kisza. Yung sakit sa dibdib ko ng iwanan ko sya sa labas ng gate ng bahay na ito.





Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon