15.

43.1K 1.2K 747
                                        

Baby

I finished my plates but it was already dark. Killian and Kaede were already both asleep.

Kinuha ko ang pinagkainan at kinumotan ko silang dalawa nang maayos. I paused the movie that they were watching, which is already a third movie.

The first one was the Monster Hunt 2, the second one is the Frozen l, the third one is the trolls 3.

Dinala ko ang pinagkainan namin sa sink. Hinugasan ko iyon dahil tapos narin naman ako sa plates.

Pa-akyat na ako sa kwarto nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pagpasok ko sa kwarto ay gising na si Kaede.

"Hey," nilapitan ko ito matapos kong ligpitin ang gamit ko. "Nagugutom ka ba?"

Inalis niya ang kumot sa katawan at inayos ang kumot ni Killian. Humihikab siyang bumangon sa kama at tumingin sa akin.

"Hindi nama—" iiling na sana siya nang biglang tumunog ang tyan nito.

I immediately smiled. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin, napahaplos pa ng earrings niya.

"Mag-oorder ako online..." I paused when I remembered that it was raining heavily outside.

Binalik ko ang cellphone sa bulsa at bumuntong-hininga. Huwag nalang. Baka ma-aksidente pa.

"I'll cook..." but I paused again when I remembered that the food I cook tastes awful. Fuck. I frustratedly licked my lower lip. "But I can only cook the basics though. Do you...want me to cook for you? Or should I ask Chela?"

Mabilis siyang umiling.

"Ako nalang ang magluluto. Marunong ako."

"Okay. Maghilamos ka muna sa bathroom. Then let's go downstairs after." I pointed at the bathroom's door with my own eyes.

Nang tumayo siya ay lumapit ako para buksan ang pinto. I leaned against the wall, beside the door, when he walked inside.

Namulsa ako at hinintay itong matapos. Pagkalabas niya ay maaliwalas na ang mukha nito.

Hininaan ko muna ang air con bago ko siya sinenyasang lumabas.

"Umuulan pala..." aniya pagkababa namin sa living room nang mapasulyap siya sa labas ng balcony.

"Hihinto naman siguro 'yan mamaya."

Dumiretso kami sa kusina kaso may dalawang maids doon na nagchichismisan. Napa-atras si Kaede pagkakita sa kanila, bumangga pa sa akin dahil hindi yata napansin na nakasunod ako. Nang tumama ang hininga ko sa batok nito ay napakislot siya.

I looked at the maids who were already staring at Kaede with brows furrowed, ang isa ay nakataas pa ang kilay.

"Leave," masungit na utos ko sa kanila, ang paningin ay naroon sa tinaasan ng kilay si Kaede.

Nanlaki ang mata nilang dalawa nang makita ang seryoso kong mukha. Nagmadali ang mga itong lumabas. Tss.

"I'll be your assistant for tonight's cooking session. So, what are we going to cook?" I excitedly asked Kaede, like a kid who was given a new toy— but is just eager to learn cooking from him.

"Isa sa recipe na natutunan ko kay Mama. Pakikuha ang manok. Hugasan mo at hiwain sa maliit na piraso."

"Okay." Kinuha ko ang manok sa ref.

Kumuha ako ng malaking bowl at nilagay sa sink, saka ko pinatong ang manok sa ibabaw niyon at pinuno ng tubig para magmelt ang yelo.

"What about the ingredients?"

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon