Realizations
"Fuck, Nick!"
Biglang dumating sila Zero na hinila ako palayo kay Lade. Nakatulala parin ako kaya madali niya akong naawat.
Deco, Sandro, and Xerces were already here too. Narinig ko kaninang pinatawag sila ng mga tao sa paligid namin. Akala siguro magpapatayan kami ni Lade.
"What the fuck is wrong with you two?" Deco asked while separating Frio— who looked worried— from us.
Gumitna din si Xerces sa amin ni Lade na nakangisi parin sa akin. I glared at him, lalapitan ko pa sana kaso hinarang ni Xerces ang braso niya.
"Oh, tangina. Lalapit pa talaga," sinamaan niya ako ng tingin.
I rolled my eyes.
"Ano bang nangyari? Sabi no'ng babaeng tumawag sa akin nagpapatayan na raw kayo. Wala naman akong makitang pasa," kalmadong dagdag ni Xerces.
Nagpapatayan? Pfft. Gusto kong matawa pero nangibabaw ang kunot ng noo ko nang mapansin sila Kaede na nakatayo sa building ng Engineering. Nando'n siya kasama sila Casper at 'yong isang babae, nakatingin sa amin. May kasama silang ibang estudyante na naki-usyo rin.
"Cai.." hinawakan ni Frio ang pisnge ko kaya napunta sa kaniya ang aking atensyon. He sighed. "Calm down, please? Nakakatakot kang magalit.."
Nagdugtong ang kilay ko. But how can I fucking calm down? Fuck. I don't even know what's gotten into me. Umiinit talaga ang ulo ko. Sumabay pa sa init ng paligid.
"Ayan, galit na naman siya.." he pouted. "May nasabi ba kaming mali kanina? Nag-away ba kayo ni Lade? Bakit bigla mo siyang kinwelyuhan?"
Bumuntong-hininga ako.
"I'm sorry. Wala lang talaga ako sa mood, Frio..."
Upon hearing it, his face become even more worried. Sa sulok ng mata ko ay nakatingin sa amin ang iba naming kaibigan.
"Why? May nangyari ba? Ayos ka lang ba?"
Tumango lang ako. Pero hindi ako ayos, Frio. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong hindi ako ayos! Fuck. I don't even know where am I coming from but I'm certain that I'm mad for some reason. Pero para saan?! Gusto kong malaman!
Bakit ako nagagalit? Bakit umiinit ang ulo ko? Nagbaba ako ng tingin sa aking palapulsuhan. Is it because of this scrunchie? That I wore it without knowing its fucking meaning? Pero hindi. Hindi ako galit sa scrunchie!
Mas galit ako sa... Nag-angat ako ulit ng tingin sa gawi nila Kaede. Muling nagkasalubong ang kilay ko nang makitang ngiting-ngiti ito habang hawak ni Casper ang dalawang pisnge niya.
"Cai..." malumanay na tawag sa akin ni Frio kaya muling napunta sa kaniya ang atensyon ko.
Magkasalubong ang kilay, hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa aking pisnge.
"I'm sorry, Frio. Pero okay lang ako. May iniisip lang talaga."
He sighed. "Then... Sasama ka parin sa amin sa cafeteria?"
I nodded. Wala akong balak manatili rito kung saan makikita ko lang 'yong dalawa.
Mas umingay ang cafeteria pagpasok namin. Bulong-bulungan parin ang nangyari kanina sa hallway. They're all curious of what happened between Lade and me.
Nagpahuli naman ako sa paglalakad at kasabay ko si Sandro, kaya pansin ko ang maya't-maya nitong pagsulyap sa wrist ko.
"Familiar," Sandro commented while eyeing my wrist seriously.
BINABASA MO ANG
Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1) Published Under Pop Fiction
General FictionFuck and Forget Series #1 Nick liked girls, and love was just a word he didn't believe in. Kaede liked Nick, yet stayed in the shadows, thinking he would never notice him. But fate had other plans.
