Secured
I woke up with a heavy head. Sobrang sakit ng ulo ko. Kumikirot. Parang binibiyak. Parang pinupukpok ng martilyo.
Napatulala ako sa kisame ng kwarto namin ni Xerces habang inaalala ang mga kagaguhang ginawa ko kagabi.
I remembered what happened in the cottage. Iyong sagutan namin ni Sandro na muntik ng magkasapakan. Umalis ako at pumunta ng bar. Nilasing ko ang sarili. And how did I fucking go home? Paano ako nakabalik sa hostel? Who carried me?
Fuck. Wala akong maalala! Did I do something? Said something I will surely regret? Pero tangina, wala talaga. Kumirot nalang ang ulo ko habang pinipilit ang sariling maka-alala pero wala talaga! Tanginang black label. Ang pangit na nga ng lasa, nakaka-amnesia pa.
Habang nakatulala ako sa kisame ay biglang bumukas ang pinto. Tumingin ako doon at nakita si Kaede. May dala itong tray.
"Breakfast in bed..."
Bumangon ako sa kama at kinapa ang sarili kung buo pa ba. Ngunit nang mapaharap ako sa salamin ay namilog ang mga mata ko.
"Fuck, bakit namamaga ang mata ko?!"
"Wala kang…maalala?" ani Kaede na titig na titig sa akin.
Hindi ko alam kung namamalikmata ako ngunit may something sa mata niya. His eyes twinkled in sadness. He looked like he's hoping for something I need to remember.
"Am I supposed to remember something?" Nakakunot ang noo kong tanong. "Paano ako nakauwi? Ang huling naaalala ko ay nasa bar ako! Wait!"
Inamoy ko ang sarili at medyo nakahinga nang maluwag dahil hindi ako amoy babae. Ibig sabihin, hindi ako nambabae kagabi. Lasing na lasing pa naman ako at walang maalala. Baka kung anong...ginawa ko kagabi. Ayoko ng sirain ang imahe ko. As much as possible, ayoko ng ma-involve sa kahit na sinong babae.
Ngunit may problema. Bukod sa amoy ng alak sa damit ko, naamoy ko rin ang amoy ni Kaede sa akin.
Shit. Siya ang kasama ko kagabi? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. I gulped. Wala naman akong sinabi sa kaniya 'di ba?
Habang lumulutang ang isip ko ay lumapit siya sa akin at binaba ang tray sa bedside table saka nagmadaling tumalikod.
Sa gulat at taranta ko, halos mahilo ako sa mabilis na pagtayo at hinawakan ang braso niya.
"Where are you going?" I was panicking.
Narinig ko ang paglunok niya nang dahan-dahan nitong alisin ang hawak sa akin.
"S-sa labas. Nando'n sila. Naglalaro ng volleyball. Sasali ako ro'n..."
I want to ask him to stay with me for awhile but I didn't want to be selfish. I want him to enjoy this day as well.
"Thank you sa breakfast..."
His shoulders loosened. Tahimik siyang tumango bago tuluyang lumabas.
Sinapo ko naman ang ulo at muling umupo sa kama. Napasulyap ako sa dinala nitong breakfast. May kasama na iyong pain reliever na agad kong kinuha at ininom.
Kinain ko ang breakfast bago ako pumasok ng shower at naligo para kahit papaano'y mahimasmasan.
Nagsuot ako ng simpleng white trunks at blue beach shorts that has laces. I applied sunscreen as well bago ako lumabas dala ang tray. Nilapag ko lang iyon sa sink at nagmadaling lumabas dahil narinig ko ang sigawan at tawanan nila sa labas.
Gusto ko sanang sumali sa kanila kaso paglabas ko ay biglang may tumamang pakete ng sigarilyo sa dibdib ko na agad kong nasalo.
I looked at my right to see Sandro who was looking at me seriously.

BINABASA MO ANG
Rainbows After the Rain (Published Under Pop Fiction)
General FictionUNDER MAJOR EDITING!! Fuck and Forget Series #1 Rainbows After the Rain is a quiet story of healing-of finding hope after the hurt, and realizing that sometimes, the most beautiful things come after the pain.