Permission
Tumikhim siya, pulang-pula. I've already memorized him so I know na kinikilig siya. At sa tuwing kinikilig siyang ganito ay hindi ko rin mapigilang mapangiti. Kinikilig din ako. Fuck.
"P-papatayin ko ba ang ilaw?"
I chuckled and shook my head, when he couldn't even look at me.
"How about you? What do you prefer? Lights on or lights off?"
Namilog ang mga mata niya. He took the pillow on my side and hit me with it.
"Bastos!"
"Because me?" Dinuro ko ang sarili, nakangisi parin. "I prefer the moonlight.."
"Oh talaga?" Sarkastikong aniya. "Edi humahanap ka ro'n ng babaeng i-sesex mo sa ilalim ng liwanag ng buwan!"
I cocked my head to the side, still staring at him.
"I already found who."
"Ano?! Sino?! Iyong Jamarah?!" Agresibong asik niya. "Edi doon ka!"
I covered my mouth when I laughed loudly. God, baby! If you only knew na hindi kami talo ni Ara. The girl likes girls as well!
"Tawang-tawa ka? Umalis ka d'yan sa kama ko! Puntahan mo 'yong babae mo!"
"Wala akong babae," I frowned. "Ikaw ang may maraming lalaki."
Tangina talaga. Una si Deco na crush na crush niya. Si Lade na bestfriend ko pero inaahasan ako minsan. Si Sandro na walang gusto pero asar na asar parin ako kasi dinidikitan. Si Casper na ex naman na kaso dikit parin nang dikit. Parang glue si gago. At iyong Nico. Doon talaga ako mas naiinis eh. Ang lakas ng loob na magsabi kay tita na popormahan daw ang anak niya! Fuck. Kung may dadagdag pa talaga sa listahan ko, abutan niya nalang ako ng lubid at magbibigti ako mag-isa. Magpakasaya sila!
I groaned when I took his pillow and hugged it frustratingly. Tumalikod ako sa kaniya at sinubsob ang mukha ko sa unan.
"Hoy! Matutulog ka na?"
I groaned. "Doon ka sa asungot na nakabuntot sa 'yo."
Kaso lalo lang akong nairita nang umalis talaga! Anak ng...pinanindigan ang pagiging mabuti at masunuring anak!
Mabilis akong bumangon at iritang pinigilan itong lumabas ng pinto.
"At talagang pupuntahan mo 'yon?!"
"Anong sinasabi mo?!" Inis niyang asik. "Kukuha ako ng tubig at towel pamunas sa 'yo dahil amoy alak ka!"
I frowned. Lumuwag agad ang hawak ko sa kaniya kaya umirap ito at padabog na lumabas.
I sighed when I went back to the bed. Dumapa ako ulit sa kama at niyakap ang unan nito. Gusto kong hintayin siya kaso nakatulog na ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa sobrang init ng pakiramdam. Pinagpapawisan akong bumangon.
May wall fan naman kaso ang init talaga. Gusto kong magreklamo kasi hindi naman ako sanay. Kaso naalala kong nasa ibang bahay ako. Ako ang nanghihimasok kaya ako dapat ang nagtitiis. Papangit na naman ang imahe ko kung mag-iinarte pa. I sighed.
Tumayo ako sa kama at hinanap ang damit ko. Nakita ko itong nakatupi sa kama kasama ang pants. Doon ko lang napansin na nakaboxer lang ako.
I licked my lower lip. Fuck. Siya ang naghubad sa akin? Malamang, sino pa ba? Alangan naman hinubaran mo ang sarili at tinupi mo rin ang sarili mong damit habang tulog, man?
Nang amuyin ko ang damit ay amoy downy with passion na iyon. Mukhang nalabhan na ni Kaede. I bite my lower lip and licked it. Fuck. Kahit anong pigil kong ngumiti, nagkukusa.

BINABASA MO ANG
Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)
General FictionUNDER MAJOR EDITING!! There is always a rainbows after the rain; the hope that comes after the pain.