27.

70.4K 1.7K 1.3K
                                        

Healing

"Ang laki ng ngiti ah?" Natatawang puna ni Lade nang makapasok ako sa classroom.

Gago, sino ba naman kasing hindi lalaki ang ngiti? Halos hindi nga ako makatulog kagabi dahil hindi mawala iyon sa isip ko.

Sa sobrang kilig, nilinis ko ang buong condo. Sobrang linis. Kumikinang. Walang kahit isang alikabok.

Hinampas ko si Lade ng hawak kong laces ng ID kaya humalakhak ito.

Napailing-iling ako, hindi parin mawala ang ngiti sa labi.

"Gago. Huwag mo nalang akong pansinin."

Nang lunch time na, magkasama kami ni Lade. Pagdating namin sa cafeteria ay umingay ang mga estudyante, ngunit may agad hinanap ang mata ko.

Unang natagpuan ng mata ko ang table ng varsities. Nando'n si Nico na masama ang tingin sa akin. Kinunotan ko ito ng noo at pairap na inalis ang tingin. Baka akala ni asungot aatras ako.

Kaso nang maalala kong Nico rin ang pangalan nito, talagang nakakapang-init ng ulo. Mamaya ibang Nico pala ang tinutukoy ni Kaede. Pero syempre, think positive. Ako 'yon. Walang iba. Hindi pwedeng iba. Magdadabog ako.

But my face immediately lit up upon seeing Kaede besides Frio though— which was sitting between him and Deco— laughing in Fleur's joke.

Amathea was storytelling something while smacking Deco's arms. Nasa tabi nito si Sandro na ngiting-ngiti kay Amathea at nakikitawa pa.

"Hoy! Ang pogi niya kaya! Mas pogi pa nga siya kay Nick eh! Reto mo naman ako, Fleur! Parang hindi naman tayo magkaibigan!"

Tumaas ang kilay ko nang marinig ang pangalan kay Amathea.

"Sinong mas pogi pa sa akin?" Tinaasan ko ng kilay ang pinsan nang makalapit sa kanila.

Mabilis na nag-angat ng tingin sa akin si Kaede at ngumiti. I smiled back as I messed with his hair.

"Hey," bati ko rito at agad kong tinabihan nang makita kong akmang uupo ro'n si Lade.

I glared at Lade. Humalakhak si gago at umupo nalang sa tabi ni Zero saka umakbay rito.

"Crush ni Amathea, Nick! Si Renier! 'yong pinsan ko!" Fleur giggled.

Renier? 'yong school president naming suntok sa buwan mong makikita sa buong school? Bukod sa malaki ang school, palagi lang nagkukulong 'yon sa faculty after class, or when he doesn't have a class. Ni hindi 'yon pumupunta ng cafeteria para bumili ng snacks. Palagi lang hinahatiran ng bodyguards niya ro'n.

"Omygosh! Kinausap niya ako kanina, Nick!" kinikilig na hinampas ako ni Amathea. I groaned. "Alam mo bang bihira lang 'yon lumabas ng office niya, Nick? Palagi lang nagkukulong 'yon! Kahit si Fleur minsan lang nakikita 'yon! Tapos kanina, nakita niya kami! And OMG! Ang gwapo niya sa malapitan!"

"Did you already eat?" I asked Kaede, ignoring her.

Nakangiti itong humarap sa akin at marahang tumango.

"Tapos na..."

"Good to know."

Tumango ako bago binalikan ang iniwan kong topic sa ere. Hinarap ko ulit sila Zero. Tinaasan ko sila ng kilay nang maalala ang kaninang usapan.

"Sino ulit ang tinutukoy ni Amathea na mas gwapo sa akin?"

"Si Renier nga!" Frio squinted his eyes at me. "Crush ko rin 'yon noon 'no!"

What the? Pati ba naman si Frio? Crush din 'yon?

"'yong Renier?" Kumunot ang noo ko nang kinikilig na tumango 'yong dalawa, si Frio at Amathea. I scoffed. "Mas gwapo ako ro'n."

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1) Published Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon